Chapter 27

2032 Words
Chapter 27 Abala sa pagbabasa si Elenor. Inaaral niya nang mabuti ang susunod na gagawing mahika. Sa tiyantya niya’y matatapos niya iyon sa loob ng isang linggo kung hindi lang siya pumapasok sa witches academy. Pero ngayong kailangan na niyang pumasok at may pagkaabalahang iba, mukhang matatapos niya na sa isang buwan. Apinakatitigan niya nang mabuti ang kanyang nahuling butiki kanina sa kung saang pader at inilagay niya iyon sa isang botilya. Nilagyan niya rin ng tubig sa loob para sa pagpapatunaw niya rito mamaya, may kung ano pa siyang puno ng isang kahoy na kinuha niya pa roon sa mundo ng mga tao. Doon lang kasi matatagpuan ang puno ng Narra kaya pahirapan pa siya nang makuha iyon. Tiningnan niyang muli ang kanyang kumukulong kawa. Kailangan iyon ay nasa tamang apoy lang at tamnang sukat ng tubig. Hindi dapat somobr4a sa kung ilan ang kailangan. Baka somobra ay maging palpak na naman ang kanyang paggawa, gaya noong una. Kailangan sa mga oras na iyon hindi siya pwedeng magkamali, kahit ni isang katiting lamang iyon ay hindi pwede. Abala siya sa paglalagay ng isang powder na mula sa dinurog na daghon, nang biglang may kumatok sa kanyang silid. Nasgitla siya at agad na isinara ang pinto ng kanyang banyo. Hindi dapat iyon mqakita ng kung sino. Kung bakit ba naman kasi may bigla na lamang na kumatok? Bakit hindi na lang ito naghintay sa kanya sa labas ng Witches Academy? Saka sino na naman ang kumakatok ng mga oras na iyon? Umirap sa hangin si Elenor nang kumatok muli ang kung sinong panauhin sa labas ng mga oras na iyon. Wala na siyang nagawa pa kundi pagbuksan ito ng pinto. Maliit lamang ang siwang na kanyang ginawa. Sakto nan makasilip siya sa labas. Sumalubong sa kanya ang tatlong babae na sugo ng empress. Ano na naman kaya ang ginawa niya at kung ano na naman ba ang kailangan sa kanya ng mga oras na iyon? “Ano ang kailangan ninyo?” tanong niya na nakakunot ang noo. Pinag-igihan niyang hindi makita nga tatlo kung ano ang nasa loob ng kanyang silid. Makayo ang agwat ng mga ito sa pinto dahil sa barrier niyang nilagay. Kung ganoon, epektibo nga nag paglalagay niya no’n. ang magi9cv broom pala nito na hawak ang nagsilbing pangkatok kanina. “Pinapatawag ka ng mahal na empress, may kailangan daw kayong pag-usapan,” ani ng isang babae na may dilaw na buhok. Tumango siya bilang tugon sa mga ito. Ano na naman kaya ang pag-uusapan nila ng empress. Mukhang palagi yata siya nitong pinapatawag, ah. Ano na naman kaya ang gusto nito9ng gawin niya? “Sige, mauna na kayo. Ako na lamang ang pupunta sa kanya.” “ngunit kailangan ka naming samahan papunta sa kanya. Hindi ka namin pwedeng hayaan na mag-isa lamang patungo roon,” kontra pa ng isang babae na may aikling buhok. Shit! Paano na ngayon ang ginagawa niya? Hindi pwedeng iwan na lamang niya iyon nang ganoon na lamang. Baka mawala na naman sa timing ang kanayang ginagawa. Kailanagan niya munang tapusin ang unang proseso. Napa-isip siya agad ng idadahilan sa mga ito. Iyon dapat na valid at hindi nakapagtataka na dahilan. “Masakit kasi ang tiyan ko. Kailangan ko pang magbawas uli. Hintayin niyo na lang ako sa ibaba. Susunod ako matapos ito,” dahilan niya at kunyaring masakit ang tiyan. Mukha namang epektibo dahil mukhang nag-alala ang mga mukha ng mga ito. Iyon lang ang naisip niyang paraan na nakuha niya sa asal ng tao. That would be a great alibi in time of she is needed the most. Hindi naman masama na ipahiya ang kanyang sarili nang kanti, matapos niya lang ang unang proseso ng ginagawa. “Sige. Basta bilisan mo nang ilabas iyan. Mukhang hindi mo na nga kaya. Sa ibaba na kami maghihintay sa iyom,” payag naman ng isa sa mga sugo. Agad siyang tumango sa mga ito at mabilis na isinara ang pinto. Tumungo siya sa banyo kung saan siya gumagawa ng kanyang magic processing, at ipinagpatuloy ang naudlot na proseso kanina. Mabilis niyang isinagawa ang unang proseso saka iyon inihaon ang kawa sa apoy na maliit. Pinatay niya ang apoy saka madali iyong hinipan. Itinago niya ang mga gamit sa loob ng kabinet saka ang kanyang ginawang mahika na nasa unang proseso pa lang. Matapos ang lahat, inayos niya ang sarili at mabilis na kinuha ang kanyang pointed hat, magic broom, at cloak saka iyon isinuot at binitbit. Kung ano na naman ang pinatawag sa kanya ng empress ay kaialnagan niyang paghandaan ang mga iyon. Baka mamaya, iba na naman ang binabalak nito at hindi man lang siya nakapaghanda. Mabuti na ang mamatay siya na lumalaban kaysa mamatay siyang isang talunan. Hindi dapt iyon na mangyari. Hindi dapat niya ilalagay sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan, at ng kanyang mga magulang. Kaya nga naririto siya sa Witches island for her parents and for herself. Lumabas na siya sa kanyang silid, saka nilagyan niya ng barrier ulit iyon. Mas pinatibay pa niya para walang kahit na sino ang makasisira no’n. mahirap na at hindi niya alam kung sino ang kanyang kalaban. Ang mga kalaban ng kanyang mga magulang. Hanggang ngayon ay isa p[a rin palaisipan sa kanya ang lahat. Hindi niya aloam kung paano nangyari ang bagay na iyon. Kung bakit isang iglap ipinagkait na sa kanya ang lahat. Ganoon ba talaga dapat ang mangyari? Huminga siya nang malalim, habang binabaktas nag corridor papunta sa ibaba. Malapit na siya sa kinaroroonan ng tatlong sugo nang bigla siyang mapatigil nang marining niyang nag-uusap ang mga ito. “Hindi ba kayo nagtataka roon kay Elenor? Hindi ko alam a, pero napapansin ko na interesadong-interesado sa kanya ang emoress.” “Me too, hindi ko alam kung bakit. Pinapatawag na naman siya ulit ngayon. Ano na naman kaya ang kailangan ng empress sa kanya?” “Hindi ko alam. Maybe she want to ask eolenor. Opr baka may kailangan lang siya sa babae.” Nanatili lamang si Elenor sa kanyang kinatatayuan habang nakikinig sa mga babae. Hindi niya rin alam kung bakit iyon ang pinag-uusapan ng mga ito. Maging siya ay hindi rin alam kung ano ang sagot sa mga katanungang iyon. Dahil sdiya rin ay nagtataka. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang koneksyon ng kanyang mga magulang sa empress, at ganito na lamang ito ka interesado sa kanya. That would be a big damn question in her. Pinlampas niya muna ng ilang sandali bago siya tumikhim para maagaw ang atensyon ng mga ito. Nagulat pa ang tatlo sa kanyang pagdating. Alam niyang guilty angmga mukhang ityon dahil pinag-uusapan siya ng mga ito. Pero hindi siya nagpahalata na narinig niya ang mga usapan nito. Hindi naman iyon importante sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang malaman niya kung ano na naman ang kailangan sa kanya ng empress. “Elenor? Kanina ka pa ba diyan?’ tanong sa kanya ng babaeng may dilaw na buhok. Agad siyang umiling bilang sagot dito. Wala naman siyang narinig na kakaiba sa pinag-uusapan ng mga ito. Kaya na mas mabuti na lanmang nag magpanggap na wala siyang narinig kaysa na mayroon naman talaga. At hindi naman niya iyon aaminin sa mga ito. Wala siyang balak, baka mamaya ipapatay siya ng tatlo habang natutulog siya mahirap na. “Kung ganoon, sumunod ka na sa amin at ihahatid ka namin sa mahal na empress. Kanina pa iyon naghihintay sa iyo.” Tumango siya bilang tugon sa mga ito. nagsimula na silang maglakad habang nakasunod naman siya sa likuran. Ayaw naman niyang sumabay sa mga ito, hindi sila kasya sa lapad ng corridor. Mabilis silang nakarating sa itaas kung nasaan ang empress. Agad na binuksan ng kanyang mga kasama ang pinto. Agad siyang pinapasok ng mga ito at iniwan agad siya. Sila na namang dalawa ng empress sa loob ng silid na iyon. At nasaan na naman ba ang matanda at wala na naman ang upuan nito? Naramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likuran. Ang ano naman ng matandang ito at nagawa pa siyang takutin, gayung hindi naman siya natatakot kahit na magmukha pang horror house itong kinaroroonan nito. Huminga nang malalim si Elenor saka napapikit. Hindi niya alam na kanina pa niya nararamdaman ang presensya nito sa likuran. Lumingon na siya rito at isang malapad na ngiti ang sumalubong nito sa kanya. Napairap na lamang sa kawalan si Elenor. Ang matandang ito ay nagawa pang maglaro ng hide and trick. “Ano na naman ang kailangan mo sa akin tanda?” tanong niya sa matanda nang unti-unti na itong lumapit sa kanya. “Gusto kitang maka-usap, tungkol sa ginawa mong kaguluhan kahapon sa cafeteria. Kagabi sana kita ipapatawag, ngunit oras na iyon ng pamnamahinga. Saka hindi ka namin mahanap kahapon. Hindi ka pumasok sa klase. Saan ka nagpunta?” sunud-sunod nitong sambit at tanong sa kanya. Iyon pala ang dahilan ng pagpapatawag nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya pang sabihin dito ang mga ginagawa niya. Isa pa, hindi naman siya gumawa ng kaguluhan kahapon. Ang mga kaklase naman niya ang nanguna sa pakikipag-away sa kanya. “Hindi ako ang nagsimula ng gulo kahapon, tanda. Wala akong ginawang kaguluhan. Baka nagkamali sa og-report ang mga pinagkakatiwalaan mo?” ani niya habang nakataas ang mga kilay. Sumeryoso ang tingin ng matanda sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung nagagalit ba ito o kung sinusubukan lang siya kung nagsasabi siya ng totoo? Kung anoman sa tatlo na iyon wala na siyang paki-alam. “kung ganoon, sinasabi mo ba na ikaw ay inosente sa nangyari kahapon?’ tanong muli ng matanda. “Wala akong dapat na sabihin ko sagutin man ang kung ano ang itatanong mo. Basta alam ko sa aking sarili na nagsasab ako ng totoo at wala akong ginawang kaguluhan kahapon. Sila ang nagsimula ng lahat, kailangan ko lang ipagtanggol ang aaaking sarili mula sa kanila.” Tumango=tango ang empress habang nakatitig sa kanya. Kung ganoon ay sinuusubukan lang siya nito kung hanggang saan ang tibay niya sa lahat. Nagkamali ito ng pagpili sa kanya. Hindi siya basta-basta lang sumusuko. May kailangan siyang pagtagumpayan, at iyon ay ang sarili niya. Kung anoman ang iniisip ngayon ng empress sa kanya, o ng kung sinoman na nasa wtches academy wala siyang pakialam doon, narito siya dahil sa kagustuhan ng empress, pwes papatunayan niya na hindi niya gusto ang maparito. Unang-una pa lamang ay naging klaro na ang kanyang saloobin. “ikaw ang naglagay sa akin dito sa witches academy. Kaya hindi mo ako masisisi na maging mabaiot sa kanilang lahat oras na gagalawin nila ako. Hindi ko siya itatapon sa pader kung hindi niya ako inisturbo sa pagkain ko,” ani niya pa sa inis na tono. Umasim ang mukha ng emress sa sinabi niyang iyon. Mukhang may isa siyang natamaan sa sinabi. Mukhang nakaapekto iyon sa matanda at umaasim ang mukha nito. Tumungo ang matanda sa upuan nito saka pinabuksan sa gwardya ang malaking pinto na nasa kanyang harapan. May isang lalaki na malaki ang pangangatawan na pumasok. Semi-cut ang buhok nito, ang ilang balat nito ay may mga marka na indikasyon na nakuha mula sa matinding labanan. Ang mga mata nito ay nagagalit nang mapatingin sa kanya. Hindi niya ito kilala kaya wala siyang paki-alam. “Siya si Bald. Ang kasintahan ni Dela. Galit na galit siya sa iyo dahil sa ginawa mo sa kanyang iniibig. Kahapon ka pa niya hinahanap at gustong turuan ng leksyon. Pero hindi ko iyon pinahintulutan sapagkat iyon ay hindi makatarungan at labag sa batas ng witches island at academy. . .” Tumayong muli ang matanda sa kinauupuan nito at tumuntong sa mesa para maabot sila at makita. “Kaya ko kayo ipinatawag upang kayo ay makapag-usap na dalawa.” “Magbabayad ka sa ginawa mong pananakot sa kapatid ko at sa ginawa mong karumaldumal sa kasintahan ko!” galit na galit na sigaw ng lalaki sa kanya. Hinayaan sila ng empress na mag-usap sa pasigaw nga lang na paraan, hindi sa masinsinang usapan. Kung ano man ang gustong mangyari ng lalaki na ito ay malugod niyang tatanggapin. Pero hindi ibig sabihin na basta-basta na lamang siyang susuko na walang laban. Kung kinakailangan niyang labanan ito sa isang madugong labanan, hindi siya aatras. Nakahanda na siya para roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD