Nanlilisik ang matang isang lalaki habang nakatingin sa kalagayan ni Dela. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanyang kasintahan. Nakakuyom ang kanyang dalawang kamay habang agaw-agaw ang hininga. Ganoon siya kung magalit, mas nadagdagan pa iyon nang ibalita rin sa kanya ng isa niyang kaibigan na tinagka rin ito na gawing abo ni Elenor.
Hindi siya nakapasok kanina dahil may ginawa silang misyon sa outside world. Tapos sa pagbalik niya ay ganito lang ang ibabalita sa kanya. At sino ba ang Elenor na iyon? Bakit ito ginawa sa grupo niya?
Hindi lang si Dela ang biniktima ni Elenor kundi maging ang kanyang kapatid
d na si Kevin. Kwenento sa kanyang kapatid kung paano ito takutin ng babae na gawing abo.
Mahaharap na rin niya ito mamaya. Hindi niya papalagpasin ang ginawang ito sa kanyang grupo. Wala pang ginawang kabalastugan sa kanyang grupo atwalang nagtangka na may lumaban sa kanila. Ito pa lang ang una, at ang nakaiinis doon ay ang baguhan pa sa Witches Academy.
“Ituro niyo sa akin iyang Elenor. I want to punch her face and to punish her for what she done to Dela and Kevin," galit na galit niyang litanya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Hindi dapat ito papalagpasin. hanggang maaari ay may gagawin siya sa mga oras na iyon. His girlfriend is still unconscious because of that girl named Elenor. Tapos ang kapatid naman niyang si Kevin ay tila nabahag na ang buntot dah sa pagbabanta ng babae.
“But Domino, you see what she had done to your girlfriend and younger brother. What if, you will be next time who will victimized of her,” ani ng isa na naroon sa miyembro ng kanyang grupo.
“I know, but I can handle her. Wala ka bang tiwala sa akin? And I want to get revenge of what happened to my girlfriend and younger brother,” katwiran niya habang nanlilisik pa rin ang mga mata. Wala siyang palalagpasin kahit na ano.
Huminga na lamang nang malalim ang lalaking nagsabi no'n wala na siyang magagawa kung iyon ang desisyon ng kanilang leader.
Napatingin si Domino sa kinahihigaan na kama ng kanyang girlfriend. Wala pa roon ang kapatid niyang si Kevin. Mukhang nag-iisip na rin ang mga ito marahil kung paano gagantihan ang babaeng si Elenor.
Hindi na rjn siyang makapaghintay na makaharap ang babae. He needs time to be presentational. Matagal-tagal na rin ang araw nanv mat nakalaban ang grupo niya. Hindi siya naging leader kung hindi ay baka iba na ang naginv leader ng magic broom.
Inayos niyaang sarili saka hinila ang isasa mga ka-misyempbro naroroon. Hindi na niya kayang maghintay pa ng ilang sandali.
Kailangan na niyang makaharap si Elenor nang matuto ito ng leksyon. Hinila niya ang isa sa miyembro ng magic broom para may magturo sa kanya kung sino ang Elenor na iyon. Nanlilisik ang mga mata niya nang tumingin siya kay Dela. Hindi pa rin ito nagkakamalay, at hindi niya alam kung hanggang kailan iyon.
Wala naman siyang makitang kahit anong curse na nilagay ng Elenor na iyon kay dela, dahil wala naman siyang nararamdaman na kakaiba sa kasintahan. Kahit ano pa ang gawin niya’y waola siyang mahanap. Kung ganoon, nawalan lang ng malay ang kanyang kasintahan mula sa pagkakabagsak nito sa pader. Ang ginawang iyon ni Elenor ay hindi makatarungan.
Nangangapa na siya kung paano pagigisingin ang kanyang kasintahan. Ano pa kaya ang mangyayari pagkatapos ng ilang araw? Hindi niya malaman kung ano ang manggyayari, kung sana hindi na siya umalis, siguro ay hindi na ito nangyari kay dela. Iyon na siguro ang araw na nakakamatay ng kanyang puso.
“Saan po tayo pupunta, boss?” tanong ng kanyang alagad na si Mosa. Hindi niya alam kung bakit ito ang kanyang sinama. P[ero sigurado siyang ito ang kasama nig kanyang kapatid kanina, nang pagbantaan ang kanyang kapatid ng Elenor na iyon.
Bumuga siya ng malalim na hininga.
“Ituro mo sa akin kung sno ang Elenor na iyon nang maturuan ko siya ng leksyon,.”
“B-Boss, . . hindi ko yata magagawa iyan. Baka ako ang gawin niyang abo oras na malaman niyang nagsumbong ako sa iyo. Patay kami ng kapatid mo kapag mangyari iyon,”takot na takot na sambit nito habang nanginginig sa takot.
Biglang gumapang ang galit sa kanyang damdamin ng mga oras na iyon. Ano ba ang ginawa ng Elenor na iyon para matakot nang ganito ang kanyang kasama na si Mosa?
Ano ba talaga ang nakatatakot sa paggawa ng isang bagay sa abo ng babaeng iyon/ hindi niya alam kung paano isasama ang alagad sa mga oras na iyon. Kung ayaw nitong sumama, hindi niya puipilitin. Kung anoman bahala na, kung saan niya mahahanap ang elenor. Magtatanong na lamang siya sa Dean nila.
“Sige, kung ayaw mong sumama, hindi kita pipilitin. Ako na ang bahakla na humanap sa kanya. “
“Mag-iingat ka boss. Baka ikaw rin ang kanyang mapinsala. Masasabi kong napakalakas ng babaeng iyon. Kakaiba siya sa nakaharap na nating kalaban sa other world,” banta at paalala ng kasama sa kanya. Hindi niya ito pi ansin at nagpatuloy na siya sa paglabas sa kanilang bonding house.
MASAYA ang lahat sa paligid ni ZElenor. Alintana ang mga nangyayri sa paligid. Wala pa ang kanilang professor. Hinihintay nila itong dumating.
Kanina pa niya hinahanap ang lalaki laslaki na pinagbantaan siya kanina. At ang babae na itinapon niya sa pader. Nawawala an mg a ito maging ang mga kasama. Kakaunti lamang sila sa loob, nasa pinakadulo siya naupo.
Wala siyang oras na pansinin ang mga nang-aasar sa kanya. Saka isa pa, ayaw niya ng exposure at palaging nakikita ng kanilang professor oras ng klase. Mas guustuhin na lamang niyang maging unknown, kaysa magng known ng lahat.
Wala siyang pakialam sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Inaantok na siya at gusto na niyang bumalik sa kanyang silid. Marami pa siang gagawin na napurnada dahil sa pagpasok niya sa witches academy. Lahat na yata ay nakasulat na sa itim na librong walang pamagat.
“It so boring here. I need to go out,” bulong niya sa kawalan.
Akma na sana siyang tatayo nang biglang may tumabi sa kanyang babae. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya nang mataman. “hi, Elenor right?” tanong agad nito sa kanya na ikinatigagal niya.
Hindi niya inaasahan na mabait ito sa kabila ng mga kaklase nila. Medyo naninibago si Elenor dahil doon. Hindi niya ito pinansin at inignora niya ang babae. Hindi niya pa naman gusto na may gumugulo sa tahimik niyang buhay at pwesto.
“Ang ilap o ano/ ayaw mo ba akong maging kaibigan? Pasensya ka na sa trato ng mga kaklase natin. Mga wala lang sila magawa niyan. Hindi ko alam kung bakit.”
Napatingin siya sa babae. Ang daldal pa rin nito kahit hindi niya pinapansin.
Sana naman ay tumahimik na ito nang hindi siya naiistorbo sa kanyang kinauupuan. Ang balak niya na aalis at naudlot dahil sa babaeng ito na bigla na lamang sumulpot. Hindi naman niya ito napansin sa pag-aakalang masasama ang lahat ng kaklase. Hindi dapat siya bigla-bigola magtitiwa. Wala dapat siyang pagkatiwalaan. Baka isa lamang iyong pagpapanggap para sa kanyang kahinaan. Wala siyang dapata pagkatiwalaan, bukod sa sarili niya. Iyon dapat ang kanyang isipuin at huwag na ang kung anoman.
“Ayaw kong makipagkaibigan sa kung sino. Kaya nag-aaksya ka lang ng oras na lumapit sa akin,” ani niya habang ang seryoso ng mukha.
“Ang honest mo naman. Ang bihira ko lang maka-encounter ng tulad mo. I like you,” walang pakundangang sabi nito haban g nakatitig pa rin sa kanya.
May kung ano siyang naramdaman ng mga oras na iyon, hanggang sa umasim ang kanyang mukha. Umusog siya nang kaunti palayo sa babae. Baka nga babae ag gusto nito at hindi lalaki. Ang weird naman no’n kapag siya ang gsuto nito. But she respected her of h=what she is. Hindi lang siya sanay na may nagkakagusto sa kanyang babae. Naninibago siya. Saka wala namang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng ugali niya. She is not the type of a woman na magugustuhan.
Natawa bigla ang babae habang nakatitig sa kanya. Hindi ito mapigil-pigil sa tawa habang namimilipit na. napakunot ang kanyang noo dahil doon. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang nakatatawa para tumawa ito.
“Ano ba ang iniisip mo? Aloam ko iyan ha. Hindi kita gusto in romatically ha. As a friend lang, Elenor,” paliwanag nito.
Nagets naman pala nito ang aksyon niya. Tinanong pa siya kung bakit. Napailing na lamang si Elenor. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Sana nga ay magawa niyang maging kaibigan ang babae na ito. Wala siyang ideya kung paano. O, baka naman magamit niya ito bilang pagkunan ng impormasyon?
Why not to make her as her friend anyway? Wala namang mawawala kung kakaibiganin niya ito. Isa pa, hindi naman siya magtitiwala rito nang lubusan. Mas mabuti na ang may pagkukunan siya ng impormasyon tungkol sa Witches academy at Island bukod kina Randal.
“What’s your name?” tanong niya rito.
Bigla namang um
aliwas ang mukha ng babe at masayang sinabi nito sa kanya na pangalan.
“Shaina ang pangalan ko. Ikinaggalak kitang makilala, Elenor.”
Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan, napatingin siya roon. May pakiramdam siyang kakaiba, kaya hindi niya iyon tinanggap. “Hindi ako nakikipagkamay kahit kanino. Pasensya ka na.”
Napatawa ulirt ang babae sa kanyang sinabi. Wala naman nakatatawa roon, maliban lang kung gustio nitong hindi niya mabasa ang inis at asar na nakatago sa likuran ng mga ngiti nito. Hindi niya alam, pero iyin ang nararamdaman ni Elenor sa mga oras na iyon. Mukhang may balak na kung ano ang babe sa kanya. Sana naman ay nagkakamali lang siya, o, kung tama man. Hindi na siya ligtas sa Witches Island. Mukhang pinagtutulungan yaa siya ng mga ito. Ng mga magci groom group, o kung may tao man sa likod nito na gusto siyang papatayin. Kung anoman iyon, malalaman din naman niya iyon sa mga susunod na araw.
“So, kumusta naman ang unang araw mo rito sa academy? Nabalitaan ko ang nangyari sa cafeteria. Pasensya ka na sa ginawang iyon ni dela at ng iba pang naririto. Ganoon lang talaga ang trato nila sa mga baguhan. Sana mapatawad mo sila,” biglan usal nito.
She is not paying an attention to her. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito, o kung ano ang dahilan ng trato sa kanya ng mga naroroon. Ang importante sa kanya ng mga oras na ioyon ay ang amakabalik na siya sa kanyang silid para makagawa na ulit sitya ng panibagong mahika.
“Ikaw, Elenor? Ano ba ang hobby mo bilang isang witch? Ako ang hobby ko ay ang bumuo ng isang love poison. Iyon daw ang kaya kong gawin ayon sao kong mga magulang ko. Pero gusto kong matuto pa ng iba, kaya ako pumasok dito sa Witches academy. Hanggang ngayon, paunti-unti na akong natutoto. Ikaw bakit ka nariritop sa Witches academy?”
Kumibit balikat si Elenor. “Wala akong dahilan kung bakit ako naririto.”
Napatawa ulit ang babae sa sagot niyang iyon. Wala na siyang pakialam kung tatawa lamang ito sa sinbi niya. Naantok nasiya sa kanina pa sila nakaupo roon. Mukhang hindi na yata darating ang kanilang professor. Kailangabn na niyang bumalik sa kanyang silid. Tumayo na siya at hindi na pinanin si Shaina. I8niwan niya itong nagsasalita.
Mabilis siyang lumabasd ng silid at naglakad sa corridor. Walang kahit na witches ang dumadaan doon. Mukhang ang lahat yata ay nasa loob ng room. Nakababa na siya ng second floor matapos ang matagl na paglalakad pababa. Wala siyang nakasalubong na professor.
Bumuntong hininga si Elenor habang iiling-iling ng kanyang ulo. Paano ba matututo ang ilang mga Witches kung ganito na lamang ang sitwasyon sa loob ng academy? Mukhang hindi naman seryoso sa pagtuturo ang lahat. Sana naman ay ituring naman ng mga professor o ng kahit sinong nasa taas ang ganoong pamamalakad.
Dumiretso na siya sa kanilang condominium at tumungo sa kanyang silid. nilagyan niya ito ng bariier bilang prioteksyon sa kung sinoman nag magtatangka na pumasok doon. Mabuti na ang maging handa siya kaysa sa hindi..