Chapter 25
Hindi nakapagsalita ang lalaki na nasa kanyang harapan. Maging ang mga kasama nito ay hindi nakakilos sa kinatatayuan. Napangisi si Elenor, naiinip na siya sa paghintay ng sagot nito. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang naging pasya ng lalaki. Nagbilang pa siya ng ilang sandali. Pero wala man lang itong naging sagot sa kanya. Hindi yata ito naniniwala na kaya niyang gawing abo ang isang bagay. Gusto siguro ng lalaki ng isang sample.
“Gusto mong malaman kung nagsasabi ako ng totoo?” hamon niya rito.
“Oo, gusto kong makita. Kung totoo nga ang sinasabi mo,” payag naman nito sa kanyang sinabi.
“kung ganoon, manood ka.” Lumapit siya sa isang upuan saka hinawakan niya iyon. May kung ano siyang binigkas at sa isang iglap naging abo iyon. Ganoon na lamang ang gulat na rumihestro sa mukha ng mga lalaki. Nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa uopuan na ngayon ay naging abo na.
“Naniniwala na ba kayo na kaya ko kayong gawing abo?”tanong niya sa mga ito nang hindi pa rin makatinag.
Sa isang igolap lumuhod sa kanya ang anim maging ang lalaki na gusto siyang gawing daga. Dahil doon, sigurado na si Elenor na hindi na gagawing abo ang mga iro sa oras na iyon. Nakikita niya ang takot at pagsisisi sa mga mata nito, habang walang awang bumibigkas ng paulit-ulit na pasnsya ka na at ano pang mga salita para lamang hindi niya itutuloy ang binabalak.
“Oh siya, sige. Hindi ko na itutuloy ang paggawa sa inyo na bilang abo. Maaari na kayong umalis at huwag na huwag na kayong gagawa no’n sa mga mahihina at baguhan na mga witches dito. Kung ayaw ko kayong tustahin at gawing abo,” huli niyang pagbabanta sa mga ito.
Tumango-tango naman ang mga lalaki at kumaripas na ng takbo pagkatapos siya nitong pasalamatan. Napaling-iling na lamang si Elenor haban sinusundan ng tingin ang mga olalaking pangahas. Kung marami pa pala na mga ganoon sa witches academy mukhang hindi natuturuan ng tamang-asal ang mga ito.
Ano nga ba ang tunay na pakay ng kanilang empress kung bakit nito pinatayo ang witches academy? May kinalaman ba ulit ito sa kagustuhan na pamunuan ang buong mundo ng Verdona? Kung ano man ang balak nito ay iyon ang kanyang tutuklasin at pipigilan.
Kinuha niya ang mapa sa kanyang bulsa ng suot na cloak. Hinanap doon kung saan ang cafeteria. Nagugutom na siya, kahit tatlong oras lang naman siyang nakaupo sa loob ng room. Hindi naman niya maintindihan kung ano ang pinapaliwanag sa kanila kanina ng professor. Bukod sa black magic nitong sinasabi ay wala na. hindi na lamang siya nakinig, at nag-bserba na lamang sa kanyang paligid. Dhil sigurado naman siyang nabasa na niya ang tinuturo nito sa kanyang itim na librong walang pamagat.
Bumuntong hininga si Elenor. Nasa second floor pa ang cafeteria na hinahanap niya. Malayo-layo pa pala ang kanyang pupuntahan. Walang kapaguran yata ang paglalakad niya, kung bakit ba kasi hindi na lamang niya gamitin ang kanyang magic broom? Nang sa ganoon ay hindi na siya mapagod.
Wala nang nagawanpa si Elenor kundi ang lakarin na lamang ang mula sixth floor hanggang second floor. Kung bakit ba naman kasi hindi na naglagay ng elevator ang witches academy kagaya ng mundo ng mga tao? Nang sa ganoong paraan ay mapapadali ang kanyang pagpunta s kung aan niya gustong tumungo. Pahirapan pa talaga bago makarating sa kinaroroonan.
Sa kanyang kalagitnaan ng paglalakad. Hindu niya inaasahan na makasasalubong niya ang tatlong babaeng witches na pinagkakatiwalaan ng empress. Nag-uusap ang mga iyo nang mapatingin sa kanya. Agad siyang yinawag ng babaeng may maiking buhok.
Nakalimutan na naman niya ulit ang pangalan niyo. Hindi na naman niya natatandaan ang mga pangalan ng taglo, pero natatandaan niya ang mga mukha. Kung bakitba kasi ang hina niya magmermorya ng mga pangalan?
“Elenor! Kumusta ang first day mo? Ayos ka lang ba sa seksyon na nilagay sa iyo ng empress?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
Wal siya sa mood na makipag-usap sa mga ito. Nagugutom na siya at napapagod. Kailangan na niyang makarating sa cafeteria. Kailangan na niyang kumain, at baka mamaya sumabog pa siya sa sobrang galit. Hindi niya pa naman iyon gusyo, nakalilimutan niya kasia ng buong pangyayari.
Kung ganoon, baka nga may masamang balak sa kanya ang empress. Gusto siyang papatayin nito sa mga magic broom na seksyon. Pero sa anong dahilan? Wala naman siyang masamang ginawa sa witches island. Dahil ba sa kanyang mga magulang kaya ganoon na lamang ang paghahangad ng empress sa kanyang patayin siya? Pero imposible, wala naman siyang ginawang kasalan na ikagagalit nito. At kung tungkol naman sa kanyang mga magulang wala na siyang alam dito at wala nang koneksyon.
Hindi naman alam ni Elenor kung ano ang totoo at hindi. May posibilidad na nag-iisip lamang siya ng mga bagay-bagay, may posibilidad din na maaaring totoo.
“Ayos lang naman, medyo naninibago lang ako," sagot naman niya habang nakangiti nang malapad. Kung anoman ay wala na siyang pakialam sa kung ano ang magiging reaksyon nito.
Ngumiti ang babaeng may blonde na buhik. “Masaya kami at nagustuhan mo naman ang unanag araw mo. Kung may problema ka ay tawagin mo lang kami o sabihin sa amin.”
Tumango siya bilang pagpayag sa sinabi nito. Nagugutom na talaga siga. wala na talaga siya sa mood.
“Sige na, pupunta pa akong cafeteria. Kanina pa ako nagugutom. Gusto ko nang kumain," ani niya at paalam sa mga ito.
Tumango naman ang tatlo at kumaway sa kanya. Nilampasan na niya ang mga ito at bumaba na siya ng hagdan pagkakita roon. Isa pang tatlo pang floor ang kanyang dadaanan bago makarating sa cafeteria. Kung bakit banama kasi wala man lang pagkain sa mismo nilang silid, at kailangan pang tumungo sa cafeteria. Ang layo pa naman, gutom na gutom na siya bago makarating doon.
Pagkarating niya sa cafeteria, agad siyang humanap ng pagkain na ayon sa kanyang panlasa at gusto. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na kumuha roon ng pagkain. Mga blueberries at isang violet cake na gawa rin sa paborito niyang prutas.
Pagkatapos na makakuha ng pagkain, she was about to pay for foods nang mapansin niyang hindi naman nagbabayad ang mga kasama niya. Which is it was all free. That is good, she have no money at that time.
Humanap siya ng bakanteng upuan at mesa. Nakakita siya sa bandang dulo malapit sa pintuan ng cafeteria. Tumungo siya roon at doon naupo. She is eating peacefully when someone grab her and pulled out from her seat. Elenor got shocked.
Nabitiwan niya ang kinakain. Mabuti na lamang at nasalo iyon ng plato at tray, hindi nasayang.
Napatingin si Elenor sa taong humila sa kanya. Iyong babae na humarang kanina sa upuan niya. Mukhang hindi pa yata nakwekwento sa babaeng ito ng lalaking iyon ang ginawa niya kanina.
Napatingin sa kanila ang lahat nang magsalita nang pagkalakas-lakas ang babae. Naagaw nito ang buong atensyon ng lahat. Napabuga ng hangin si Elenor. Mukhang wala yatang peace sa unang ara niya sa academy na ito at puro na lamang kabalastugan ang nahaharap niya.
“Ikaw, ang yabang mo rin ano?” maangas na sambit nito habang nakahawak pa rin ito sa cloak niya na nasa bandang dibdib.
Biglang uminit ang ulo ni Elenor. Napansin niyang nakatingin na sa kanya sina Randal. Nag-aalala ang mga mata nito na nakatingin sa kanya, at maging nina Asora. Hindi niya iyon inaasahan.
Ganito ba silang katakot lahat sa magic broom group? Nanatili lamang nakatayo ang mga ito habang nakatingin sa kanya, at wari wala man kang magawa para tulungan siya. Napairap sa kawalan si Elenor na hindi naman nakaligtas sa babaeng nasa harap niya.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang babae sa kamay nitong nakahawak sa cloak niya.
“Alam mo bang ang ayaw ko sa lahat ginugusot ang suot kong cloak?” inis niyang tanong dito na mas lalong nagpausok sa ilong nito.
Napansin niyang napatawa si Randal sa kinatatayuan nito kasama ang mga grupo. Maski siya ay natatawa rin sa itsura ng babae.
“Aba't ang yabang mo talaga ano? Hindi mo ba kami kilala rito? Ang bago-bago mo hindu ka lumulugar!" galit na sigaw nito sa kanyang pagmukha.
Sa tindi ng galit at inis ni Elenor hinawakan niya nang mahigpit ang babae sa braso nito at malakas na hinila at itinapon sa pader ng cafeteria.
Singhap ang narinig sa buong paligid at pagkawasak naman sa pader na kinabagsakan ng babae. Nakahandusay na ito at walang malay.
Nagtatagis ang bagang ng kasama ng babae habang mangiyak-ngiyak na lumapit sa kaibigan.
“Huwag kayong mag-alala, hindi naman malakas ang pagkakabagsak niya. Nawalan lang siya ng malay. Huwag niyo kasi akong iisturbuhin kpag kumakain ako. Kanina pa ako gutom,” malamig niyang tugon saka inayos ang kanyang suot na cloak at bumalik sa kanyang kinauupuan.
Hindi naman nakaligtas kay Elenor ang bulung-bulungan ng iba oa niyang mga kasamang witches na nasa loob.
“Sino kaya siya? Ang lakas naman niya."
“Bago lang siya rito, di ba? Pano kung balikan siya ng magic broom group?"
“Ang galing niya! Hindi pa ako nakakita ng iang tulad niyang ang tapang umaban za grupong yon.”
“Nacurious na ako sa kanya. Saan kaya siya na seksyon. Napabilang?”
Hindi na lamang pinansin ni Elenor ang mga usapan na nasa kangang paligid. Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang pagkain. Napatingin siya kina Randal nang lumapit itong bigla sa kanya, maging ang mga kasama nito.
“Elenor! Ang galing mo naman! Hindi namin inaasahan na iyon ang gagawin mo!” salubong agad sa kanya ni Randa, at naupo pa ito sa tabi niya.
Umupo na rin ang ilang mga kasama nito. “Sabihin mo, may ginawang hindi maganda si Dela sa iyo, ano?” tanong naman sa kanya ni Asora.
Tumango siya at patuloy sa pagkain. Wala siyang oras na makipagka-usap sa mga ito, hangga't hindi siya natatapos sa kanyang kinakain.
“Ang kinatatakutan lang namin ay ang makarating ito sa head ng Witches Academy. At ang balikan ka ng mga kasama ni Dela. Lalo na at saksi ang dalawa niyang kasama na si Emerald at Lovi. Baka gumawa sila ng kwento para ikaw lang ang paparusahan," ani naman ni Adoe habang nababanaag sa mga mata nito ang pag-aalala para sa kanya.
Sa wakas at naubos na rin niya ang kanyang pagkain. Dumighay pa siya bago nagsalita. “Pasensya na kayo, gutom na kasi ako. At tungkol sa pag-aalala ninyo sa nangyari kanina. Huwag na ninyong isipin iyon."
Tumayo siya at inayos ang sarili. Napatingin siya sa kinabagsakan ni Dela kanina. Wala na ito roon at ang dalawang kasama.
“Pero hindi pwede. Kaibigan ka na namin, hindi mo maiaalis sa amin na mag-alala para sa iyo. Alam mo naman ang kayang gawin ng mga iyon. Naikwento ko na sa iyo kanina,” kontra naman ni Randal.
Napatango siya rito. “kaya ko na ang sarili ko."
“Pero paano mong nagawa iyon kanina? Witch ka ba talaga?" Tanong naman sa kanya ni Damien.
“Oo nga, Elenor. May kakaiba ka bang magic bukod sa kung anong element ka?" segunda naman ni Asora.
Maskj siya ay hindi niya rin alam kung saan iyon nanggaling. Nabigla lang din siya kanina. Wala siyang kaalam-alam. Naramdaman na lamang niya ang malakas na enerhiyang iyon.
Huminga nang malalim si Elenor. “Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon. Basta kusa na lamang lumabas ang lakas ko at naitapon ko siya,” tapat niyang sagot sa mga ito.
“Sana all na lang at alam na ang kapangyarihan. Samantalang kami hirap na hirap na pag-aralan at ilabas, at hindi pa alam kung ano," wika naman ni Harvey.
Kumibit-balikat na lamang siya. “Sige at mamaya na lang ulit. Kailangan ko nang hanapin ang susunod kong room. Baka malate pa ako.”
“Sige ingat ka," sagot naman ni Randal.
Tuluyan nang umalis si Elenor at hahanapin na ang kanyang susunod na klase sa kung saan na namang floor iyon.
Samantala naiwan naman ang mga grupo ni Randal na nagtataka pa rin hanggang ngayon sa ipinamalas na kapangyarihan kanina ni Elenor.
“Hindi ko lang alam kung totoo pero talagang may kakaiba kat Elenor," puna ni Adoe.
Napasandal naman si Randal sa kanyang upuan at nag-isip nang malalim. Alam niyang nasaksihan na niya ang kapangyarihang iyon noon. Hindi niya lang maalala kung kanino.
“Kanino ba talaga siyang anak? At saan ba talaga siya galing? Witch ba talaga siya? Sobra niyang mistoryosa para sa akin," nagtataka namang sambi ni Asora.
Kumibit-balikat si Damien, hindi rin alam ang sasabihin. “Huwag na ninyo siyang pag-usapan. Nakatatakot pa naman iyong magalit. Baka mamaya marinig mayo no'n."
.
“Ito namang si Damien ang praning,” asar naman ni Harvey sa kaibigan.
Napatawa na lamang silang lahat.