Chapter 24
Maaga pa lang ipinatawag na si Elenor sa faculty room para ibigay sa kanya ang kanyang schedule classes sa loob ng ilang taon hanggang sa maka-graduate siya. Nang maibigay na sa kanya ng isang professor doon na witch din ay lumabas na agad siya at hinanap ang room na una na nasa schedule niya.
Mukhang mahihirapan pa siyang maghanap non sa dinarami pa namang mga room na naroon. Nasa sixt floor at 132 room pa siya. Ganoon na yata karami ang mga aspirant ng witches academy. Sobraang dami na nila at hindi na yata maabisuhan.
Bumabaktas siya sa corridor papuntang second floor nang may tumawag sa kanyang pangalan. It was Randal who was wearing a wide smile on the lips. Kumunot ang noo niya dahil doon. Hindi niya aakalain na magiging kaibigan niya ang kumag na ito at an iba pa nitong mga kasama. Parang kailan lang.
“mukhang nahihirapan kang hanapin ang room mo, ah? Anong class scehdule ka ba o kaya section? Pinapili ka ba nila? Ano ang piili mo?” sunud-sunod na tanong nito na nakaririndi para sa kanya.
Kumibit-balikat si Elenor. Hindi ni9ya naman kasi binasa talaga nang maayos ang nasa schedule nia. Kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Randaol. Imbes na sumagot, ipinakita na lamang niya sa alaki ang papel na hawak-hawaik. Kinuha naman iyon ng lalaki at binasa. Ganoon na lamang ang panlalaki nito ng mga mata.
“s**t! Sa magic broom ka naka-gtrupo? Ang lupit naman ng mga ka-grupo mo. Sana sa amin ka na lang. may mga pinagsamahan na tayo kahit papaano,” wika ni Randal na ikinakunot ng noo niya.
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.
Hindi niya napigilan ang sarili na m,agtaka at magtanonfg.
“Ano ang magic broom na grupo? Ayos naman ba silang makasama?” tanong niya out of curiosity.
Sumeryoso ang mukha ni Randal nang lingunin niya ito. Walang mababakas na biro sa mga mata. Mukhang seryoso yata ang usapan kapag tungkol sa magic broom.
“Sila yata ang pinakamalakas na grupo pagdating sa contest. Kahit na kailan wala pa sa kanila na nakatatalo, they have unique magic. Hindi koo lang alam kung saan sila magaling na larangan.”
“Kung ganoon, pwede naman akong pumalit ng grupo di ba?” tanong niya.
Kung papipiliin siya, sa grupo na lamang siya nila Randal sasama. Sa mga ito, may makukuha siyang impormasyon, baka sa grupo ng mga magic broom ay mangapa pa siya at maging kalaban niya.
Pero kahi na ano ang mangyari wala siyang pakialam, kakayanin na lamang niya kung sa mga ito siya pupunta. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala siyang seksyon.
“Hindi na yata pwede mag-swap kapag ang empress na sa iyo ang nag-assign. Di bali na, Elenor. Makikita mo naman kami kapag oras na ng contest.”
Tumango na lamang siya sa sinabing iyon ni Randal. Kung anoman ang ibig ipagkahulugan ng paglalagay sa kanya ng empress sa sesyon na iyon ay kailabngan niyang paghandaan. Hindi dapat siya makampante. Mukhang may masamang binabalak sa kanya ang emoress kaya’t doon siya inilagay.
“Paano ba iyan., ihahatid na kita sa room mo. Magkalapit lang naman ang room natin, e. kapag gusto mo nang kausap tumambay ka lang doon. Welcome ka.”
“Talaga? Hindi kaya ako papaalisin ng mga kaklase niyo?” tanong niya habang ang seryoso ng mukha. .
Baka naman kasi mamay pumunta siya roon ay paalisin nga siya at ipagtabuyan. O, baka naman ay awayin siya. Mahirap pa naman kung siya ay magalit. Hindi niya makontrol ang sarili niya at baka maipalabas niya ang kaniyang powerful black magic.
“Oo naman. Welcpme na welcome ka roon. Kung pwede lang talaga na mag-swap ka ng seksyon, doon ka na sana sa amin. Hindi ka na sana magsisimulang makipagkaibigan sa mga mayayabang na magic broom group na iyon,” kwento naman ni randal sa kanya.
Nakarating na sila sa fifth floor nang mapansin niyang wala pa rin ang ilang kasama ni Randal. Naitanong nia ito sa lalaki. “ Nasaan na ang mga kasama mo hindi ko yata sila nakita, at bhindi mo kasama?”
“Mga early bird naman ang mga ‘yon, kaya sigurado akong nasa room na sila.”
Tumango na lamang siya at hindi na nagsalita. Hanggang sa makarating na sila sa sixth foor at hinatid siya hanggang sa kanyang room ni Randal. Tinapik siya nito sa kanyang balikat bafgo sinabihan ng goodluck,. Matapos no’n ay binuksan na niya ang pinto nang magpaalam na sa lalaki.
Pagkapasok niya, nagkatinginan ang mga witches na nasa loob. Mukhang mga badass ang mga ito, base sa mga suot at itsura. Sa lamang yata ang mga lalaki sa seksyon na iyon. Sa tiyantya ni Elenor may sampung lalaki at may walong babae pang siyam na sa kanya.
Humanap siya agad ng bakanteng upuan. Natamaan iyon sa pinakadulo at sa pinakalikod. Sunod ang mga tingin sa kanya nang lumakad siya patungo roon. Akma na sana siyang uupo sa nakitang bakanteng upuan, nang bigla na lamang siyang pigilan ng isa sa mga babae na naroon. Nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa kanya.
Okay, mukhang may ugali yata ng isang masamang dragon ang nasa room na iyon. Tama nga ang sinabi ni Randal kanina na mga badass ang mga kaklase niya.
“opps, miss. Mukhang bago ka yata. Hindi ka ba naligaw? Alam mo ba kung anong seksyon ito? Baka nagkakamali ka ng basa?” tanong ng babae na may maitim na labi, habang nakataas ang kilay nito na nakatingin sa kanya.
Tumikhim si Elenor. Lumapit pa ang ilan sa mga ito sa pwesto niya.
“Oo nga, baka nagkamali ka lang ng pinasukan? O, baka gusto mo lang akong makita?” ani ng lalaki na kanina pa ang malagkit na binibigay sa kanya. Kung gwapo ba naman ito, baka hindi siya nakaramdam ng diri. Mas gwapo pa nga rito si Randal.
Ngumisi siya nang marinig ang sinabi nito. Ang yayabang nga ng mga kaklase niya. Hindi niya siguro maatim ang mga ugaling iyon. Kaya ba siya nilagay rito ng empress dahil minsan may pagka bad girl din siya? Pero hindi naman ganito naz somobra naman yata at hindi lumalagay sa isang lugar.
Kung ganoon, mukhang hindi na muna siya maglilipat ng seksyon. Dapat niya munang turuan ng leksyon ang mga itio. Bago niya iwan, mukhang hindi yata naturuan ng tamang-asala ng mga ito.
“May nakatatawa ba sa sinabi ko? Para ngumisi ka diyan?” tanong pa ng lalaki na mukhang nainsuto sa ngisi niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
“Oo, hindi ka naman kasi gwapo,” sarkastiko niyang sagot ditop na siyang dahilan kung bakit umusok ang ilong nito dahil sa galit.
Hindi napigilan ni Elenor ang matawa nang malakas. Kaya naman masama ang mga titig na ipinukol sa kanya.
“Gusto mo bang gawin ka naming itlog o kaya namqan daga?” tanong sa kanya ng lalaki na proud sa sariling gwapo ito.
Mas natawa si Elenor. Hindi naman talaga siya natatawa kundi inaasar niya lang ang mga ito sa pagbu-bully sa kanya. Hindi niya alam na ganoon pala ka cheap ang mga kapangyarihan ng mga ito.
“Subukan mo, kung ayaw mong maging abo.”
Banta rin niya habang nakangisi.
Hindi niya napigilan ang sarili na kalabanin ang mga ito. Hindi niya hahayaan na maging ganito na lamang ang trato ng mga ito sa mga baguhan at mababa ang ranko sa witches academy. Hindi iyon makatarungan kung hanggang maaari ay gagawin niya ang lahat.
“Hindi ba kayo tinuturuan ng tamang-asal? Hindi niyo ba alam kung paano patutunguhan ang kapwa witches ninyo/’ ani pa niya habang tinitingnan ang mga ito sa mga mata.
“Ang yabang mo naman, Miss. Hindi mo ba kami kilala lahat?” galit na tanong pa ng babae na humarang sa kanya kanina.
“hindi ko kayo kilala. Bago lang ako rito. Kaya sana maging maayos ang trato niyo sa akin,” sagot naman niya saka hinila ang upuan na naroon at naupo siya.
Kokontra pa sana ang mga ito nang dumating na ang kanilang professor. Wala nan ang mga iotong nagawa kundi ang umupo na sa kanilang mga upuan.
Napangisi sui Elenor nang lingunin siya ng lalaki at binigyan ng huling masamang tingin ang babae kanina. Kung may binabalak man ang mga ito ng masama laban sa kanya mamaya ay nakahanda na siya.
“Okay, class. Siguro naman ay nakilala na ninyo ang bagong ikakalse ninyo.”
Hindi nagsalita ang lahat. Nanatioling tahimik ang mga ito. Walang balak ang mga itong sumagot. Wala naman siyang magagawa roon.
“Miss Elenor please stand up and introduce yourself in the front of the class,” ani ng knilang guro. Wala na siyang ginawa kundi ang tumayo at ipakilala ang sarili sa harapan ng kanyang mga kaklase.
Matapos ang discussion sa paggawa ng magic poison ay lumabas na sila. Hindi agad siya pinalampas ng mga grupo na umaway sa kanya kanina. Ano na naman kaya ang gagawin ng mga ito sa kanya? Gusto yata ng mga ito na makatikim ng aral mula sa kanya.
“Hindi ko papalampasin ang mga sinabi mo sa akin kanina,” ani ng lalaki habang nakangisi nang malapad sa kanya.
Pinalibutan siya ng mga kasama nito na nasa lima ang bilang. Hinayaan niya ang mga ito na asarin si8ya at dalhin sa kung saan. Hinawakan siya ng dalawang lalaki sa kanyang magkabilang braso. Hinila siya palabas ng mga ito.
Sinigurado na walang makakikita sa kanila. Hinayaan niya lang kung saan siya dadalhin ng mga lalaki. Kung anoman ang binabalak na gawin ng mga ito sa kanya ay nakahanda na siya. Wala siyang papalampasin mamaya.
Dinala siya ng mga ito sa corridor kung saan walang dumadaan na mga ibang witches. Pinakatitigan siya.
“kailangan kang turuan ng leksyon, Elenor. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo kanina. Alam mo na ang banta ko tutuparin ko iyon. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo sa akin kanina. Kaya naman, gagawin kitang daga.”
“Subukan mo lang na hawakan ako, kung ayaw mong maging abo, sinasabi ko sa iyo,” sagot naman niya rito.
Pero mukhang hindi ito natakot at mas natuwa pa nga sa sinabi niya. Hindi niya aolam na ganoon pala ito kayabang, akala niya ay may kahinaan itong lalaki na ito at madadala sa isang takot lang. pero mukhang mapipilitan siyang tuparin ang sinabi niya. Gagawin niya talaga itong abo kapag oras na magalit siya sa mga pinagsasabi nito.
“Gusto ko ang tapang na mayroon ka. Pero hindi ko gusto iyang tabas ng dila mo. Alamn mo bang nirerespeto ako sa loob ng klase at ayaw kong may nagpapahiya sa akin at lalo na isang baguhan at babe na tulad mo? Ayaw na ayw ko sa ganoon, alam mo ba iyon? Pinahiya mo ako kanina sa loob, ngayon alam na nilang may makatatalo na sa akin at may komokontra. Kailanghan na kitang walain, kung sino ka man. Wala akong pakialam sa kaparusahan na kahaharapin ko, gagawa na lamang ako ng kwento.”
Napairap sa kawalan si elenor. Ang dami pang sinasabi ng lalaki na ito. Hindi naman siya interesado sa kung ano ang concern o galit nito sa kanya.
Puinakawalan siya ng dalawang lalaki. Pinitik ng lalaking mayabang ang dalawang daliri nito pero walang nangyari. Isa pa, hanggang sa naging dalawa, at naging tatlo. Hanggang sa makailang ulit itong pumitik pero wala naman sa kanyang nangyari. Napangisi siya nang tingnan siya ng lalaki.
“Sinabi ko nang huwag mo nang tatangkain na gawin iyan. Dahil oras na ginawa mo, magiging abo ka.”
“S-sino ka ba,ha? Paano mong napatigil ang kapangyarihan ko?"
Ngumisi si Elenor nang mga oras na iyon. Maging siya ay hindi rin alam kung bakit siya kakaiba sa lahat. Na diskubre niya lamang iyon nang mawala ang mga magulang niya. Sa tulong naman iyon ng librong itim na walang pamagat.
“Hindi ko rin alam, e. Magso-sorry ka ba, o gagawin kitang abo?" tanong niyang muli sa lalaki. Binibigyan niya lamang ito ng pagkakataon kung gusto ba talaga nito o hindi.
Kung hihingi ba ito ng patawad sa kanya o hindi. Kung hihingi ito, papatawarin niya ito sa kabastusang ginawa. Pero kung hindi, pag-iisipan niya kung magyayabang pa ba ito. Tuluyan na nga niya itong abuhin. Walang dapat na pinapalampas.
“Bibigyan kita ng oras ba pumili, lalaki. Bilisan mo at mainipin ako.”
Napalunok na lamang ito ng laway. Hindi alam kung ano ang isasagot sa pagkakataong iyon.