Chapter 5 - The best part of the wedding

2067 Words
Gabriel Pagkatapos niyang mag-retouch at magbihis ay bumalik na ulit siya sa Reception hall. Pinauna na niya si Mark dahil alam niya na matatagalan pa siya sa pag-aayos. Magkahalong hiya at saya ang naramdaman niya nang marinig ang mga papuri mula sa mga nakakasalubong niya. Hindi niya kilala ang iba na bumabati sa kanya kaya ngumingiti na lang siya bilang tugon. Nakakagaan sa pakiramdam ang malaman na nagustuhan ng mga guest ang performance nila ni Mark. "Great show, Beh," puri ni Raffy bago siya umupo at tinapik niya ito sa balikat. "So everyone we will be proceeding now to the most awaited and best part of the wedding for all men. The catching of the garter. We are inviting all the single men out there to come here on the dance floor. Please join us guys." Masayang announce ni Yvette at nagpalakpakan ang mga tao. Nag-umpisa nang tumayo ang mga kalalakihan at naglakad na papunta sa dance floor. Hindi naman siya interesado kung sinu-sino ang mga 'yon dahil mas nakatuon ang pansin niya sa dalawang lalaki na katabi niya si Mark at Raffy. Sinenyasan ni Yvette ang dalawa na sumali pero halata na ayaw tumayo ng mga ito. "Ang KJ naman, sige na pumunta na kayo doon after all mga LALAKI naman kayo di ba?" pang-aasar niya sa dalawa habang kumakain ng dessert. Napansin siguro ng dalawa na may mga bisita na nakatingin sa kanila kaya walang nagawa ang mga ito kung hindi ang tumayo na rin at pumunta sa dancefloor. Na tawa siya nang kurutin siya ni Mark sa tagiliran bago ito tuluyang tumayo dahil sa pang-aasar niya. "Good luck, Raffy at Mark! Sana ay masalo ninyo. Go guys." Natatawa niyang cheer sa dalawa. Tinakpan niya ang bibig nang sabay na lumingon ang dalawa sa kanya at tiningnan siya nang masama na para bang gusto na siyang ilibing ng buhay. Natatawa na nag-flying kiss pa siya sa dalawa nang pa simpleng binigyan siya ng dirty finger ni Mark. Natigil lang siya sa pagtawa nang mapansin niya na may nakatingin sa kanya mula sa grupo ng mga kalalakihan na nasa dance floor. Nakakunot ang noo niya dahil mukhang familiar sa kanya ang taong 'yon pero hindi niya matandaan kung saan ba niya ito nakita. Napasimangot siya nang biglang ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko. Umayos na siya ng upo at inabala ang sarili sa pagkain ng dessert nang bigla siyang natigilan. "Oh s**t! Siya kaya 'yon?" tanong niya at biglang napatingin ulit sa lalaki na nakatingin pa rin pala sa kanya kaya agad na umiwas siya ng tingin. Hindi pa naman ganoon kahina ang kanyang memorya kaya hindi siya pwedeng magkamali. Kahit ilang minuto lang niya nakita ang mukha nito ay sigurado siya na 'yon ang lalaking na-encounter niya sa bar last month. "Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito? Haler Gab, malamang invited kaya nandito," inis na sabi niya sa sarili at pasimpleng tumungo. Umayos siya ng upo nang marinig na nag-uumpisa nang bumilang si Yvette para ihagis ng groom ang garter. Nagsigawan ang lahat ng kababaihan at nagkagulo naman ang mga lalaki sa pagsalo ng garter. Ganoon na lang ang tawa niya nang makitang imbes na makigulo sina Mark at Raffy ay pasimpleng umiwas pa ang dalawa. Saglit na natigil ang pagsigaw ng mga kababaihan nang makita kung sino ang nakakuha ng garter. Nailing na lang siya nang makita ang mga reaksyon ng mga babae na parang mga bulate na nilagyan ng asin. "Well now we know who is the lucky guy, so ladies put your game face on because it's your turn," puno ng energy na announce naman ni Raffy. Wala siyang balak na makipag-agawan ng bulaklak kaya tumayo na siya para pumunta muna saglit sa banyo. Nagulat na lang siya nang pigilan siya ni Mark at Yvette sa magkabilang braso hindi pa man siya nakakalayo. Halos kaladkarin na siya ng mga ito papunta sa dancefloor. Tiningnan niya si Anne para humingi ng tulong pero kahit ito ay halatang nasisiyahan sa nangyayari. Napangiwi siya nang makita na halos hindi magkandarapa ang mga babae na nag-uunahan pumunta sa dancefloor na para bang sasabak sa isang gera. "Please guys huwag na ninyo akong isama ikaw na lang Yvette," pakiusap niya sa dalawa na halos nagmamakaawa na. Pero parang walang narinig ang dalawa at diretso pa rin sila. Nagmamakaawa siyang tumingin kay Mark pero nang-aasar na ngumiti lang ito sa kanya. Hindi na siya magtataka kung bakit ginagawa 'yon ni Mark dahil alam niya na gaganti talaga ito sa kanya pero hindi niya inaasahan na sa ganoong paraan. Pagdating nila sa dancefloor ay naiwan na sila ni Yvette na halatang excited. Bago tuluyang umalis si Mark ay bumulong muna ito sa kanya. "Ipagdarasal ko na ikaw ang makasalo ng bulaklak at kapag nangyari 'yon magpapa-party ako ng bonggang-bongga." Nakangiting bulong nito sa kanya at napasimangot siya. Kukurutin na sana niya ito pero mabilis itong umiwas sa kanya. May binulong rin ito kay Yvette at nagapir ang dalawa bago sila tuluyang iwan. Napatingin naman siya kay Raffy at kinindatan lang siya nito. Panay naman ang hila sa kanya ni Yvette papunta sa unahan, salamat na lang dahil sa mga katabi niya na naggigit-gitan kaya na kawala siya sa mahigpit na pagkakahawak ni Yvette sa kanya. Halos doble ang bilang ng mga babaeng sumali kumpara sa mga lalaki kanina. Habang nagbibilang si Raffy ay unti-unti naman siyang humahakbang pabalik papunta sa may likuran. Wala siyang balak na makipag-agawan at makisali kaya mas gusto pa niyang pumuwesto sa may likuran. Dahil paurong siyang humahakbang hindi niya napansin ang nakausli na cable kaya natisod siya at napaupo. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagbagsak niya sa carpet. Hindi naman gaano kalakas ang pagkabagsak niya pero nakakahiya pa rin. Nagpalinga-linga siya para tingnan kung may nakakita ba sa kanya pero mukhang abala ang lahat kaya dahan-dahan siyang tumayo. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya kasi sa kamalas-malasan ay kahit malayo na nga siya sa kanya pa rin napunta ang bulaklak. Ang bilis nang pangyayari dahil kaka-tayo pa lang niya ng bigla bumagsak sa kanya ang bulaklak, ewan naman niya pero imbes na iwasan niya 'yon at hayaang malaglag sa carpet ay sinalo pa rin niya. Tulalang nakatingin lang siya sa hawak na bulaklak. Na tauhan lang siya nang marinig ang malakas na pagtili ni Yvette, napatingin siya sa paligid at halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. "This can't be happening," nanghihina na bulong niya. "Well... well... well... We now know who the lucky girl was. Let's now go to the next part," excited na sabi ni Raffy habang sinenyasan siya na lumapit para umupo sa bangko at nagpalakpakan ang mga tao. Nilapitan siya ni Mark at Yvette nang hindi pa rin siya natitinag sa kinatatayuan niya. Napapikit siya nang maramdaman niya ang paghawak ng dalawa sa magkabilang braso niya. Napahigpit ang hawak niya sa bulaklak nang ma-realize niya kung ano ang susunod na mangyayari. "Nakakahiya Gab sa mga bisita." Bulong ni Mark nang maramdaman ang pagtutol niya. "Oh God, ano ba ito?" tanong niya habang inaalalayan siya ni Mark na makaupo. Nagpalakpakan at may mga sumisigaw pa nang makaupo na siya sa bangko na nasa gitna ng dancefloor. Tiningnan niya ang mga kaibigan at hindi niya napigilan na matawa nang makitang magkakahawak ang mga kamay ng mga ito. Napatingin siya sa DJ nang biglang patugtugin nito ang music na sinayaw nila kanina ni Mark. Napatingin naman siya ngayon sa lalaking nakasalo ng garter nang magtilian ang mga babae. Nilalaro nito ang garter sa daliri habang dahan-dahan na lumalapit ito sa kanya. Napahigpit bigla ang hawak niya sa bouquet nang mapamasdan maigi ang kabuuan nito. Bigla rin bumilis ang t***k ng puso niya nang magtama ang paningin nila. "At ngayon sa pinakahihintay natin lahat at sigurado akong alam na ninyo ang susunod na mangyayari. Let's all give them a hand." Masayang sabi ni Raffy at napatungo siya. "Very interesting." Nakangiting sabi ng lalaki na nakakuha ng garter bago ito lumuhod sa harap niya. Hindi naman ganoon kalapit ang distansya nila pero nanuuot sa ilong niya ang pabango nito. Tiningnan muna siya nito ng ilang minuto saka kinuha ang paa niya para isuot ang garter. Na higit niya ang hininga nang sinimulan na nito na itaas ang garter mula sa may sakong niya pataas sa may binti niya. Nagsimula na ulit mag-sigawan at tumili ang mga tao sa paligid nila nang mag-umpisa na ito. Tiningnan niya nang masama si Yvette at Raffy dahil sa ginagawa nitong pag-encourage sa binata. "Ako lang ba ang nakakapansin na sinasadya ng hinayupak na ito na bagalan ang pagtaas ng garter?" inis na tanong niya sa sarili habang nakatingin sa lalaki. "Higher! Higher! Higher!" naririnig niyang sigaw ng mga tao sa paligid nila. "Are you enjoying yourself Mister?" inis na tanong niya rito habang nakataas ang isang kilay niya. "Yes I am. I'm definitely enjoying this part right now." Nakangiting sagot nito at parang lalo pang binagalan. "Humanda kayong apat mamaya sa akin." inis na sabi niya sa sarili nang lingunin niya ang mga kaibigan niya na tuwang-tuwa. Pinipigilan niya ang sarili na sampalin o sapakin ito dahil sa ginagawa nito. Nilingon niya ang mga kaibigan para humingi ng tulong pero mas mukhang nag-eenjoy pa ang mga ito sa nangyayari. Sa bawat pagdampi ng daliri nito sa balat niya ay hindi niya mapigilan ang mailang at sa tuwing mangyayari 'yon ay napapahigpit ang hawak niya sa bulaklak. Napalunok siya nang maramdaman niya ang garter na lumapas na sa tuhod niya. Naramdaman niya na tumigil na ito kaya napatingin siya rito. "I'm glad that you enjoyed every minute of it." Gigil na sabi niya at agad na tumayo ng matapos na ito. Pahakbang na siya paalis pero nagulat siya nang pinigilan siya nito sa braso at nakita niya na sumenyas ang photographer sa kanilang dalawa. Ayaw naman niya na mag-mukhang ewan sa picture kaya inayos niya ang damit at tumabi rito. Natigilan siya nang biglang umakbay ito sa kanya pero hindi na siya nagsalita at ngumiti na lang. "Now they will be dancing together with the groom and bride." announce ni Raffy. Tiningnan niya ang mga ito, 'yong tingin na "what the hell?" pero mukhang hindi affected ang mga ito at ngumiti pa sa kanya with matching thumbs up. Naiinis na talaga siya sa mga kaibigan niya dahil alam naman ng mga ito na hindi niya gusto ang mga ganoon na situation. (Playing ??? - To make you feel my love by Adelle) Nakita niya na inalalayan na ni Bobby si Anne papunta sa dancefloor at nag-umpisa nang sumayaw ang newlywed. Nagtatalo naman ang isip niya kung makikipagsayaw ba siya rito o magwalk-out na lang. "I'm quite a good dancer if you may ask," sabi ng binata mula sa likuran niya na nagpasimangot sa kanya. Huminga muna siya nang malalim at pilit ang ngiti na humarap dito. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at pinatong sa balikat nito. Napalunok siya nang maramdaman niya ang kamay nito sa may bewang niya. Nag-umpisa na sila na sumayaw pero hindi niya ito tinitingnan at mas pinili pang tumingin sa iba. Pinapanalangin niya na matapos na agad ang tugtog para matapos na rin ito. "So, we have the same type huh? You almost got me there at the bar. I really thought you were serious about that and for a moment I was doubting my instinct because of you," sabi nito na ramdam niyang nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw niyang magsalita dahil ang gusto niya ay matapos na ang kanta at nang makaalis na siya. Hindi na talaga siya komportable na malapit ito sa kanya. "What the!" gulat na sabi niya nang maramdam ang pagpisil nito sa bewang niya at napatingin siya dito. "Much better." Nakangiting sabi nito. "Manyak ka ba or something?" nanlilisik ang mata na tanong niya rito. "Nope. I just did it to get your attention that's all." seryosong sagot nito at napailing na lang siya saka tumingin ulit sa malayo. Maya-maya lang ay marami na rin na couples ang sumasayaw kasabay nila. Walang salita na tinanggal niya ang kamay niya sa balikat nito. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito, pasimpleng tinanggal niya ang kamay nito sa bewang niya at naglakad na siya palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD