Marcus
"What time nga ba ulit 'yong wedding ni Bobby?" tanong niya kay Gilbert habang nakatingin siya sa laptop.
Kababalik lang niya the other day from conference at noon lang din niya nalaman ang tungkol sa kasal nito. Nakilala na niya ang mga bagong staff niya last month nang umuwi siya pero hindi pa niya totally nakakausap ang mga ito. Pinasa na sa kanya ng Papa niya ang pamamalakad ng branch nila rito sa Pilipinas. Wala naman kaso sa kanya dahil nandito naman ang mga kapatid niya. Gusto rin niya na maiba naman ang ambiance dahil masyadong mabilis ang phase abroad. Exciting din dahil after ilang years ay dito na ulit siya mag-stay.
"I think it's already starting," sagot ni Gilbert habang nasa kalsada ang attention nito.
On the way pa lang sila sa event dahil tumagal sila sa isang client nila. Magaan ang loob niya kay Bobby dahil sa pagiging mabait, professional at hardworking nito. Nang inabot nito ang invitation sa kanya ay hindi siya nagdalawang isip na umoo rito.
"Tinawagan ko naman siya kanina at sinabi ko na ma-late tayo. Ang sabi naman niya ay okay lang as long makakapunta pa rin tayo. Tawagan ko na lang daw siya once nandoon na tayo para masalubong niya tayo," dugtong nito at tumango tango siya.
"I can't wait to see those single ladies," natatawang biro nito at naiiling na napatawa siya.
Parehas silang single ngayon ni Gilbert but unlike him hindi siya naghahanap. As of now wala pa sa isip niya ang makipagrelasyon lalo na kung seryoso. Sobrang busy niya at hindi na niya maisangat pa 'yon especially kung ang makaka karelasyon niya ay napaka-clingy at demanding. Okay na sa kanya ang mga one-night stand 'yong tipo na walang attachment. Sa tingin kasi niya ay hindi niya kayang mag-commit sa isang babae ngayon.
"Nagawa mo ba 'yong binilin ko?" tanong niya nang maalala ang hinanda niyang regalo para kina Bobby.
"Yes, nakausap ko na si Celestine kahapon at na book na niya ang package tour para sa dalawa," sagot nito at sinara na niya ang laptop dahil malapit na sila.
Pagkadating nila sa Parking lot ng isang Vacation house ay naghanap si Gilbert ng parking space. Pagkapatay nito sa makina ng sasakyan ay tinawagan na nito si Bobby. Nakailang ring pa bago ito sumagot at sinabing palabas na ito para puntahan sila. Ilang sandali lang at nakita na nila si Bobby kaya bumaba na sila ng sasakyan.
"Pasensya na Bobby kung late kaming nakarating," bungad ni Gilbert at ngumiti lang ito.
"Okay lang 'yon alam ko naman na sobrang busy kayo pero salamat pa rin at nakarating kayo," nakangiting tugon nito.
"Congratulations," bati niya rito at kinamayan ito.
"Thank you, Boss. Tara na sa loob nag-uumpisa pa lang naman ang program," sabi nito.
Pahakbang na sila nang biglang mag-ring ang phone niya. Tumingin muna siya sa dalawa bago niya tiningnan kung sino ang tumatawag. Hindi niya pwedeng hindi sagutin ang tawag na 'yon dahil importanteng client nila ang nasa line.
"Go ahead I have to take this call. Susunod na lang ako sa loob after this," sabi niya at naglakad na papasok ang dalawa.
Bumalik siya sa sasakyan para doon sagutin ang tawag. Bilang Boss ng kompanya ay hindi niya totally control ang oras niya dahil anytime and any place ay nangyayari ito. Once na tumawag ang client mismo sa kanya hindi niya 'yon pwedeng i-decline. Hindi katulad ng mga employee niya na may specific time lang ang trabaho. Hindi naman siya nagrereklamo dahil kasama 'yon sa responsibility niya. Binuksan agad niya ang laptop pagkapasok niya sa sasakyan. Habang kausap ang client ay abala naman ang mga kamay niya sa paghahanap ng proposal nila para rito.
"Ang tagal mo naman sayang hindi mo napanood 'yong presentation ng friend ni Anne," bungad nito sa kanya pag-upo niya sa tabi nito at napatingin siya sa dancefloor.
Nakita niyang naglalakad ang isang babae at lalaki papunta na sa backstage. Nakakunot ang noo niya nang mapunta ang attention niya sa babaeng katabi ni Bobby at sa dalawang tao na nagsasalita. Familiar ang mukha ng mga ito sa kanya at hindi siya pwedeng magkamali. Hindi niya maintindihan pero bigla siya nakaramdam ng kakaibang excitement nang maalala niya 'yong babae na nakita niya sa bar last month.
"Ang ganda ng mga chickas dito buti na lang talaga nakarating tayo." Nakangiting sabi nito at napailing na lang siya.
Pasimpleng tumitingin siya sa paligid hoping na makikita niya ang babaeng hinahanap niya. Pagkalipas ng ilang sandali napadako ang tingin niya sa babaeng naglalakad. Ilang lamesa ang layo ng pwesto nila pero pakiramdam niya ay malapit lang ito sa kanya. Since the night he saw her in the bar he seems can't get her out of his mind. May mga pagkakataon pa nga na bigla na lang lilitaw ang imahe nito sa isip niya. Hindi siya sigurado kung dahil ba sa sinabi nito o dahil attracted siya rito. Nakita niyang tinapik nito sa balikat ang katabi nitong lalaki bago ito umupo. Bago siya pumasok kanina ay plano sana niya na magpaalam na kay Bobby na aalis na siya pero ngayon ay nagbago dahil sa nakita niya.
"Sino nga pala 'yong kausap mo?" tanong ni Gilbert at napatingin siya rito.
"Si Doctor Macapagal," sagot niya at tumango lang ito.
Binalik ulit niya ang tingin sa dalaga na kasalukuyang nakikipag-usap. Ayaw talaga tanggapin ng isip niya ang sinabi nito sa kanya.
"Ganda niya hindi ba, Boss?" tanong ni Bobby at napatingin siya rito. Halatang kanina pa ito sa table nila at hindi niya 'yon namalayan.
"Best friend siya ni Anne and the same time kasama ni Anne sa pagpapatakbo ng Coffee Shop," sabi ni Bobby bago pa siya makapagtanong.
"Kung nakapasok ka agad kanina nalamang napanood mo sila na sumayaw," sabat ni Gilbert.
"Is she in a relationship?" tanong niya at nagkatinginan si Bobby at Gilbert.
Isa sa mga ugali niya ang pagiging straight forward. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpapaligoy ligoy dahil gusto niya ay straight to the point mapa-business man o kahit sa mga personal na bagay. Kung may gusto o kailangan siya sinasabi niya agad dahil para sa kanya importante ang oras.
"She's single right now. She's been single since I met her and until now. I really don't know why but she went on a date before but nothing happened," sagot ni Bobby.
"Maybe she's not into men," banggit niya at umiling si Bobby.
"I don't think so Marcus. I think it was related to her past," kontra nito at napatango lang siya.
"So everyone we will be proceeding now to the most awaited and best part of the wedding for all men. The catching of the garter. We are inviting all the single men out there to come here on the dance floor. Please join us guys," masayang announce ng host at nagpalakpakan ang mga tao.
Natawa sila ni Bobby sa reaksyon ni Gilbert dahil obvious na excited ito. Tiningnan siya ni Gilbert at marahang umiling siya dahil wala siyang balak na sumali.
"Huwag ka ngang ganyan Marcus, this will be fun. Let's go," sabi ni Gilbert at nakangiting napailing lang siya.
"You never know she might get the bouquet," parinig ni Bobby bago ito tumayo at naglakad ng palayo sa kanila.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit dahil lang sa sinabi ni Bobby ay napapayag siya ni Gilbert. Alam naman niya na maliit ang possibility na siya ang makakuha ng garter at ito naman ang makakuha ng bulaklak. Gusto na sana niya mag-back out pero huli na dahil nasa dancefloor na sila kasama ang ibang kalalakihan. Napangiti siya nang makita niya ang dalaga habang tinutukso ang dalawa nitong kasama. Lalo itong gumanda dahil nakatawa ito. Natigilan siya ng magtama ang mata nila at hindi niya napigilan ang pagngiti. Agad naman ito umiwas ng tingin sa kanya kaya naisip niya na baka hindi siya nito natatandaan. Tumingin ulit ito sa kanya and that time alam niyang natatandaan na siya nito. Pumwesto na si Bobby, nag-umpisa nang bumilang ang host at pumwesto na rin ang mga kalalakihan na kasama niya sa dancefloor. Dahil advantage ang height niya kaya kahit hindi siya makigulo ay siguradong masasalo niya ang garter. Pagkalipas ng ilang minuto na pagbibilang ay hinagis na ni Bobby ang garter at walang kahirap hirap na nasalo niya 'yon.
"Well now we know who is the lucky guy, so ladies put your game face on because it's your turn," announce ng lalaking host at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid niya.
"Iba talaga ang nagagawa kapag matangkad." Natatawang sabi ni Gilbert sa kanya.
Bumalik na muna sila pwesto nila dahil turn naman para sa mga babae. Nagtaka siya nang makita niya na tumayo ang dalaga at naglakad papalayo. Hindi na niya nakita ang kasunod na nangyari dahil nag-vibrate ang phone niya. Nagpaalam siya saglit kay Gilbert para sagutin ang tawag mula sa isang supplier. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik na ulit siya sa loob.
"You are one lucky guy, bro." Umiiling na sabi ni Gilbert pag-upo niya.
Bago pa siya makapagtanong ay itinuturo nito ang dancefloor. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita niyang nakaupo na ang dalaga sa gitna ng dancefloor at hawak nito ang bouquet. Nilapitan siya ng isang staff para ipaliwanag kung ano ang gagawin niya. Hindi niya lubos akalain na mangyayari ito at sisiguraduhin niya na susulitin niya ang pagkakataon na 'yon. At sa hudyat ng staff kasabay ng pagtugtog ay dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga. Habang papalapit may kakaiba siyang nararamdaman at bigla rin bumilis ang t***k ng puso niya nang tumingin ito sa kanya. Hindi rin niya napigilan ang sarili na pasimpleng tingnan ito mula ulo hanggang paa.
"At ngayon sa pinakahihintay natin lahat at sigurado akong alam na ninyo ang susunod na mangyayari. Let's all give them a hand," masayang sabi ng lalaking host at nilapitan siya nito.
"She is single and very much available just so you know." Bulong nang host na lalaki sa kanya at napangiti siya sa impormasyon na 'yon.
"Very interesting." Nakangiting sabi niya bago siya lumuhod.
Ngayon sigurado na siya na interesado talaga siya sa babaeng nasa harap niya. Habang pinagmamasdan ito na isip niya na hindi coincidence ang una nilang pagkikita.