“Asher, no! Bawiin mo ang sinabi mo! Bakit mo kailangang pakasalan ulit si Lorebel?” naluluha na sa matinding frustrations ngayon si Lovella. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kaniya o ano. Pero noong marinig ko ang pag-uusap nila dati ni Daddy, parang hindi naman niya talaga mahal si Asher at ang kayamanan at kapangyarihan lang nito ang habol niya. “Hindi ko babawiin. I will marry her again, because this time, I will make an oath to God out of love. Pakakasalan ko siya sa pagkakataong ito dahil bugso ng aking pagmamahal sa kaniya. At wala akong anumang obligasyon upamg magpaliwanag sa iyo,” diretsahang pahayag ni Asher. Ako iyong napalunok nang makita ko ang pagguhit ng matinding sakit sa mga mata ni Lovella. Kahit hindi kami nagkakasundo ng kapatid ko ay mahal ko pa rin siya. Han

