Isinuot niya ang singsing sa daliri ko saka siya tumayo. Pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi na ako nakapagsalita at umiyak na lang nang umiyak sa matinding kagalakan. Binuhat pa niya ako habang magkayakap kami at umikot-ikot doon. Noong huminto siya ay ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya saka ako hinalikan sa mga labi. Pumikit ako at mabilis na tumugon sa halik niyang iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal na naghinang ang mga labi namin, pero nang pakawalan niya ako ay habol-habol ko na ang hininga ko. Iginala ko pang muli ang pangingin sa buong palid. “Ikaw lang ang gumawa ng lahat ng ito? Saka, paano mo ito nagawa?” namamangha pa rin na tanong ko sa kaniya. “Siyempre may mga binayaran akong tao para tumulong sa akin. I wanted it to be perfect,” inayos pa ni

