Dali-daling pinuntahan ni Asher ang opisina ng Daddy niya. Maging ang mga empleyado nga ay nagulat sa biglang pagdating niya roon na nagmamadali at mukhang tuliro. “Dad!” humahangos na tawag ni Asher sa Daddy niya. May meeting pa ang mga ito kaya lahat sila ay napahinto sa ginagawa at napatingin sa kaniya. “Gentlemen, that’s it for now. My secretary will send you a copy of the whole details of our plan for your further perusal,” pormal na saad naman ni Marcus sa mga kausap. Tumango naman ang mga ito at isa-isa na ring tumayo sa mga kinauupuan at nakipagkamay sa kaniya. “We are looking forward to work with you very soon, Mr. Aguilar!” tugon pa ng matandang kausap ni Marcus at nagkamay din sila. Pagkaalis ng mga ka-meeting niya ay saka nagmamadaling lumapit si Asher sa kaniya. Bakas ang

