Earlier in the day…
“Ano? Aakitin mo? Paano mo naman gagawin iyon, eh, wala ka namang alam sa mga ganiyan? Saka, bakit ka ba nagpapaka-desperada diyan sa Asher na iyan?” gulat na gulat at medyo naiinis na tanong ng best friend kong si Kim.
Sumimangot naman agad ako. “Narinig ko kasi na parang nagpapahiwatig na si Ate na magpo-propose na raw yata ng kasal sa kaniya si Guillard! Ayaw ko nga! Alam mo namang mahal ko na iyon mula pa noong high school tayo,” katuwiran ko naman.
“Oo nga, sige nandoon na ako, mahal mo iyong tao. Ang kaso nga, hindi ka niya bet! Mas gusto niya iyong kakambal mong si Lovella. Kaya, give up na, girl! Ang ganda-ganda mo tapos nagpapakatanga ka sa lalaking iyon? Isang malaking ‘NO’!” bulalas pa rin niya.
Mula pa noon ay halata na talaga ang pagkadisgusto ni Kim kay Guillard. Kahit ito ang pinakasikat sa university dahil mayaman, ubod ng guwapo, matalino at pangarap ng lahat ng mga kababaihan, ay napakasungit kasi nito. Bilang lang ang matatawag na kaibigan niya at halos lahat ay intimidated sa kaniya. Hindi kagaya ng kakambal niyang si Markie na medyo mas sweet at madaling kausap.
“Ah, basta! Hindi ako papayag na mapunta lang siya kay Lovella. Lahat na lang ay kay Lovella… ang pansin ng mag magulang ko, sa academics, sa pananamit. Tapos pati ba naman sa lalaki, aagawin pa niya kung sino iyong gusto ko? Aware naman siya na mahal ko na si Guillard mula pa noon, pero sumige pa rin siya!” paghihimutok ko.
Nagimbal naman ako nang bigla niya akong batukan. “Gaga ka talaga, eh, ano? Walang inaagaw sa iyo ang ate mo. Si Guillard kasi ang nanligaw hanggang sa sagutin siya ng kakambal mo. Ikaw lang naman kasi itong hindi maka-move on at nagnanasa sa jowa ng kapatid mo! Naku, maghunos dili ka nga!” saway pa niya sa akin.
Ngunit buo na ang loob ko. Handa kong gawin ang lahat para mapasaakin o mabaling ang atensiyon sa akin ni Guillard. Kung kailangan kong isuko ang sarili ko sa kaniya ay gagawin ko. I love him and that’s all I know. I can still remember the first time we’ve met. It was five years ago.
First year college pa lang ako noon at graduating students na sina Asher at Markie. Nagkakilala kami noong magkasabay kami sa library at tinulungan niya akong abutin iyong isang libro sa English.
“Sino na namang tinitingnan mo diyan?” pansin sa akin ni Kim kaya napasinghap ako.
“Ano ka ba, bakit ka ba nanggugulat?” inis na angil ko sa kaniya. Umikot naman ang mga mata nito.
“Sino nga ang sinisilip-silip mo diyan? Mamaya nahulog ka pa riyan sa kasisilip mo, eh!” usisa niya ulit sa akin.
Ngunit hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na iyong hinihintay ko. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko at nahihiya akong napangiti. Sinundan naman ni Kim ng tingin ang tinitingnan ko.
“Ay ‘sus, iyon naman pala. Si Asher na naman pala ang inaabangan mo!” napapailing na sabi niya. Hindi ko naman siya pinansin at palihim lang na sinundan ng tingin si Asher hanggang sa makapasok na ito sa building nila. Mechanical Engineering ang course ni Guillard at alam ng lahat kung gaano siya kahilig sa mga mamahalin at limited editions na sasakyan.
Mayaman sila at makapangyarihan kaya madali lang para sa kaniya ang bilhin at makuha ang anumang gusto niya. Pero hindi iyong looks at kayamanan niya ang dahilan kung bakit ako umiibig sa kaniya. I just like him so much without a reason. Kapag nakikita ko siya ay parang lumiliwanag ang mundo ko, at talagang sumasaya itong puso ko.
Lumipas pa ang tatlong taon at may mga pagkakataong pumupunta na sa bahay si Guillard dahil nga naging boyfriend ni Lovella ang kaibigan niya. May mga moment din na nakakapag-usap kami, pero sandalling-sandali lang.
Hanggang sa lumipas ang isa pang taon at napabalitang namatay ang boyfriend ni Ate. Hindi sinabi kung ano ang tunay na dahilan ng kamatayan niya, kung sakit ba o ano. Sabi ay bangungot daw. Naging malulungkuitin si Lovella kaya dinadamayan naman si ni Asher.
Pagkatapos lang ng mahigit ilang buwan, bago ang graduation namin ni Lovella ay ipinakilala na niya si Asher na boyfriend niya. Naalala ko kung gaano ako nasaktan dahil doon kaya sinugod at kinompronta ko ang kakambal ko.
“Ahas ka, Lovella! Ahas ka!” umiiyak na sumbat ko sa kaniya. Hindi ko napigilan ang pagsisigawan siya at halos gusto ko na talaga siyang saktan.
“Teka nga, ano ba ang problema mo, Lorebel? Sabog ka ba? Ano’ng pinagsasasabi mo?” maang-amangan namang tanong niya sa akin.
“Huwag kang magkunwaring hindi mo alam! Nasa iyo na nga ang lahat, ‘di ba? Pati ba naman ang lalaking gusto ko, aagawin mo pa? Napakamakasarili mo! Lahat na lang, gusto mo sa iyo!” sumbat ko pa ulit sa kaniya.
Makirot na makirot ang dibdib ko at ayaw rin papigil ng masaganang luha ko sa pagdaloy. Hindi ko akalaing makakaranas ako ng ganito kasakit na pakiramdam sa buong buhay ko.
Kahit napakaraming babae ang umaaligid kay Guillard ay wala siyang sineryoso ni isa man sa mga ito. Kaya nasaktan talaga ako na ngayon ay girlfriend na niya si Lovella.
“Excuse me lang, ha? Wala akong inaagaw sa iyo. Saka walang gusto si Asher sa iyo, ni hindi ka nga niya matingnan. Ikaw lang itong nag-a-assume na magugustuhan ka niya. Gumising ka na sa ilusyon mo, Lorebel! Boyfriend ko na si Asher at huwag na huwag kang manggugulo kung ayaw mong sabihin ko ito kina Mommy at Daddy!” banta pa niya sa akin.
Doon na tila gumuho ang mundo ko. Wala akong kalaban-laban dahil totoo naman ang mga pinagsasasabi niya. Wala naman talaga siyang inagaw, pero sa puso ko ay akin lang si Guillard. Akin lang siya, pero sa kakambal ko pa sioya nagkagusto!
Mayroon pang isang araw ay dumalaw si Guillard sa bahay dahil nga birthday namin ni Lovella. Dati-rati, kapag naririto siya ay nagtatago na lamang ako sa kuwarto ko. Batid kong para na naman akong pinapatay kapag makita ko silang sweet na sweet ng kakambal ko.
Ngunit ngayon ay hindi ako puwedeng magtago sa kuwarto ko dahil nga birthday namin ng kakambal ko at hindi puwedeng wala ako rito sa party.
“Hoy, ngumiti ka naman! Birthday na birthday mo pa naman kaya lang parang biyernes santo sa’yo ang araw na ito,” untag sa akin ni Alma. Malungkot lang akong umiling.
“Tingnan mo silang dalawa, oh,” inginuso ko sina Guillard at Lovella na magkatabi sa sofa at sinusubuan pa ni Lovella ng cake si Guillard. “Nakakainggit. Ako dapat iyon, eh. Ako dapat iyong kasama niya at naglalambing sa kaniya eh,” sambit ko at may bumikig sa lalamunan ko.
Umiwas ako ng tingin para itago ang pagbalong ng mga luha ko. Naririto na naman ang pagbigat ng dibdib ko na parang tinutusok-tusok ng napakatalas na patalim.
“Ang tigas kasi ng ulo mo, eh. Sabi ko naman sa iyo, ibaling mo na lang sa iba ang atensyon mo, pero ayaw mong makinig,” malungkot na saad ng kaibigan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang humikbi.
“Pinipilit ko naman, eh…” nangingirot ang pusong tugon ko, “pero ang hirap, Alma. Ang hirap-hirap. As in, walang kasinghirap. Siya lang ang nakakapagpasaya sa akin, subalit siya rin iyong dahilan kung bakit ako nasasaktan,” basag ang boses na pagpapatuloy ko. Masakit na rin ang lalamunan ko at hirap na akong huminga sa sikip ng dibdib ko.
Noong medyo lumalim na ang gabi at magsimula nang magpaalam ang mga bisita ay nagpasya na rin akong umakyat sa silid ko. Nakauwi na rin naman si Kim dahil nga kailangan pa niyang pumunta sa school. Hindi pa kasi niya nakukuha ang lahat ng credentials niya para sa pag-a-apply namin sa licensure exam.
“Lorebel,”
“Ay, kabayong sakang!” gulat na bulaas ko nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko. Hindi ko iyon inaasahan kaya totoong nagulat ako.
Lumingon ako at nanlaki ang mag mata ko nang mapagtantong si Guillard nga ang tumawag sa akin. Hilaw tuloy akong napangiti sa kaniya at biglang kumabog nang malakas ang puso ko.
“H-Hi! M-May k-kailangan ka b-ba?” utal-utal na tanong ko. Gusto ko na talagang batukan ang sarili ko dahil hindi naman ako kailangang mautal pero heto at mukha na yata akong tanga sa harapan niya.
“I want to give this to you,” itinaas niya sa harapan ko ang dalawang box na parehong may kulay pulang ribbon.
Muli ay nanlaki naman ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko. Ni hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko.
“Ayaw mo ba?” kasunod niyang tanong dahil nga wala akong kakilos-kilos. Pero mabilis akong umiling at tinanggap ang mga iniaabot niyang regalo.
“Siyempre, gusto ko. Gustong-gusto ko! Salamat at naalala mo pa akong regaluhan!” kabado pa ring saad ko. May nginig pa rin ang boses ko at talagang nanlalamig hindi lang ang mga kamay kokung’di pati ang mga paa ko.
“Of course! It’s your special day! I don’t know what are the things that you like, so I just had my assistant to prepare that for you,” sabi naman niya. Muli na naman akong napatanga habang nakikinig sa kaniya.
Basta siya talaga ang kausap ko ay para akong nawawala sa sarili. “Thank you, Guillard. Ito ang pinakamagandang regalong na-receive ko ngayong birthday ko,” hindi ko namamalayang sambit.
Kumunot naman ang noo niya. “Hindi mo pa nga nakikita, iyan na ang pinakamaganda?” nangingiting tanong niya. Lalo tuloy akong parang timang na napatitig sa kaniya. Mas guwapo talaga siya kapag ngumingiti. Kaya heto tuloy at para akong masisiraan na ng bait sa pagpipigil sa kagalakang nararamdaman ko.
“Basta galing sa iyo, Guillard, magiging pinakamaganda para sa akin,” sambit ko. Hindi ko namalayan ang sobrang kaseryosohan ng boses ko na lalong nagpalalim ng pagkakasalubong ng kilay niya.
“Oh, wow, thanks! By the way I have to go. Your sister is very drunk, so I already put her in bed. Kailangan ko nang umalis,” paalam pa niya. Napatango naman ako. Pagkatapos ay napangiti rin.
Narinig ko kasing kausap ni Lovella kaninang umaga ang mga kaibigan niya. At sabi niya sa kanila ay ngayong birthday na niya isusuko ang lahat kay Guillard. Pero mukhang hindi na mangyayari iyon dahil nga nakatulog na ito sa kalasingan.
“Good job!” masayang-masayang sambit ko at nag-thumbs up pa sa kaniya.
Muli na naman siyang natawa. “Good job, saan?” nagtatakang tanong naman niya.
“Sa paghatid kay ate kasi lasing na lasing na siya. Good job ka do’n!” papuri ko naman. Pero sa loob-loob ko ay masaya ako hindi dahil naging gentleman siya kay Lovella kung hindi dahil sa wala ngang mangyayari sa kanilang dalawa.
“Thanks again. Sige mauna na ako. Matulog ka na rin at gabing-gabi na,” bilin pa niya. Agad namang nagtatalon ang puso ko sa loob ng dibdib ko dahil feeling ko ay napaka-sweet nang pagkakasabi niyang matulog na ako.
“Ingat!” nahihiyang sambit ko naman pagkatapos ay tumalikod na. Sobra kasi akong kinikilig at hindi na ako makapaghintay na mabuksan ang mga regalo niya sa akin. hindi lang isa kung hindi dalawang box pa ito!
Nag-toothbrush at naghilamos muna ako saka nagbihis ng pantulog bago hinarap ang dalawang magagandang kahon ng regalong galing kay Guillard. Una kong binuksan iyong mas maliit na kahon.
Napasinghap ako kasi nang matanggal ang malaking ribbon sa gitna ay tumambad ang pangalan sa harap ng box – Chanel!
“Oh, my gosh! Wow, sosyal naman ng regalong ito!” kinikiliog na usal ko sa sairli. Mag-aala-una na ng madaling araw pero parang gusto kong magsisigaw sa sobrang tuwa.
Sa loob ay tumambad sa akin ang isang napakaganda at eleganteng bag. Ito ay quilted leather na talagang kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Idagdag pa iyong kulay gold na chain strap. At siyempre, iyong iconic double C clasp na nangniningning din.
Maingat kong inilabas ang bag mula sa lalagyan, pinadaan ko ang daliri ko sa ibaba nito at lalo akong nakaramdam ng kilig.
"Guillard, it's beautiful," bulong ko na tila ba kaharap ko lang siya. Niyakap ko pa iyon at napapikit nang dumikit ito sa pisngi ko.
Sumunod ko namang binuksan iyong isa pang box. Mas malaki ito kaysa dito sa pinaglagyan ng bag. Naging maingat ulit ako sa pag-alis ng ribbon at same na pangalan ng brand lang din ang nakalagay sa ibabaw ng box.
As I lifted the lid, I was greeted by the sight of a pair of exquisite Chanel shoes. “Oh, my gosh!” hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na mapatili. Ngunit agad ko ring tinakpan ang bibig ko kasi baka kung ano pa ang isipin nina Mommy at Daddy kapag narinig nila.
Ang shoes ay black patent leather na napaka-flawless ng design. Classic pero may touch din na modern. The design also has a delicate bow accentuating the sleek lines.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, at nawalan na rin ako ng pakialam sa oras. Tinawagan ko si Guillard. Namilog naman ang mga mata ko nang ilang ring lang ay sagutin na niya ito.
"Guillard, I love your gifts so much! These are perfect!" maluwang ang ngiting sambit ko. Halos patili na nga yata ang pagkakabanggit ko kasi hindi ko talaga ma-contain iyong matinding galak na nararamdaman ko ngayon. "It feels like you always know exactly what I love."
I heard him chuckle on the other line. "Only the best for you, Lorebel. You deserve nothing less."
Lumobo naman ang puso ko sa narinig. “Salamat talaga! Promise, iingatan ko ang mga regalo mo. Gagamitin ko lang ang mga ito kapag may mga special occasion!” sabi ko pa.
“It’s all up to you. Masaya lang ako na nagustuhan mo. Isa pa, matulog ka na. It’s already very late!” sabi niya. Napasimagot naman ako. Ngayon pa lang kami nakapag-usap ng ganito tapos gusto na niya ako patulugin? Ewan ko nga kung makakatulog pa ako, eh!
“Okay. Pasensiya na kung naabala pa kita. Masayang-masaya lang talaga ako, Guillard. First gift ko ito na galing sa iyo, kaya hindi ko ma-describe iyong saya,” pag-amin ko naman. “This is my best birthday ever!” dagdag ko pa.
“I am really glad that I made you happy. But, Lorebel, please don’t call me again kung wala ka namang importanteng sasabihin, okay? I am busy most of the time. So, I don’t want to be disturbed,” pakiusap pa niya. Yes, mukha naman siyang nakikiusap at hindi nag-uutos.
“Oo naman. Sige, good night! Salamat ulit,” napalunok pa ako, kasi feeling ko, naistorbo ko siya.
“You’re welcome! Good night!”
Pinatay na niya ang tawag. Ako naman ay bumuntong-hininga. Ngunit nagbalik ang malapad kong ngiti nang muling mapadako ang tingin ko sa mga regalo ni Guillard sa akin.
Pagkalipas ng isang buwan pa ay palihim kong narinig ang pag-uusap nina Lovella at Daddy. Naririto sila sa bandang likod ng bahay at tila ba napakaseryoso ng pinag-uusapan nila.
“Sigurado ka ba riyan, anak?” tanong ni Daddy sa kapatid ko.
“Sure na sure, Dad. Ang sabi sa akin ni Dindo, nagpapahanap na raw ng magandang engagement ring si Asher. Kaya sa palagay ko ay magpo-propose na siya sa akin!” excited na bulalas ni Lovella. Napamulagat naman ako at napanganga. Naitakip ko ang dalawang kamay sa mga bibig ko para hindi makalikha ng anumang ingay.
Ngunit para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Ni hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kasabay niyon ay ang labis na paghapdi ng dibdib ko at tila sinusunog ang lalamunan ko.
“That’s good, hija! Mabuti na lang talaga at nawala na sa mundo iyong ex mo. Ngayon ay nasa mas mabuti ka nang mga kamay, at hindi magtatagal, aangat na rin ang estado natin sa lipunan,” tuwang-tuwang saad ni Daddy.
“Of course, Dad! Excited na talaga akong maging Mrs. Aguilar, soon! Mapapabilang na ako sa circle ng mga elitista sa bansa gaya nina Ayanna Aguilar Castriano, Lily Eshtrin Mkhalov Ty at ng iba pa. Titira kami ni Asher sa isang mansion na maraming katulong at magbubuhay reyna ako sa piling niya!” kumpiyansang pahayag ni Lovella. Tango naman nang tango si Daddy bilang pagsang-ayon.
“Kaya galingan mo ang paglalambing sa boyfriend mong iyon. Aba, masarap yatang maging balae ang isang Marcus Del Mundo Aguilar!” saad pa ni Daddy.
Hindi ko na kinaya pang making sa kanilang dalawa kaya nilisan ko na ang lugar na iyon at tumakbo sa silid ko. Doon ko ibinuhos ang lahat ng kawalang pag-asa at matinding sakit. Tila yata wala na akong pag-asa pa kay Guillard.
Present Time…
Dahil sa kadesperadahan ko ay nagplano ako ng isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko aakalaking kaya kong gawin. Lakas-loob kong pinuntahan si Guillard sa bahay niya at ito nga isinuko ko sa kaniya nang buong-buo ang sarili ko.
Inangkin niya ako nang nakaraang gabi. Totoong nasaktan ako, pero maligaya rin dahil naipagkaloob ko ang sarili ko sa lalaking mahal ko. Wala kaming ginamit na anumang proteksyon kaya ipinapanalangin ko na sana ay may nabuo sa sinapupunan ko.
Mag-uumaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa naghihilik si Guillard sa tabi ko. Puno na rin ng missed calls at texts ang cellphone ko. Pero bukas ko sila rereplyan, at sisiguraduhin kong maabutan nila kami sa ganitong kalagayan. Magiging akin si Guillard. At ako ang magiging Mrs. Guillard Asher Aguilar at hindi si Lovella!
***
Hi guys, updated na ang Final Chapter ng Billionaire's Loving Arms! Warning lang po ulit ha, Dark Romance po ito. Hindi gaya ng story nina Lily at Ayanna, kaya kung sensitive po ay huwag ng basahin. Thanks po!