“Asher? Asher, are you here? Asher!”
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng mahimbing na pagkakatulog pero parang naririnig ko na ang mataray na boses ni Lovella.
“Asher, ano ba! Lumabas ka diyan!” mas malakas na ngayon ang boses kaya tuluyan na akong nagising. Pagkatapos ay napasinghap ako at nasundan din ng pagngiti.
“Ma’am, huwag po kayong manggulo rito. Tulog pa po si Sir at baka mamaya pa po iyon lalabas. Mapapagalitan po ako kapag hindi pa kayo tumigil,” narinig kong saad ng katulong ni Asher.
“Huwag kang makialam dito! Kailangan kong makita kung nandiyan sa loob ang haliparot na kakambal ko!” sigaw ni Lovella sa kausap. Noon din ay gumalaw na si Asher kaya muli akong pumikit at nagkunwaring tulog pa.
Naramdaman ko ang pagbalikwas niya ng bangon. “f**k!”
Dumiin ang pagkakapikit ko at ang mahigpit na kapit ko sa kumot nang marinig ang ilang beses pang pagmumura niya. Huwag siyang magkunwaring hindi niya natatandaan ang nangyari sa amin. Nakainom lang siya pero hindi siya lasing kaya alam kong tandang-tanda niya ang lahat.
“Asher, ano ba! Lumabas ka riyan, ngayon na!”
Sa pagkakataong ito ay hindi na lang sumisigaw si Lovella kung hindi ay kinakalampag na niya ang pintuan. Kita ko namang nataranta si Guillard at agad akong niyugyog nang marahan.
“Lorebel, wake up. You have to–”
Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pabalya nang bumukas ang pintuan at wala na kaming panahon pang lumipat o magtago dahil mabilis nang nakapasok na si Lovella at ang katulong ni Guillard.
Parehong gulat na gulat ang mga ito sa nabungaran nila. Nagkuwari naman akong kagigising lang at walang nalalaman sa mga nagaganap.
“Anong… ano’ng ibig sabihin nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Lovella. Kitang-kita ko ang pagkagimbal sa mukha niya at ang sakit sa mga mata niya. Bigla akong umiwas ng tingin at napayuko dahil na-guilty ako.
Alam kong mangyayari ito, at alam kong magagalit sa akin hindi lang si Lovella kung hindi ang buong pamilya ko. Pero hindi ko akalain na kapag nakita ko pala ang kirot sa mga mata ng kakambal ko ay parang dobleng sakit ang hatid niyon sa akin.
“Lumabas ka muna, Lovella. Let’s talk after I get dressed,” mahinahong pahayag ni Guillard kaya napatingin sa kaniya si Lovella. Nanlilisik ang mga mata nito at kung nakakamatay lamang ang tingin na iyon ay tumimbuwang na si Guillard.
“Hindi mo man lang ba ipapaliwanag ito?” sumbat niya agad kay Guillard. “At ikaw, malanding ahas, sinadya mo ito, ‘di ba? Sinadya mong gawin ito para maagaw mo sa akin si Asher? Halos panawan ng ulirat sina Mommy at Daddy dahil sa pag-aalala at kahahanap sa iyo. Pero nandito ka lang pala at inaahas ang boyfriend ko!” bulyaw niya sa akin. May luha at namumula na ang mga mata niya ngayon.
Napalunok naman ako. “Pareho naming gusto ang nangyari at–”
“Shut up, Lorebel!” singhal sa akin ni Guillard kaya napasinghap ako. Hindi ko inasahang sisigawan niya ako nang gano’n sa harapan ng ibang tao. Para akong tinamaan ng kidlat at sinaksak ng direkta ang puso ko.
I just gave up everything to him, and all I could see was hatred and disgust. “Guillard… hindi mo naman kailangang sumigaw kasi–”
“Damn it!” inis na saad niya ulit at walang pakialam na bumaba ng kama. Ni hindi siya nag-abalang takpan ang hubad niyang katawan kaya napatalikod ang katulong niya. Ngunit si Lovella ay masamang-masama pa rin ang loob habang nakatingin sa akin.
“You slut, I am going to kill you! Ahas ka! Ahas!” bulyaw ni Lovella saakin saka ako sinugod. Nanlaki ang mga mata ko ngunit mabilis niyang nahablot ang buhok ko para sabunutan ako. Guillard entered the bathroom and didn’t care about us.
“Teka, bitiwan mo ako, nasasaktan ako!” pigil ko kay Lovella. Pilit kong inaalis ang mga kamay niyang nakasabunot sa akin. Napapangiwi kasi ako sa higpit ng hawak niya at paghila niya sa buhok ko kaya talagang nababanat ang anit ko.
“Masasaktan ka talaga! Kakalbuhin kitang malandi ka!” singhal niya habang ipinagpapatuloy ang pagsabunot niya sa akin. Kahit ayaw ko man ay napilitan na akong itulak siya para bitiwan na niya ang buhok ko.
Tagumpay naman na nabitiwan niya ang buhok ko kaya umatras ako at binalot ng comforter ang hubad kong katawan. Dahil sa pagkakalihis ng comforter ay lumitaw ang bahagi ng kama na may bahid ng dugo. Maging ako ay bahagyang nagulat nang makita iyon. Pero iyon ang palatandaan at katibayan ng naganap sa amin ni Guillard sa nagdaang gabi.
Nang makita iyon ni Lovella ay lalong nag-apoy sa galit sang mga mata niya. Ang katulong naman ay lumabas ng silid at hindi ko alam kung saan pumunta.
“Malandi ka talaga! Ahas!” muli ay sususgurin niya ako pero mabilis akong nakababa ng kama at nakalayo sa kaniya.
“Hindi ka niya mahal, Lovella! Dahil kung talagang mahal ka niya, hindi niya ako gagalawin!” matapang kong sumbat sa kapatid ko. Humihingal ito habang matalim pa ring nakatitig sa akin.
“At sa palagay mo ba ay mamahalin ka niya dahil isinuko mo ang virginity mo sa kaniya? Puwes, nagkakamali ka! Ako ang pakakasalan niya at ang nangyari sa inyo ay dala lang ng init ng katawan. Kita mo naman, ‘di ba? Ni wala nga siyang pakialam sa iyo!” sarkastikong bulyaw niya sa akin.
Doon naman ako natameme at parang panibagong dagdag ng kirot ang inabot ng puso ko. Ngunit tapang-tapangan at taas-noo ko pa ring tiningnan ang kakambal ko.
“Wala akong pakialam! Ako ang pakakasalan niya at hindi ikaw!” ganting sigaw ko naman sa kaniya.
“A-Anong nangyayari rito?” gulat na tanong ni Tita Ahsnea. Natahimik naman ako lalo na nang mapatingin siya sa akin na ganito ang kalagayan ko. Bigla akong nanliit sa harapan niya.
“Ma’am, nag-aaway po sila, eh!” nahihintakutang sagot din agad ng katulong. Tinawag pala niya si Tita Ashnea nang bigla siyang tumalilis kanina.
“Tita, inahas ng kakambal ko si Asher. Inakit niya para may mangyari sa kanila,” sumbong naman ni Lovella sa Mommy ni Guillard. Napayuko ako at mahigpit lang na hinawakan ang kumot na nakapulupot sa katawan ko.
Gimbal ang lumarawan sa mukha ni Tita Ashnea nang igala niya ang mga mata sa paligid. “Nasaan si Guillard Asher?” maawtoridad na tanong niya. Lalo tuloy kinabahan ang katulong nang bumaling sa kaniya si Tita.
“Nasa banyo po at naliligo, Ma’am,” magalang na tugon nito.
“At nagawa pa niya talagang maligo habang may mga babaeng nag-aaway at dito pa mismo sa silid niya?” galit na saad ni Tita. “Lovella, please, hija, bumaba ka muna at doon tayo mag-usap. Let’s talk about this in a civil way, okay?” pakiusap naman ni Tita sa kakambal ko.
Hindi naman sumagot agad si Lovella at tinapunan pa ako ng masamang tingin. Pagkatapos ay tumango siya kay Tita Ashnea. “Tita, I am very sorry po. Hindi ko akalaing sarili ko pang kapatid ang aahas sa boyfriend ko,” naiiyak na sambit ni Lovella. Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.
“Ipaghanda mo ng makakain si Lovella,” utos ni Tita Ashnea sa katulong.
“Opo, Ma’am,” tugon nito, saka nagpaalam at umalis.
Huminto sa pagtibok ang puso ko nang bumaling na siya sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya pero may nasilip akong pagkadismaya roon.
“Magbihis ka, Lorebel at mag-usap din tayo sa baba. Tatawagan ko ang mga magulang mo tungkol dito,” utos niya sa akin. Wala sa sariling napatango naman ako.
“Opo, Tita,” tipid kong sagot. Halos hindi pa nga lumabas ang boses ko sa tindi ng nerbiyos ko. Pagkatapos ay tumalikod na siya at nilisan na rin ang silid.
Kasunod lang din niyon ay lumabas na si Guillard na basang-basa pa rin ang buhok at naksuot ng kulay maroon na roba. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa magulong kama at natuon ang pansin niya sa mantsa ng dugong naroroon.
“Damn it!” tumiim ang mukha niya saka matalim ang mga matang tumitig sa akin. “If you think I am going to marry you just because I was your first, then you’re wrong! Ikaw ang umakit sa akin kaya wala kang anumang maasahan mula sa akin!” malamig niyang saad. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na pumasok sa walk-in closet niya.
Naiwan akong tulala at nagdurugo ang puso. Ang buong akala ko ay magbabago na ang tingin niya sa akin at pananagutan niya ako pagkatapos ng nangyari. Pero ang lahat ay init lang ng katawan para sa kaniya.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likidong nagmumula sa mga mata ko nang pumasok ako sa banyo. Kasabay ng pag-agos ng tubig na nagmumula sa showerhead ay ang pagbalong din ng masaganag luha ko.
Kumuyom ang kamao ko at inilagay iyon sa tapat ng dibdib ko. Nagtagis ang mga ngipin ko para tiisin ang pagkirot ng dibdib ko. Pero kailangan kong panindigan ito. Naniniwala akong hindi papayag ang Mommy ko na hindi ako ipakasal kay Guillard pagkatapos ng nangyari.
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Guillard sa kwarto. Mayos na rin ang kama at napalitan na ang lahat ng laman niyon. Ibinalik ko ang suot ko kagabi at muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ulit ang kirot sa pagitan ng mga hita ko. Inayos ko ang sarili ko saka bumaba.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa salas ang mga magulang ko. Sa tapat nila ay nakaupo ang parents ni Guillard at ang kakambal niyang si Markie.
“Come here, hija,” tawag sa akin ni Tito Marcus. Napalunok ako at mabilis na sumunod. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang-kita ko ang masamang tingin ni Lovella sa akin. Pag-aalala naman ang nasa mukha ni Mommy, habang si Daddy naman ay blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.
“So, ano’ng balak mo ngayon, Asher? How are you going to deal with this?” maawtoridad na tanong sa kaniya ng Daddy niya. Agad ko siyang sinulyapan, malamig lang ang ekspresyon sa mukha niya.
“Dad, we are both adults and we consented what happened. So, what is wrong with that?” tila aburidong sagot ni Guillard. Napalunok naman ako sa panibagoing guhit ng hapdi sa dibdib ko. wala man lang ba siyang kahit katiting na pagtingin sa akin? Kahit kaunti lang?
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Guillard Asher? Is that how you want to treat women?” naniningkit ang mga matang sermon naman sa kaniya ng Mommy Ashnea niya.
“Ano’ng gagawin ko? Pumunta siya rito at inakit niya ako. I tried to stop her many times, but she insisted. She’s beautiful with a beautiful body, so what shall I do? Palay na ang lumalapit sa manok kaya–”
“Shut up!”
Nagimbal kaming lahat nang biglang tumayo si Tita Ashnea at malakas na sampalin si Guillard. Halos tumagilid ang mukha ni Guillard sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni Tita. Labis din nitong ikinabigla ang ginawa sa kaniya ng Mommy niya.
“Mom!” reklamo niya agad.
“Wala akong anak na iresponsable, Guillard. Panagutan mo ang nangyari sa inyo ni Lorebel o kalimutan mong ako ang naging nanay mo! Imbes na nasa biyahe na tayo ngayon papunta sa graduation ni Lily, nandito tayo para ayusin ang problemang ginawa mo. You have a girlfriend, and yet, you bed another woman! Worse is, it is her sister!” tuloy-tuloy na sermon ni Tita Ashnea sa anak niya.
“Tama! Dapat pakasalan niya si Lorebel! Hindi ako papayag na maging disgrasyada ang anak ko!” biglang sabad naman ni Mommy.
“What?”
“No!”
Sabay na kontra naman nina Guillard at Lovella. “Mommy, matagal nang may gusto si Lorebel kay Asher. At sinadya niya ang lahat ng ito para makuha ang gusto niya! Mang-aagaw! Ahas!” galit na galit na angil sa akin ni Lovella.
“We will abide with anything,” sagot ni Tita Ashnea kaya lalong nanlaki ang mga mata ni Lovella. Si Guillard naman ay tiningnan ako nang masama, iyong titig na parang sibat na tumarak sa puso ko.
“I will not marry her! Kung may papakasalan man ako ay si Lovella iyon!” matigas na tanggi naman ni Guillard. Nanlambot naman ako sa narinig. Para niya akong sinampal ng katotohanang iyon at bigla akong nawalan ng lakas na magsalita o kahit mag-angat man lang ng paningin.
“You should have thought of that before you took Lorebel to bed. I agree, my son should marry Lorebel and I don’t want any more discussion of this!” biglang saad naman ni Tito Marcus.
“Dad! Please, I can support her if–”
“My decision is final! You should know how to face the consequences of your action, Asher!” seryosong pahayag na ni Tito Marcus.
Hindi na nagsalita pa si Guillard pero kitang-kita ko ang matinding poot sa mukha niya. si Lovella naman ay humagulgol ng iyak at yumakap pa sa Daddy namin.
“Maraming salamat sa inyo. Sina Lorebel at Lovella lang ang mga anak namin, kaya wala kaming ibang gusto para sa kanila kung hindi ang ikabubuti nila,” pahayag naman ni Mommy.
“At paano ako, Mommy? Boyfriend ko iyan! Tapos gano’n-gano’n lang na mapupunta siya kay Lorebel? This is unfair! This is so unfair!” himutok pa ni Lovella. Mahigpit na nakakuyom sa magkabilang gilid ng upuan ang mga kamay nito.
Tagumpay ang plano ko! Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay mapapasa- akin na si Guillard, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsaya. Siguro ay dahil habang magiging masaya ako, magdurusa naman ang kapatid ko.
“Palamigin lang muna natin nang kaunti ang sitwasyon saka natin pag-usapan ang mga dapat gawin,” maya-maya ay sambit ni Tita Ashnea.
Tumango naman agad sina Mommy at Daddy. “Salamat. Kung gano’n ay iuuwi muna namin si Lorebel para–”
“No! Iwan ni’yo muna siya rito dahil may kailangan din kaming pag-usapan,” malamig na putol ni Guillard sa Mommy ko.
“Asher, please, don’t marry her! We love each other, right? Huwag kang pumayag na masira tayo ng babaeng iyan!” pagmamakaawa ni Lovella kay Guillard. Ngunit hindi nagsalita si Guillard at tumayo na. Pagkatapos ay walang paalam na iniwan na kaming lahat at umakyat muli sa silid niya.
Tumayo na rin ang mga magulang ko at maging ang nag-iiyak na si Lovella. “Maiwan ka na muna namin dito, anak. Ipapadala ko na lamang ang mga gamit mo rito,” paalam naman ni Mommy sa akin.
“Salamat po, Mommy. Sorry po kung… kung binigyan ko kayo ng problema,” sambit ko.
“Siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan itong gulong ginawa mo,” asik naman sa akin ni Daddy. Alam kong galit siya, dahil inagaw ko ang boyfriend ng paborito niyang anak.
“Hindi pa dito magtatapos ang lahat. Babawiin ko kung ano ang akin, tandaan mo iyan!” banta pa sa akin ni Lovella bago nagmamartsang umalis. Muling nagpaalam ang mga magulang ko kina Tita Ashnea at Tito Marcus bago mabilis na sinundan si Lovella.
“Hija, sabihin mo sa akin kapag may hindi magandang ginawa sa iyo ang anak ko, okay? Huwag kang matatakot na magsumbong at ako mismo ang kakastigo sa batang iyan. Akala niya siguro, porke kumikita na siya ng sarili niyang pera ay puwede na siyang maging siga sa akin,” bilin naman ni Tita Ashnea.
Malungkot naman akong napangiti sa kaniya. Mabuti pa siya, may malasakit sa akin. Samantalang ang mga magulang ko ay parang pakitang tao lang at halatang na kay Lovella ang panig nila.
“Welcome to the family, Lorebel. But one piece of advice, love can never be forced. Sana, kapag mapagtanto mo sa sarili mong hindi ka talaga kayang mahalin ng anak ko ay ikaw na iyong kusang lumayo. Huwag mong hahayaang maging miserable ang buhay mo,” payo naman ni Tito Marcus. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko.
“Salamat po, Tito. Salamat po sa inyo ni Tita sa pagtanggap sa akin,” sinserong pahayag ko naman.
“Don’t worry, gago lang talaga iyong kakambal ko pero hindi naman iyon nananakit ng babae,” biglang singit ni Markie. Nakalimuta ko na nga na nandito rin pala siya. Mabuway naman akong ngumiti sa kaniya.
“Sige, hija, mauna na muna kami, ha? May flight sana kami papuntang Switzerland kaya lang…”
Humihingi ng paumanhin naman akong ngumiti kay Tita Ashnea. “Naku, pasensiya na po talaga kayo. Hindi ko naman po alam na magkakaganito ang lahat…” pagsisinungaling ko. Ngunit umiling naman siya.
“Huwag mo nang isipin iyon. Sige na, puntahan mo na iyong damuhong anak ko para magkalinawan na kayo,” udyok pa niya sa akin.
Pagkaalis nila ay saka pa lamang ako pumanhik sa silid ni Guillard. Nanlalamig pa ang mga kamay ko nang pihitin ang seradura. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng lamig na nanggagaling sa aircon ng silid.
“So, sinadya mo pala ang lahat.”
Muntik na akong mapatalon nang biglang marinig ang malamig na boses ni Guillard. Hinanap ng paningin ko ang kinaroroonan niya. Nakasandal siya sa gilid ng bintana. Pinapanood niya ang pag-alis ng Mommy at Daddy niya at ganoon din ng kapatid niya.
“I will not marry you!” asik niya agad sa akin. Pero matapang ko namang siyang tiningnan.
“Malinaw ang sinabi ng mga magulang natin at–”
“f**k you! I told you that you will face hell kapag ipinilit mo ang gusto mo, hindi ba? Akala mo ba bluff lang ang lahat?” sumbat niya sa akin.
“I can be a good wife and an obedient partner to you. Just give me a chance to prove myself and I–”
“Hubad!” utos niya sa akin kaya natigilan ako sa pagsasalita.
Kumunot ang noo ko. “Ano?”
“Narinig mo ang sinabi ko. Hindi ba susundin mo kahit ano’ng gusto ko? Kaya, hubad!” nanunuyang utos niya sa akin.
Napakurap ako ng ilang beses at hindi makapaniwala sa ipinapagawa niya sa akin. Sinalubong ko ang titig niya ngunit seryoso maging ang mga mata niya.
“Guillard, anong…”
“Hubad!” bulyaw na niya sa akin kaya napapiksi ako. “I will show you how you will be treated if you become my wife!”
Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin at sa isang iglap ay winasak ang suot kong damit. Bigla akong natakot sa dilim ng mukha niya.
“Guillard, teka…” gusto ko siyang pigilan kasi natatakot na ako sa kaniya, pero tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa. Marahas niyang sinira maging ang bra at underwear ko. Pagkatapos ay pinatuwad niya ako sa may sofa.
“You want this, right?” pinalo niya ang pang-upo ko. Ramdam kong nanginig ang laman ko sa ginagawa niya.
“Ahhh!” I winced when he landed another slap on my butt cheek.
“This is how you’re going to live with me if you marry me!” patuyang anas niya at walang babalang ipinasok ang p*********i niya sa akin. Buong-buo at walang pag-iingat.
“No! Ahh...” I screamed because of the pain. He stretches my tight walls which didn’t heal yet from the previous s*x that we did.
“Damn!” panay ang mura niya nang simulan na niya akong bayuhin nang bayuhin, mabilis at hayok na hayok. Wala siyang pakialam kung nasasaktan ako o ano. Mahigpit siyang nakahawak sa baywang ko at sagad na bumabaon sa loob ko.
Ni hindi pa ako basa kaya talagang napapahiyaw ako sa kirot ngunit mas bumibilis pang lalo ang mga ulos niya. Mahigpit akong kumapit sa sofa at halos makanda-usod na nga iyon sa lakas ng mga pagbayo niya.
“Ah, s**t! You’re gripping me tight, ah!” patuloy naman ang nasasarapang ungol niya habang walang habas na nilalapastangan ang katawan ko. I cried the pain, not only of my core that felt like burning, but my heart.
Ang ginagawa niya ngayon ay isang napakalaking insulto sa p********e ko, at sa pagkatao ko. Pero walang ibang dapat sisihin kung hindi ako. I did this to myself, and I must face the consequences.
Alam kong ginagawa niya lang ito para hindi ako magpakasal sa kaniya. Pero hindi ako susuko. Kapag makita niya ang pagmamahal ko sa kaniya ay maiintindihan niya rin kung bakit ko ito ginagawa.