Nang muli akong magkamalay ay nasa kuwarto na ulit ako. Nakaupo naman sa tabi ko si Asher. Napangiwi ako nang sumirit ang kirot sa sentido ko. “You’re burning again… bakit kasi kailangan mo pang bumaba. Puwede mo namang pindutin na lang iyang button diyan para iyong mga katulong na ang umakyat? Tingnan mo ngayon nilalagnat ka na naman,” sermon niya sa akin. Hindi naman siya mukhang galit bagkus ay sobrang worried pa nga. Pero nanumbalik sa isip ko iyong dahilan kung bakit ako bumaba kanina. “Asher, sina Mommy… kumusta sila? Nandito na ba sila?” tanong ko agad. Bumuntong-hininga siya. “I already knew what happened. Pinatuloy ko muna sila sa condo ko, pero hindi dito,” agap naman niyang sagot. “Ha? Okay lang ba sila? Sana dito na lang muna sila kasi pansamantala lang naman,” may halong

