Dalawang beses na akong bumahin at medyo masakit na rin ang ulo ko. Hindi ko maintindihan pero biglang-bigla ay parang ang init-init ng singaw ng mga mata ko. “We need to go home, now!” puno ng pag-aalalang sambit ni Asher. “I think you already have a fever.” Kinapa pa niya ang noo ko. “Nahihilo na nga ako,” pag-amin ko. “Paano ka nga pala nakapunta rito? Mataas na raw ang baha,” tanong ko. Ako mismo ay nakita ko iyong labas kanina, nagmukha na ngang ilog na may mga lumulutang na basura at ilang mga nalubog na sasakyan pa. “I used an inflatable boat. I was so worried about you, especially when they told me you had to help someone and brought him to the hospital,” paliwanag niya. Tumango naman ako at muling bumahin. Dahil doon ay lalong sumakit ang ulo ko at ngayon ay naluluha na ang mg

