Chapter 29 His Confession

2353 Words

Hindi nga nagbibiro si Asher nang sabihin niyang hindi talaga ako makakabangon at makakalakad pagkatapos namin. Literal na hindi ko maigalaw nang maayos ang buong katawan ko dahil sa matinding pagod at pananakit. Maayos at malinis na ang kama at nabihisan na rin ako. Mataas na ang sikat ng araw at nang tingnan ko ang orasan ay alas-onse pasado na. “Tanghali na nga pala talaga,” usal ko. Napalingon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Medyo hirap man ay umusod ako para maabot iyon dahil nasa ibabaw ng bedside table. Kumunot ang noo ko nang rumehistro ang pangalan ni Lovella sa screen. Sinagot ko naman agad iyon. “Lorebel, kanina pa kita tinatawagan, ah. Bakit hindi ka sumasagot?” reklamo agad nito. Medyo malakas pa ang boses niya kaya napangiwi ako. “Kagigising ko lang, eh… bakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD