“Aray, Asher ano ba! Nasasaktan na ako!” muli ay reklamo ko. Huminto siya at ngayon ay nasa corridor na kami kung saan wala ni isang tao ang makikita. Ngunit dinig pa rin hanggang dito ang musika na nanggagaling sa party. “Ginagalit mo ba talaga ako, Lorebel? Hindi ka ba marunong sumunod?” asik niyang tanong sa akin. Umikot naman ang mga mata ko kasi naguguluhan ako sa inaarte niya. “Ano ba ang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama, ah!” agad na sumbat ko naman sa kaniya. “Wala? Nakikipagsayaw at nakikipagngitian ka sa ibang lalaki, tapos sasabihin mo, wala kang ginagawang masama? O baka sanay ka lang talagang makipaglandian sa kung sino-sinong lalaki?” pabalik din niyang sumbat sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko. “So? Ikaw nga, kung sino-sinong babae ang isinasayaw mo,

