Chapter 51
Pag dating sa opisina ay inalis ni Sabrina ang kamay ni Arcel sa braso niya at hinarap niya ito.
Sir bakit mo ginawa iyon,!bakit mo sinabi kay Jerson na asawa moko?
Pagtatakang tanong ni Sabrina dito na may halong pag kainis.
Bakit! Ayaw mong malaman niyang may asawa kana!,bakit ba sa tuwing hahanapin kita siya yung laging mong kasama!
Ikaw ang may sabing ayaw mong may maka alam ng tungkol sa kasal natin!
Pasigaw na sabi ni Sabrina dito at akmang lalabas na ito ng opisina ay mabilis naman siya nitong pinigilan.
Please Sabrina mag usap tayo.
Ano ba gusto mong pag usapan natin!sige mag usap tayo!
Sige ipaliwanag niyo po sakin kung ano ba talaga tayo!
Ano Mr.Sebastian hindi kayo makasagot? wala kayong masabi?
Akala ko ba gusto mong mag usap tayo ngayon!,kinakausap na kita bakit ayaw niyong sumagot?
Ayan yung gusto kung malaman!Ayan yung gusto kung pag usapan!ngayon bakit hindi kayo maka sagot sa tanong ko!
Hindi makasagot at tila umurong ang dila ni Arcel matapos nitong marinig ang mga sinabi ng asawa,
Pilit nitong kinakabig si Sabrina palapit sakanya upang yakapin ito ng mahigpit,dahil kitang kita niya ang sakit na nararamdaman nito sa bawat luhang bumagbasak sa maamo nitong mata.
Bitawan moko!
Tulad ng sabi mo sa papel lang tayo kasal Mr.Sebastian at hindi magtatagal mag ddevorce din tayo.
Pag kasabi niya nito ay mabilis na itong naglakad palabas ng opisina,gusto man pigilan ni Arcel ang asawa ngunit hindi niya ginawa dahil alam niyang galit ito sa ginawa niya.
*****
Pag katapos ng duty nito ay deretcho uwi nadin si Sabrina sa condo.
Biglang nawala ang sakit sa mga paso nitong natamo dahil tila mas masakit pa ang masampal ka ng katotohan na wala kang inaasahan sa taong lihim mo ng nagugustuhan.
Pag dating doon ay naglinis na ito ng katawan at pag katapos ay humiga na para mag pahinga dahil apat na oras nalang ang tulog niya bago pumasok ulit.
Ala pang isang oras ang naitutulog niya ng may maramdaman itong humahaplos sa mukha niya,pilit niyang minumukhan ang kung sino ito dahil patay ang ilaw sa kwarto ngunit na bosesan niya iyon ng mag salita.
Im sorry nagising kita,magpahinga ka lang,
Pag katapos noon ay niyakap na siya nito ng mahigpit ramdam pa nito ang pag sisik nito ng mukha sa kanyang balikat at sabay na silang binalot ng antok.
Tirik na ang araw ng magising si Sabrina akmang tatayo na ito ng pigilan siya ni Arcel at kinabig syang muli nito at niyakap ng mahigpit at parang bata itong nagsumiksik sa dibdib niya.
Naalala pa nito ang nangyari kagabi sobrang nasaktan siya,pero heto at nandito si Arcel ngayon sa tabi niya at tila hindi ininda ang nangyari sa pagitan niya.
Napakamanhid mo talaga,
Bulong nito sa sarili niya,gustuhin man nitong magalit at makaramdam ng inis ay tila hindi naman nito magawa.
Teka bakit ka dito umuwi at natulog?
Tanong ni Sabrina dito,
Na miss kita,
Maikling sagot nito habang nakayakap parin sa asawa,tila kumabog naman ang dibdib ni Sabrina sa sinabi nito.
Ilang minuto pa sila sa ganoong posisyon at bumangon nadin si Sabrina upang magluto ng agahan,sabay silang kumain at pumasok sa trabaho.
Habang nasa byahe ay nabangit din ni Arcel na hindi niya kailangan pang pumasok sa trabaho nito sa coffee shop.
Pansin niya ang panay na pagtitig ni Arcel sa braso niya na nalapnos.
Masakit paba?
Tanong nito habang diretcho ang tingin nito sa daan habang nag mamaneho.
Umiling naman si Sabrina at ngumiti sakanya para hindi napa siya nito kulitin dahil baka maging over acting na naman ito at dalhin pa siya sa hospital.
Sinabi rin nito na sya na ang bahala sa pangangailangan ng lola nito,at gustuhin man ni Sabrinang tumangi ngunit si Arcel padin ang nasunod.