50

661 Words
Chapter 50 Sabrina are you okay? Mabilis naman sinalubong ni Jerson sa hallway si Sabrina ng makita nitong papunta ito sa clinic ng building. Nag aalalang hinawakan nito ang braso ng dalaga at tiningnan kung gaano kalala ang natamo nito Ou okay lang ako Nakangiting sabi nito habang hinahaplos ang ibabaw ng braso.. No,alam kung hindi ka okay.halika na't ipa check na muna natin yang paso mo. Sinamahan ito ni Jerson hanggang matapos ito at lumabas ng clinic pag katapos ay nag stay muna sila sa dulong bahagi ng cafeteria upang kumain dahil pinag break time na rin siya ng leader niya para mapahinga na muna. **** Habang nasa loob naman ng elevator ay narinig ni Arcel ang pag uusap ng dalawang supervisor na nag uusap tungkol sa nangyari sa cafeteria. Well its was an accident,honestly i saw na hindi naman sinasadya nung crew ng coffee shop.. And ofcourse napaso siya,ikaw ba naman matapunan ng mainit na kape. Infact natalamsikan lang naman yung damit niya,kaya hindi niya na sana pinahiya yung babae,dugtong pa ng isang babae na kausap nito bago labas ng elevetor. Napaisip naman si Arcel kung saang coffee shop iyon nangyari kaya para malaman niya ay nagtungo ito sa Food Arcade para masigurong hindi sa coffee shop ng kapatid nito iyon nangyari. Pag labas ng elevator ay nilibot agad nito ang paningin sa harap ng coffeshop ng kapatid ngunit hindi nito nakita si Sabrina doon kaya't pumasok ito ng Arcade. ***** Pag katapos kumain nila Jerson at Sabrina ay nagkwentuhan pang muli ang dalawa. May i see,masakit pa ba? Pag aalalang tanong nito habang hinahaplos ang ibabaw na bahagi ng braso nito. Umiling naman si Sabrina at ngumiti kahit na ang totoo ay kumikirot iyon sa tuwing nagagalaw. Sabrina matanong ko lang bakit ayaw mupang tanggapin ang alok ng auntie Laura mo? I mean hindi mo naman kailangan pahirapan yung sarili mo dito, honestly hindi ako komportableng nakikitang halos gawin mo ng dalawa yung sarili mo sa pag ttrabaho. Sabrina hindi ka naman robot isa pa,hindi naman ganito yung pangarap nito tito Romualdo para sa iyo. Kung nabubuhay lang ang daddy mo hinding hindi iyon papayag na maghirap ka ng ganito sa buhay. Okay naman ako jerson isa pa sanay na ako sa ganitong hirap,sa totoo lang hindi ko pa rin kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni lola pag nalaman iyon. Sabrina wala naman na ang daddy mo,kung iniisip ni lola Belen na baka ilayo ka ng auntie mo sakanya,ipaliwanag mo na malabong mangyari iyon at wala siyang dapat ika bahala. Nais pa sanang mag paliwanag ni Sabrina ngunit bigla naman nitong nakita si Arcel na naka tayo sa likuran ni Jerson kaya't mabilis nitong binawi ang braso niya na hawak hawak ng binata. Salubong ang kilay at napaka dilim ng anyo nito,hindi ito nagsasalita kaya't mas lalo itong kinakabahan sa kinikilos ng asawa. Pansin din nito ang pag igting ng panga ni Arcel kasabay ng pagtitig nito ng deretcho sakanyang mga mata Dahan dahang napatayo si Sabrina sa kinauupuan nito at pinilit ikinalma ang sarili,napansin din ni Jerson ang biglang pananahinik ng kaibigan kaya't napalingon din ito kung saan nakatingin ang dalaga. Good evening sir Arcel,binati niya ito sabay yuko,hindi naman kumibo si Arcel dahil na pako ang tingin nito sa braso ni Sabrina. Pag katapos noon ay mabilis niyang hinawakan ang kabilang braso nito at sinama papalabas ng Arcade. Kahit naguguluhan ay sumama at sumunod si Sabrina dito at mabilis na nagpaalam kay Jerson. Tila nagulat naman si Jerson sa kinilos ng CEO ng kumpanya kaya't mabilis niyang hinabol ang dalawa at binawi ang braso ni Sabrina. Wait anong problema niyo Mr.Sebastian? Mahinahong tanong nito kay Arcel. Bitawan mo asawa ko.! Seryosong sabi nito kay Jerson at tinapunan pa niya nito ng masamang tingin sabay lakad at lumabas ng Arcade kasama si Sabrina. Tila tulala namang sumusunod si Sabrina dito hangang makapasok ng Elevator at maging si Jerson ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Arcel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD