33

721 Words
Chapter 33 Before lunch ay pinuntahan ako ni Jerson sa bahay at pinakilala ko rin siya kay lola at ilang minuto din sila nag kwentuhan at pag katapos noon ay umalis na din kame. Habang nasa byahe ay diko mapigilang kabahan dahil after 15years ay makikita kung muli sila dad, auntie Laura at si Dexter ang pinsan ko,at ng nasa kalagitnaan na kame ng byahe ay tinawagan na nito si kuya Dexter para ipaalam na papunta kame ngayon sakanila. Pag dating namin ay pinag buksan kame ng gate ni kuya Dexter at sobrang sayang sinalubong ako nito ng isang mahigpit na yakap at tila maluha luha pa ito ng makita ako. Pag katapos niyon ay hinaya niya na kameng pumasok sa loob at nasa entrance palang kame ng bahay ay mabilis akong sinalubong ni Auntie Laura at niyakap ng mahigpit tulad ng dati ay maganda pa rin ito kahit na may edad na. How are you Hija? Mahinahing tanong nito saken habang mahigpit na nakayakap sa akin. Okay lang po ako Auntie kayo po?Sobrang saya ko at nakita ko po kayong dalawa ni kuya Dexter. Masayang sabi ko dito habang hawak ko ang mga kamay niya. Tara Hija pumasok tayo sa loob,nag paluto ako ng mga paborito mo dahil alam kong dadating kayo ngayon tulad ng sinabi ni Jerson at buti na lamang ay nag kita kayo at iisa lang ang building na pinapasukan. Habang kumakain ay andaming na kwento sakin nila Auntie Laura nabangit din nila saken si daddy at nalaman ko kung panong na depressed si daddy ng inilayo ako ni mommy at iniwan namin siyang mag isa. Na pabayaan daw ni daddy ang business nito at ang sarili dahilan ng pag kakasakit niya hanggang sa lumala at namatay mula noon ay si ay kuya Dexter na ang nag patakbo sa naiwan na business ni daddy. Alam mo Hija sobrang sabik sa iyo ang daddy mo ilang beses niya kayong sinundan sa manila para bawiin pero di pumayag ang mommy mo at sinampahan niya ito ng kaso kaya mula noon ay dina pa siya nakalapit sayo. Hija bumalik kana samin hiniling ng daddy mo na hanapin kanamin bago siya mamatay kaso hindi kana namin pa na hanap dahil wala na kayo sa dati niyong bahay. Kaya hanggang sa namatay siya ay sabik na sabik siya sayo lahat ng ari-arian ng daddy mo ay sayo naka pangalan. Kung gahaman lang kami sa kayamanan ng daddy mo ay hindi na namin sasabihin pa sa iyo ito Hija. Pero tulad ng daddy mo ay mahal na mahal ka namin please,mag balik kana samin siguro ito na ang oras para tanggapin mo ang hiling ng daddy mo na alagaan ang business na pinag hirapan niya para saiyo. I will help you Sabrina,ituturo ko sayo ang lahat ng tinuro sa akin ni tito. Alam ko na nagttrabaho ka ngaun bilang designer sa Majestic Group na hawak ng Golden Entertainment at kinukuha ka naman ng RAFFA Jewelries bilang ambassadress at model ng company nila pero alam ko na alam mo nadin ang totoo na si tita Carmela ang may ari niyon. Please pag isipan mo ang alok namin sa iyo Sabrina dahil sayo lahat ng ito,at pinag hirapan ni tito na palaguin ang business niya para sayo,para hindi ka mahirapan sa buhay mo dahil iyon lang ang gusto niya para sa kaisa isa niyang anak. Hapon na din ng mag paalam akong umuwi sa totoo lang ayoko pa sanang umalis pero,nasasaktan ako sa lahat ng nalalaman ko lalo na sa pinag daanan ni daddy bago siya mamatay. Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko kay mommy! Paano niyang nagawang ilayo ako kay daddy at dinemanda niya pa ito para lang di makalapit sa akin!ang sama niya!Pag katapos niya akong ilayo kay daddy ay dinala niya ako kay lola para iwan lang at pumunta sa Thailand. Labing limang taon na tiis niya akong di kinamusta at di makita sabik na sabik ako sa araw araw na dadaan dahil baka i surprise nalang ako ni mommy pero wala! kahit sa araw ng graduation ko ay di man lang siya nag abalang umuwi kahit isang araw. Ngayon alam kuna lahat ng sagot sa tanong ko mula pa noon at paano niyang nagawang iwan kami ni dad at nag buo siya ng bago niyang pamilya! ang sama sama niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD