32

491 Words
Chapter 32 Isang lingo na din ang lumipas at salamat sa diyos ay naging matagumpay ang operasyon ni lola at naiuwi kuna ito sa bahay. Kumuha si Sir ng caregiver para kay lola para may mag alaga dito dahil ang alam ni lola ay nagttrabaho ako sa umaga at sa gabi kaya hindi ako umuuwi ng bahay pero kapag weekend naman ay nandoon ako tulad ng napag kasunduan namin ni sir Arcel. Sa totoo lang mula ng ikasal kame ay sa opisina lang kame nag kikita dahil hindi naman siya umuuwi sa condo niya kapag weekdays. Tulad ng napagkasunduan ay walang makaka alam ng tungkol sa kasal namin at sa papel lang kame kasal,kaya sa trabaho ay sya pa rin ang amo ko, ****** Sabrina! Pag lingon ko ay isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin, Kamusta kana?Kamusta na ang lola mo?Na miss kita, Sunod sunod na tanong sa akin ni Jerson at sabay kurot naman sa pisngi ko ng bumitaw ito sa akin mula sa pagkakayakap. Okay lang ako at nakalabas na din si lola ng ospital,nga pala maraming salamat sayo,ang laki ng tulong na binigay mo,nahihiya ako sayo diko alam kung paano kitang mababayaran. Ay parang bata naman to! Sabi sa akin nito at sabay kurot sa pisngi ko,Nahihiya nga ako sayo dahil wala man lang ako sa tabi mo ng kailangan mo ng karamay. Oo nga pala maiba ako,meron nga pala akong good news saiyo,Nakangiting sabi nito habang hawak ang dalawang kamay ko. Ano naman iyon? Nag kausap na kami ng pinsan mo Sab,at sobrang saya nito ng sinabi kung mag kasama lang tayo sa iisang building. Talaga? anong sabi niya? si daddy kamusta na? meron kabang number niya?nasaan sila ngayon? Relax ka lang Sab,saglit lang kameng nagkausap dahil aksedente lang kameng nagkita sa airport ng papunta akong Japan at sya naman ay pauwi dito galing siya ng China. Pero bago kame nagkahiwalay ay sinabi niya sa akin na pasyalan ko siya pag balik ko ng pilipinas at sinabi niya rin na isama kita dahil marami siyang gustong sabihin saiyo. Tutal lingo bukas kung wala kang masyadong gagawin pwede tayong pumunta ng Cavite para makita siya. Pumayag naman ako at hindi kuna pa tinangihan iyon dahil kailangan kung makausap sila at gustong gusto ko ng makita si daddy. Dahil sabado ngayon ay nagpasya akong hindi umuwi sa condo dahil doon matutulog si Sir hanggang bukas,kayat pag out ko ng trabaho ay nag straight nako ng duty sa coffeeshop dahil sabado ngayon ay hanggang 11lang ng gabi ang pasok ko. Nag palit na muna ako ng uniform at nag ayos nadin para hindi nila malaman ng mga ka trabaho ko sa coffeeshop na nagttrabaho ako sa 9th floor. Kahit kasal na ako kay sir Arcel ay kailangan ko parin ang trabaho ko dito sa coffeshop para sa gastusin nila lola sa bahay,dahil hindi ko naman dapat iasa iyon sa asawa ko dahil wala yun sa usapan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD