Chapter 25
No way! Anong problema bakit sila umatras!akala ko okay na ang lahat!Pasigaw na tanong ni Arcel kay Mia dahil nalaman nitong nagback out ang Raffa Jewelries at hindi nito pinirmahan ang napagkasunduang kontrata.
Sir ayon po sa abogada nila pipirma lang daw po ang nasabing kompanya kung makukumbinsi niyo si Ms.Sabrina na maging parte ng Rafaa Jewelries.
What! They are really serious!Ano bang nagustuhan nila kay Sabrina at atat na atat silang makuha to!Una sa lahat hindi natin model si Sabrina!at hindi naman model to!
Ang dami nating hawak na mga bigating artista at modelo na pang international ang ganda,bakit pilit nilang kinukuha yung old fashion na babae na yon!
Ayon din po ang pinagtataka ko,ayon po sa nalaman ko ay si Mrs.Carmella Raffa ang umatras sa kontrata ng malaman nitong tinggihan ni Ms.Sabrina ang offer na ina alok nila para dito.
Tila hindi naman makapaniwala si Arcel sa mga naririnig nito at napa upo nalang ito at napahilamos sakanyang mukha,Malaking halaga ang dapat na iiinvest sakanila ng nasabing kompanya kayat ganon nalang ang dismaya nito sa nangyari.
Hindi to pwede,hindi natin pwedeng pakawalan ang Raffa,gagawa ako ng paraan para mapapayag natin ito.
We need Sabrina now and she can't say no to me.
Bulong ni Arcel sa isip nito at pagkatapos noon ay pinatawag niya kay Mia si Sabrina upang makausap..
Sir im Sorry pero nag take ng leave si Ms.Sabrina ngayong araw.
Why whats happened?
Emergency matter, maiksing tugon nito.
Okay fine you may leave now Mia,and please paki cancel na muna lahat ng appointment ko ngayong araw ,then ihanap mo ako ng restaurant para sa dinner namin ni Sydney.
*******
Dahil sa lumalalang kalagayan ngayon ng lola ni Sabrina ay nagpasya muna itong hindi pumasok sa trabaho,at muli ay kina usap siya ng doctor nito.
Halos mula umaga ay walang tigal sa patak ang luha nito sa pag iisip sa kalagayan ng kanyang lola,dumating si Jonas sa hospital para iabot ang tulong na naipon ng grupo nila umabot din ito ng 24k na sobrang pinapapasalamat ni Sabrina.
Nabalitaan ni Jerson ang kalagayan ni Sabrina at kahit kasalukuyan ngayong nasa Japan ito bahil sa isang business trip ay nag abot padin ito ng tulong sa halagang 100k para hospital at karagdagang 100k para sa panggastos
Nais pa sanang tangihan ni Sabrina ang pina abot na tulog ng matalik na kaibigan dahil napaka laking halaga nito ngunit hindi rin pumayag Jerson na bawiin ito.
Nais man nitong damayan si Sabrina sa pinagdadaanan nito ngayon ngunit wala itong magawa dahil aabutin pa siya ng mahigit isang buwan sa Japan dahil sa bagong business ng pamilya.