Chapter 24
Pag dating ko ng umaga ay pina deretcho nako ni ma'am Mia sa opisina ni Sir para ipakita ang bago details na kailangan kung idagdag sa bago naming magiging project sa darating na summer.
Pag pasok ko ng umaga ay diko nakita si sir Arcel na pinagpasalamat ko naman iyon ng sobra at dahil doon ay nag simula nako ng mga gagawin ko.
Matapos kung gawin ang unang request ay nakapag pahinga ako saglit dahil bumaba si ma'am Mia sa opisina niya dahil my meeting ito ngunit binilin naman sa akin nitong wag akong aalis at abangan si Sir na dumating..
Magtatangahli na pero wala padin si ma'am Mia at Sir Arcel,inip na inip nako dahil wala akong ibang magawa kundi umupo lang doon at maghintay,pakiramdam ko isang ihip nalang na hangin ay makakatulog na ako.
Ang lalim yata nang iniisip ng magandang binibini" Nakangiting bungad sa kan'ya ni Calvin.
"Sir! Kayo po pala," nakangiting sabi niya rito.
"May problema ba, Sabrina?" Seryosong tanong nito sa kan'ya.
"Nako. Wala po, sir. Mabuti po at narito kayo? May kailangan po ba kayo kay Sir Arcel?"
Sasagot na sana ito nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Arcel.
"Calvin, what are you doing here?" takang tanong ni Arcel dito.
"Yayayain ko sanang mag-lunch itong napakaganda mong designer kung papayag ka" Nakangiting sabi nito at kumindat pa sa kan'ya.
Parang nakita niyang biglang nagbago ekspresyon ng mukha nito. "You don't need to ask me. Si Ms.Castillo nalang ang tanungin mo tungkol sa bagay na 'yan"
"Oh! 'Yon naman pala e. Ano, Sabrina? Huwag mo sana ako ipapahiya ah? Hindi 'yon kakayanin ng isang Calvin Chua" Nakangiting biro pa nito sa kan'ya.
Dahil wala naman talaga siyang kasabay para mag-lunch dahil tapos na ang lunch hour ng mga empleyado ay pumayag nadin siya.
"Saan mo gustong kumain, Sab?"
"Kayo na po ang bahala sir. "
Sabrina pwede bang Calvin nalang ang itawag mo sa akin? Tsaka ilang taon ka na ba?"
Tila napasulyap naman si Arcel habang nagkukwentuhan ang dalawa bago ito lumabas ng opisina.
Tila nagtataka ito kung bakit parang kabilis naman naging closed ang dalawa at bakit parang napaka interesado ng pinsan nito kay Sabrina.
*****
Pasado ala una na ng makabalik si Sabrina sa opisina ni Arcel at tila hindi naman mapinta ang mukha nito.
How's your date?mukhang naparami yata ang kain niyo at dimo napansin na oras na?
Sarkastikong tanong nito pag pasok ni Sabrina sa loob ng opisina,
Pasensya na po kayo Sir, naka yukong sabi nito at bigla mabuti nalang ay pumasok si ma'am Mia at mukang my importante itong kailangan sabihin kay Sir Arcel dahil pinabalik ako ng mga ito sa opisina namin dahil my importante daw silang i mmeet na Client..