KALALABAS lang ni Mary sa banyo ng tumunog ang cellphone niya kaya naman kaagad niya itong dinampot. "Video call request," basa niya. Pinindot niya ito bumukad sa kanya sina Charmine, Irene at Juliane. "Oyy murat, saan ka ngayon?" tanong agad ni Juliane nang makita siya. "Oo nga, pinuntahan kita sa unit mo wala ka dun," sabat naman ni Irene. "Saan ka ba ngayon, langga? Okay ka lang ba diyan?" nag-alalang tanong ni Charmine habang karga ang anak nito. Saglit na tahimik siya. "Ah ano kasi nasa Iloilo ako at—" Pinutol ni Irene ang pag papaliwanang niya. "W-what?? Iloilo? Umuwi ka? At 'di ka man lang nagpaalam bruha ka!" inis na untag nito. "Sorry naman, medyo mabilis kasi ang pangyayari eh." Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari kung bakit nasa iloilo siya. Matapos niya mag kwento

