NASA loob na sila ng SUV ni King pauwi na sila, kasama nila sa loob sina Valliere at Prince na nasa likod at sa gitna ng mga ito si Kian. Sa passenger seat naman siya at kandong si Kianna na aliw na aliw sa mga tanawin na dinadaanan nila. "Mary... bukas na lang siguro tayo pumunta doon sa inyo, para makapaghanda tayo at makapagpahinga na din," basag ni King sa katahimikan Saglit na tahimik siya. "Ahmm sige," tugon niya. "Kuya, diba may okasyon satin bukas pinapatawag ka ni nga ni Cap. May Volleyball tournament daw kasing gaganapin, so, ano sali ka?" biglang sabat ni Prince. Tumingin si King sa kanya na tila humihingi ito ng permiso kaya ngumiti siya sa lalaki. "Okay lang naman kung kami na lang muna nina Valliere ang umuwi bukas sa amin eh." Umiling ito. "Ahmm pwede bang 'wag ka na l

