"MAGANDANG umaga, balae," bati ng ina niya sa mag-asawang Montel. Nginitian naman ng ina ni King ang kanyang ina. "Magandang umaga din, balae, salamat at inimbitahan mo kami, matagal ko ng gusto ma-meet ang mga magulang nitong si Mary," magiliw na saad ng Ginang. Tumawa ang kanyang ina. "Ay, walang ano man, balae, pasok kayo." SA SALA dinala ng kaniyang ina ang kanilang bisita kaya't heto sila lahat magkakaharap. "So, ano saktong date balak niyong magpakasal?" kaagad na tanong ng kanyang ama. "Oo nga anak?" dagdag naman ng ama ni King habang ang dalawang Ginang ay tumingin sa kanilang dalawa. "Sa 13," sabay na sagot nila kaya't nagkatinginan silang at sabay natawa. "Kung ganun mga 2 weeks pa, kailangan niyo para maka-prepared," tango-tango pangsabi ng kanyang ama. "Kami na bahala s

