Paalala Diba sabi ko naman kasi, ang title at book cover lang nito ang inosente hindi ang author, mag-w-warning pa ba ako? Hahaha, mukha kasing kahit alam niyong bawal ito sa inyo binabasa niyo pa rin, panigurado dito pa iba dumeritso sa inyo, luh!! Aminin oy, bahala kayo diyan. - Ang inyong inosenteng manunulat, Binibining Mary ✍? Chapter 37 PAGDATING niya sa bahay nila nakita niya ang kanyang ina nasa sala naka-upo. Nang makita siya ay napatayo ito at kaagad siyang sinalubong. "Oh? Buti naman at nandito ka na, hinahanap ka ni Kianna, iyak nang iyak, kawawa naman si King sa kakaalo rito, mabuti pa puntahan muna sa kwarto niyo ang mag-ama mo." Tumango lang siya at lumakad papuntang kwarto nila. Pagbukas niya ng pinto naabutan niyang hinehele ni King si Kianna at si Kian ay mahimbing n

