Adrian Santiago Nakangiti niyang pinagmamasdan si Adeline na maganang kumakain. Napansin na niya ang ilang pagbabago sa asawa nitong mga nakaraang araw, tulad ng pagiging antukin at pagiging moody pero hindi niya lang ito gaano pinapansin. Pero nung magrequest ito ng pagkain na hindi naman nito usual na kinakain ay bigla siyang napapaisip tila ba nagbunga na ang gabi gabing pagtatatrabaho niya sa asawa. Ayaw niyang pangunahan ang asawa. Kung totoo man ang kanyang hinala gusto niya na ito mismo ang makatuklas at magsabi sa kanya. “Uy Adrian bakit hindi ka kumakain?” Tanung sa kanya ni Adeline kaya bigla siyang napabalik ang kamalayan. “Kain ka lang hon, makita lang kitang busog masaya na ako.” Sagot niya kay Adeline. “Corny mo gurang, Kumain kana at hindi ko kayang ubusin ito sa dam

