Adeline Sarmiento Masakit na masakit ang kanyang ulo at sinamahan pa ng konting kirot ng puson ang nararamdaman ni Adeline paggising niya. Nakita niyang mahimbing na natutulog pa si Adrian sa kanya tabi kaya napatingin siya sa relo sa kanyang side table. Nakita niyang 5:45 pa lang ng umaga. Kaya dahan dahan siyang tumayo para hindi magising ang asawa at pumunta siya sa cr para umihi. Pagbaba nga ng kanyang underwear para makaihi ay nakita niyang may bahid ng dugo ito. Kaya naisip niya kaya masama ang pakiramdam niya dahil dumating ang kanyang dalaw kaya napabuntong hininga na lang siya. Pagkatapos nga ay lumabas siya para kumuha ng pamalit na underwear dahil plano niya ay maliligo na din siya baka magiiba ang pakiramdam niya kapag niligo niya ito. Mahimbing pa din natutulog ang asawa k

