“Musta Bro parang nangangayat ka ah”bungad ni Alex kay Adrian na kasalukuyang kausap niya through video call dahil sa kasalukuyan nasa,Canada ang huli dahil ito ang namamahala sa 2nd Main Branch ng A&A Corp.
Ni sa panaginip hindi namin akalain na uunlad at lalaki ang aming company,Aaminin ko na may sariling company ang kanya kanya naming pamilya lalo na si Adrian na nagiisa itong anak, kaya nung sinabi niya sa akin nung nagiinuman kami na gusto niya magpatayo ng sarili niya negosyo ay sinabi ko na magpartner na lang kami para mapagkakasya kung magkano man ang aming magiging puhunan.
Nung naguumpisa kami sa aming dalawa lahat, naranasan namin ang ibat ibang rejection although maraming nagtaas kilay sa amin nung naghahanap kami ng potential investor namin kasi bakit daw hindi kami tinutulungan ng aming pamilya,Hindi sa ayaw kami tulungan ng aming mga magulang talagang nagdesisyon kami na hayaan muna kami na gawin ang mga possible step at kung hindi na namin kaya tiyaka kami hihingi ng tulong. May mga naencounter din kami na problema tulad ng mga supplier namin na minsan na namin naging problema dahil may nakakalusot na substandard material lalo na sa mga ginagamit for constuction,kaya isa yun sa naging dahilan kaya medyo nabawasan ang aming puhunan para mabayaran ang damages sa nangyari.
Naging stable ang takbo ng company nung nag 1 year at naging masaya kami ni Adrian nung nalaman namin na may isang big company based on Canada ang intresadong mag invest sa amin,at talagang walang sisidlan ang saya namin ni Adrian nung nagustuhan nila ang aming proposal at nagtiwala sila sa amin kahit bago lang kami sa construction industry that time.
Kasi nakikita daw nila ang kanilang humble beggining sa amin,kaya kapag may nakikita sila na potential na bago company hindi sila nagdadalawang isip para tulungan ito, kaya naman ginawa namin lahat para mapatunayan namin na karapat dapat kami sa tiwala ng binigay nila.
Isa lang naman ang hiniling nila sa amin na kailangan meron mapatayong branch sa Canada na agad namin ito ginawan at ang namahala nga nito ay si Adrian.
“Guwapo pa din naman ako ah”biro sa akin ni Adrian,
“Oo na hindi na ako tututol mamaya magbago pa ang isip mo na umuwi dito maudlot pa ang leave ko”pangaasar ko dito
“Asa ka hindi na ako papayag na magextend pa, 5 years was enough, gusto ko naman na makasama ang asawa ko”seryosong sabi nito sa akin
“Dahan dahanin mo lang Bro you know what I mean hahhaha”tinaas at pinakita sa akin ni Adrian ang kanyang gitnang daliri senyales ng pagkapikon nito sa akin
“Kidding aside kailan ba uwi mo para mabigyan kita ng welcome party,pasuprise ka din kasi eh”tanung ko kay Adrian
“Alam mo naman na hindi ko kailangan ng mga party na yan,alam mo kung sino ang gusto ko”seryosong banat nito sa akin
“Don’t worry Bro tumupad ako sa usapan kaw na bahala sa lahat.”sagot ko dito
“Siya matulog kana para naman fresh ka tingnan paguwi mo, baka kasi naman magmukha ka ng tatay niya instead na asawa hahahahah”pagbibiro ko dito
At nawala na nga ito sa screen indikasyon na pinatay na ang tawag nito,at napailing na lang ako kasi until now pikon pa din siya kapag ang asawa niya ang pinaguusapan.
Oo may asawa na si Adrian, Bago pa man siya pumunta ng Canada ay nagpakasal na siya,Kaya hindi ko siya masisisi kung ganun ang ginawa niya kay Adeline kasi ayaw niya ito masaktan ng husto.
Kung ano man ang nangyari hahayaan ko na siya ang magsabi,andito lang ako para suportahan sila.
“Sir, Ms. Sarmiento is here”dahil sa tawag ng aking secretary kaya bigla ako natauhan.
“Ok sige papasukin mo”bigyang pahintulot ko dito
“Yes baby sis what can I do for you”As expected nakasimangot siya and she just rolled her eyes the indication she doesn’t want to call baby sis anymore,but for me she is still my younger sister na grabe din ang pinagdaanan dahil sa pagibig
“Kuya naman eh huwag mo na akong tawaging baby sis kasi I’m not baby anymore makakagawa na nga ako ng bata eh”sabi nito sa akin na nagpatayo sa aking table”
“What do you mean na makakagawa ng bata,may dapat ba akong malaman ha,answer me Adeline Marie”seryosong sabi ko dito pero tinawanan niya lang ako na lalong nagpakunot ng noo ko
“Relax kuya kaw talaga paano ako makakagawa ng bata grabe kayo makabakod sa akin,na kulang na lang kahit sa pag Cr at pagtulog ko ay kasama ko kayo ni Daddy sa higpit niyo sa akin,buti nga naging transwoman na si rosie kung hindi baka kahit siya hindi makakalapit sa akin” natatawang paliwanag nito sa akin
Bigla akong huminahon nung narinig ko ang sagot niya,Kung alam mo lang Adeline ang dahilan kung bakit kami ganun kahigpit sa iyo,sa tamang panahon malalaman mo din ang lahat,sabi ko na lang sa aking sarili
“Anyway,kuya ito yung list of applicant na nakapasa sa ginawa nating 1 day job fair and I need your signature for approval for us to proceed the next step”paliwanag ni adeline sa akin.
“Ok akin na,you know I trusted you a lot alam ko naman na our company is in good hand if your around”sabi ko sa aking kapatid
“Hay naku kuya binobola mo na naman ako,I’m just doing my job,pero I think me and my team deserve a reward for doing job well done today,nakakapagod kaya kuya papizza ka naman diyan”hirit sa akin ni Adeline
“Ok no problem,I will ask my secretary to booked in our favorite restaurant for team dinner, you’ll just received the details any moment later”
“Talaga kuya the best ka talaga kaya hindi ako nagdalawang isip na dito magtrabaho kahit napaka sungit at strict mo pero lahat naman ay well paid off talaga sa successful ng company at sa lahat ng branches nito,alis na ako kuya wait ko nalang details babye kuya and say hi to ate yasmin and baby”
At tiningnan ko na lang ang paglabas ng pinto ang aking kapatid,sana kapag dumating ang araw na may malaman siya maintindihan niya lahat.