Adeline Santiago Habang kumakain kami ng lunch ni Adrian ay hindi ko talaga mapigilan na hindi sabihin sa kanya ang inis niya kay Lovely. Habang busy siya kanina ay nakareceive siya ng message kay Rosie at sinabi nga nito na biglang umalis si Lovely sa kalagitnaan ng orientation ng hindi man lang nagpapaalam kung saan pupunta. Kaya nung nabasa niya ito ay hindi niya mapigilang hindi manggigil dito at nangangati na siyang patulan ito dahil malapit ng maubos ang pasensya. Nung balak na sana niyang puntahan si Adrian dahil sigurado siya na doon pupunta si Lovely ay nakatanggap ulit siya ng message kay Rosie na nakabalik na raw ang kapreng babae na iyon sa orientation. Kaya bumalik na lamang siya sa kanyang puwesto at nirelax ang sarili kasi talagang nastress ako sa ginawa nung kapreng bab

