Chapter 2

1351 Words
Adeline Sarmiento Pagkaupo na pagkaupo ay sinalubong ako ni Eric na captainball sa basket ball team ng University. Saksakan ng taas ng bilib sa sarili. Akala lahat ng babae ay mapapasakanya. Kaya nung nararamdaman ko na nagpapalipad hangin siya pinarangka ko ito na wala siya maasahan sa akin at sinasayang niya lang ang oras niya sa akin. Dahil nirereserve ko ang sarili ko para kay Adrian lang pero siyempre hindi ko na sinabi kung bakit basted siya sa akin. Nagpapasalamat nga ako at biniyayaan ako ng magandang genes ng magulang ko. Marami nagsasabi na bata daw akong tingnan sa edad na18. Maitim at hanggang balikat ko na buhok,kissable lips. Masasabi ko na sexy naman ako kasi 27 lang waitline ko,at hindi rin pahuhuli ang height ko sa mahal ko dahil 5’5” ito at higit sa lahat matalino ako. Dahil sa mga katangian na ito ay naging popular ako sa University pero sabi ko nga nakareserve lang ako for my Adrian my love. “Hi babe how's your morning?” Bungad sa kanya ni Eric. “Kanina maganda pa ang mood ko. Nung nakita kita nasira na araw ko.” Pagmamaldita ko sa kanya. “Kaya nga ba lalo kitang love. Sa pagsusungit mo sa akin.” Sagot nito sa kanya. At bigla naman pumasok ang thesis adviser namin kaya umalis sa harapan ko si Eric at umupo sa designated chair niya. Nagsimula ng magdiscuss ang aming adviser sa aming grupo, tungkol sa napili naming title, respondents and instrument na gagamitin namin. Kaya matapos ng aming klase ay niyaya ko si Rosie na magmeryenda at talagang nagutom ako sa discussion kanina. Habang naglalakad ay hinabol naman kami ni Eric. “Babe sama ako sa inyo don’t worry sagot ko lahat ng gusto niyo kainin." Sabi nito sa kanya. “Lilibre pala niya tayo beshy,sama na natin sayang din offer niya.” Panggagatong ni Rosie sa sinabi ni Eric. “Sige halika ka na basta wag ka makulit kung hindi sisipain kita.” Sabi nito sa kanya. “Aye aye babe.” Sagot ni Eric sa kanya. Kaya pumunta na kami sa favorite fast food ko. Kahit laging marami tao dito,nagtitiyaga talaga akong pumila dahil gustong gustong ko sa kanila ang creamy at chessy carbonara nila na isa sa best seller dito. Iniisip ko palang ay natatakam na ako. Dahil kasama namin si Eric sinabi namin na siya na ang pumila at kami na lang ni Rosie ang maghahanap ng uupuan namin. Pagkatapos namin masabi kung anu order namin ay naghanap na kami ng mauupuan. Habang kumakain kami 3 bigla na lang ako siniko ni Rosie at ngumuso sa direksyon ng entrance nitong fastfood. Nakita ko nga ang love of my life na si Adrian kasama ang kanyang mahaderang gf na si Erica. Kaya I’ve rolled my eyes on her nung napansin niya ako pagpasok nila sa loob ng fastfood sabay bulong kay Adrian. Siguro nakita niya ako dahil nakita kong hinanap nito ang direksyon kung saan kami nakapuwesto at nung nahanap niya nga ako ay papunta ito sa direksyon namin. “Oh baby girl dito pala kayo,tapos na ba ng klase niyo?” Tanung niya sa amin. “Hmmm oo isa lang naman ang subject namin at nagmimiryenda lang kami. After nito pauwi na din kami.” Sagot ko sa kanya. “Kaw Eric uuwi ka na din ba diretso after niyo kumain?” Tanung naman ng mahaderang Erica kay Eric. Aking pinagkunutan ng noo na para bang magkilala sila. “Oo ate sasabay na ako kina Adeline paguwi at pinauuwi ako ni Mommy agad.” Sagot ni Eric kay dito “Ate! Magkapatid kayo ni Erica?" Tanung niya kay Eric. “Yes babe 2 lang kami magkapatid. Hmmm Ate si Adeline classmate ko and babe si Ate Erica." Pagpapakilala niya sa amin. Gulat ang reaksyon ko nung nalaman ko na magkapatid sila ni Eric. Kaya pala kahit anu gawin nito hindi ko siya nagugustuhan dahil kapatid niya pala ang mahaderang si Erica. “Babe? May bf ka na pala baby girl. Alam na ba yan ni Alex?” Seryosong tanung nito sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng malamig na pakiramdam dahil sa kaseryosohan na pinakita ni Adrian sa kanya. “Hindi noh! hindi ko bf yan. Kaw Eric umayos ka sinasabi ko saiyo.” Mariing tanggi ko sa tanung ni Adrian. “I see bagay naman sila diba babe at magkasing edad. Hindi na rin naman lugi si Adeline kay Eric at popular siya sa kanilang University.” Pangaasar na sabi ni |Erica habang nakatingin sa kanya. Babarahin ko na asana si Erica ng bigla nagsalita si Eric. “Ate magkaibigan lang kami ni Adeline yun lang maoofer niya sa akin kaya nirerespeto ko siya. Kaya wag mo na kami imatch sa isat isa kasi parang may ibang gusto itong si |Adeline kaya basted ako sa kanya.” Paliwanag ni Eric sa kapatid. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Eric pero humanga ako sa kanya dahil talagang nirerespeto niya ang desiyon ko na talagang wala siya maasahan sa akin. “Ok sige maiwan na namin kayo at bibili na din kami ng pagkain.” Paalam ni Adrian. Sabay lingkis ng braso nito sa bewang ni Erica. Nagseselos ako pero wala naman ako karapatan. Matagal ko ng pinapangarap na ako ang nasa puwesto ni Erica. Bakit nga ba kasi huli ako pinanganak? Napabuntong hininga na lang ako,pero hindi ako nawawalan ng pagasa na maging asawa ko si Adrian balang araw. Hindi ko napansin na nakangisi na pala ako ng nakakaloko kaya nagulat ako nung biglang hinila ni rosie ang buhok ko. “Nangangarap lang ng gising beshy, kain na tayo akala ko ba gutom ka.” Sabi ni Rosie sa kanya. At tinuloy namin ang aming pagkain sa nasabing fastfood. Pinaguusapan din namin ay tungkol sa gagawing strategy sa napili naming respondent sa thesis buti nalang pala talaga at sumama ito. Si Eric kahit hindi namin siya kagrupo nakakapagbigay siya sa amin ng insights tungkol sa napili namin na topic. “Hi Mommy.” Bati niya sa Ina. Sabay halik sa pisngi nito. “Nagmiryenda ka na ba? Magpapahanda ako. Andyan na ang Daddy mo at may dalang pasalubong para daw sa iyo.” Balita ng kanyang Ina. Bigla akong na excite nung nalaman ko na dumating na si Daddy. 10 days wala si Daddy dahil sa business trip niya sa Singapore. Expected na niya yun na kapag out of the country ito paguwi may dala pasalubong sa kanya. Daddy’s girl kasi siya kaya sinasabi nito na ako daw ang pinakapaborito niyang anak na babae. Malamang ganun nga kasi ako lang naman ang anak niya na babae. “Daddy!” Tawag sa Ama nung nakita niya ito pababa ng hagdan. “My baby musta naman ang aking prinsesa?” Tanung sa akin ni Daddy. Habang nakayakap ako. “Ok lang po Daddy,namiss po kita.” Lambing niya dito. “Miss you too baby. Nasa kusina yung pasalubong ko sa iyo na mooncake. Alam ko paborito mo yun." Sabi ng Ama sa kanya. Nung narinig ko ang moon cake nagmamadali ang paa ko sa direksyon papunta kusina nung nasalubong ko si Kuya na may kinakain. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko na kain kain nito ang favorite moon cake niya. “Kuya bakit kinain mo agad yung moon cake? Akin yan eh.” Pagmamaktol niya sa kapatid. “Oh sa iyo ba yun? Naku baby sis naubos ko na masarap kasi. ” Painosenteng sagot nito sa kanya. Nginitian pa ito ng kapatid na pangasar. “Mommy si Kuya inubos yung moon cake ko.” Pagsusumbong ko kay Mommy na medyo napapaluha pa ako. “Naku Alexander inaasar mo na naman ang kapatid mo kaw talaga.” Saway ng kanyang Ina. “Kaw naman baby sis pikon ka agad. Puwede ba naman na ubusan kita,alam kong favorite mo ang mooncake." Sabi nito sa kanya. Sabay abot sa knya ng 3 balot ng moon cake na nagpaaliwalas ng aking mukha. “Hay kayo talagang magkapatid kahit malalaki na kayo nagaasaran pa din kayo.” Sabi ni daddy sa amin ni Kuya Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD