Isang linggo na ang nagdaan pero malinaw pa din sa alalala ni Adrian ang mga pangyayari,hindi sa hindi niya nagustuhan halik na pinagsaluhan nila ni Adeline pero pakiramdam niya nagtake advantage siya sa nararamdaman ng dalaga para sa kanya.
“Oh bro anu na para kang wala sa sarili tingnan mo ang opisina mo parang dinaanan ng kung anu ah parang hindi ikaw”bigla akong natauhan nung bigla pumasok ang kapatid ng babaeng nagpapagulo sa kanyang isip.
“Alam ko na dahil sa nagyayari sa inyo ni adeline sa bahay noh kaya ka nagkakaganyan ngayon”hindi ako nakakibo at hindi ko alam kung ano aking sasabihin at idadahilan.
“Alam mo ang nangyari, bakit hind mo kami pinigilan”nagtataka kong tanung kay Alex.
“Bro kilala ko ang kapatid ko I’m sure siya ang naginitiate”nakakalokong sagot ng kanyang kaibigan
“At Bro alam ko naman na kahit hindi mo aminin sa akin malakas ang tama mo sa kapatid ko, hanga din ako sa pagpipigil mo at talagang ginamit mo pa si Erica ha para pagtakpan ang nararamdaman mo kay Adeline”
Bigla akong nakusensya sa nagawa ko kay Erica although alam naman ni Erica kung ano talaga ang deal between us kaya nung nagaway sila ni Adeline kinausap ko si Erica at sabi ko na itigil na namin kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya matutunan na mahalin.
“Sorry Bro sinubukan ko naman pero talagang mahirap pigilan”sa wakas ay naging totoo ako sa aking kaibigan sa tunay na nararamdaman ko kay Adeline.
“Kung sa iba lang mas gusto ko na sa iyo na mapunta ang pasaway ko na kapatid pero bro may gusto sana akong hilingin sa iyo”
Bigla akong kinabahan ewan ko ba parang may sasabihin ito na hindi ko magugustuhan.
—————-
Dumating ang araw na hinihintay nila ni Rosie ang araw ng kanilang pagtatapos pero kanina pa hindi maipinta ang pagmumukha ko kasi wala pa si Adrian love of my life ko Isang linggo ko na siya hindi nakikita mula nung hinalikan ko siya nakakahiya nga talagang hindi ako nakapigil na halikan siya kaya naiintindihan ko kung bigla siya nag lie low pero hindi ko naman akalain na ganito katagal na hindi ko siya makikita,importanteng araw ko pa naman ngayon,I graduated with honor ako talagang ginalingan ko para maipagmalaki ako ng mahal ko,sa company nila ni kuya ako magaaply para lagi ko siya nakikita. Naiimagine ko palang kinikilig na ako.
“Oh baby sis bakit ka nakasimangot”bungad sa akin ni kuya alex.
“Hay naku alex alam mo kanina pa yan na nagkandahaba haba ang leeg na parang alam ko na kung sino ang hinahanap”sagot ni mom kay kuya alex
“Ah si Adrian oo nga noh wala pa pero nasabi ko naman na ngayon graduation mo baka busy lang ngaun at hahabol na lang sa bahay mamaya”paliwanag ni kuya Alex sa akin
“Mom punta muna ako kina rosie ha wait lang po”at mabilis ang hakbang ko papunta kina rosie at naabutan ko na nagpicturan sila ng ibang classmate namin.
“Rosie congratulation”tawag ko dito
“Beshy congratulation din, halika picture tayo”after namin magpicture tinanung ako ni rosie bakit kanina pa ako parang wala sa sarili.
“Hindi kasi umatattend si Adrian tapos ewan ko ba kanina pa ako kinakabahan na parang may mangyayari na hindi maganda”
“Nagu wag kang nega ha dapat masaya tayo kasi graduate na tayo malay mo pupunta yun sa bahay ninyo”
“Hi babe congratulation”biglang singit ni eric sa amin sabay yakap sa akin kaya kinurot ko ito sa kanyang tagiliran na nagpangiwi sa kanya.
“Ouch naman babe kaw talaga masungit ka pa din graduate na tayo lahat lahat, pero mamimis kita babe wala na ako makikitang maganda”nakakalokong ngiti ang binigay niya sa akin.
“Kaw talaga eric puro ka kalokohan pero congratulation ha magpakabait ka na ha”pangaasar ko dito
“Princess uwi na tayo at may mga bisita ka na din doon sa bahay”tawag sa akin ni daddy kaya nagpaalam na ako kina rosie at eric.
Talagang pinaghandaan ng magulang ko ang araw ng graduation ko kaya kahit parang may kulang inenjoy ko na lang ang party ko.Hanggang lumalalim na ang gabi at nakakalis na ang mga bisita hind padin dumarating ang taong kanina ko pa inaantay.
“Congratulation Adeline”ang tawag na nagpalingon sa akin bigla akong naexcite kasi kanina ko pa siya inaantay kaya hindi ko napigilan at napayakap sa kanya pero may iba ako naramdaman na para akong natakot at bigla siyang naging cold sa akin,
“Hmmm Adeline congratulation and I want to say sorry for what happen last time I know dapat right after what happen nagpakita ako saiyo pero naguguilty ako kasi I’m older than you pero tinolerate ko pa din ang mga pangyayari na yun”
“No Adrian alam mo naman kung bakit ko yun nagawa na mahal kita”naiiyak kong sabi kay Adrian kasi pakiramdam ko ay nagsisi siya sa mga nangyari at pakiramdam ko na parang wala lang sa kanya yung pagtatapat ko sa kanya.
“Anyway kaya nga pala ako pumunta dito ay aalis na ako pupunta ako sa Canada at kailangan ako dun for expansion ng business ko”
Pakiramdam ko parang akong binagsakan ng langit sa narinig kaya hindi ko maiwasan na tanungin sa kanya kung paano ako at nagulat ako sa kanyang reaction na parang may kasamang pangiinsulto.
“Walang tayo Adeline ikaw lang naman ang nagassume ng lahat sorry kung mali ang naging intrepret mo sa lahat ng pinakita ko saiyo,akala mo ba porket naghalikan tayo ay may magbabago at umaasa ka na matutugunan ang pagmamahal na nararamdmaan mo kung bakit pagmamahal nga yan,wag lang sa akin iikot ang mundo mo parang kapatid lang ang turing ko saiyo sana tandaan mo yan.
Iyak ako ng iyak hindi ko akalain na wala lang pala ako para sa kanya ibang Adrian ang nakatayo ngaun sa harap ko ibang iba sa lalaking ilang taon ko na minahal at nung nakita ko siya paalis bigla akong umimil sa kanyang
“Ito ang huling pagkakataon na makikita mo ang Adeline na nagmamahal sa iyo at umaasang tutugunan ang pagmamahal ng lalaking matagal na niyang mahal,Pasensya asumera ako eh oo nga pala walang tayo kaya kung magkikita man tayong muli ibang,Adeline na ang makikita at makakaharap mo”at bigla siya tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto at doon niya binuhos lahat ng sama ng loob niya sa nangyri sa araw p mismo na dapat masaya siya pero napalitan ng puro lungkot.