Chapter 1
"Haysst Yaesha naman bakit mo sinuntok yung lalaking yun napagalitan tuloy tayo." reklamo ni Shailene
"Bastos yung bunganga eh."
Wala silang karapatan para maliitin ang isang kagaya ko hindi naman sila ang nagpapakain sa akin kung maka mura wagas. Porket isang waitress lang kami iinsuktuhin nila kami aba mali yun. Ma swerte lang sila dahil ipinanganak silang mayaman.
"Muntik na tayong matangglan ng trabaho dahil sa ginawa mo." inis na sabi nito
"Anong gusto mo hayaan ko silang insultuhin tayo ganon ba?"
"Hindi naman sa ganon iniisip ko lang paano na lang kung nawalan tayo ng trabaho paano yung panilya-pamilya ko pamilya mo iniisip ko lang naman yung kapakanan mo."
Alam kong concerned lang sya pero naiinis parin ako sa lalaking yun kung makapag salita parang pag mamay ari nya yung buong mundo.
"Oo na mali na ako."
"Cge alis na ako may pupuntahan pa ako."
Haysst buhay nga naman.
"Nay mano po." salubong ko kay nanay sa sala
"Oh anak nandito kana pala halika kumain na tayo tatawagan ko lang yung mga kapatid mo."
Nagbihis muna ako bago kumain.
"Ate kong maganda." bati ng makulit naming bunso tatlong na taong gulang.
"Bakit si van tinatawag mong maganda bakit ako hindi?" nagtatampong sabi ni ate ash
"Maganda kadin naman ate pero mas maganda si ate esha kaysa syo." natatawang sabi ni rein
"Kahit kailan talaga napakakulit mo."
"Aray ate tama na masakit." naluluhang sabi nito
Tinigilan ko naman yung pagkakurot sa pisngi nya.
"Tama na yan magsikain na kayo."
Kaagad kaming naupo sa mesa naka handa na din ang pagkain pag ka upo namin.
"Kamusta pala yung trabaho mo esha?"
"Ayos naman po kagaya parin po ng dati." sagot ko kay nanay
"Ikaw reese kamusta yung pagiging nurse hindi ka ba napapagod at nalikipasan ng gutom?"
"Napapagod po pero worth it naman nay hindi din po ako nalilipasan ng gutom." nakangiting sagot ni ate
"Mabuti naman bukas aalis tayo i c-celebrate natin yung pagiging with honor ni rein."
"Talaga po nay?" tuwang tuwa na sabi ni rein
"Oo naman dahil magaling kang bata mana sa nanay at tatay."
"Syempre po mana po ako sa inyo."
"O-oo naman mana ka kay nanay."
"Ate narinig mo yun pupunta tayo sa park."
"Oo naman kasi magaling ka kaya proud sayo si ate." sabi ko saka ginulo ang buhok nya.
"Nakakapag tampo kana rein hindi mo ba mahal si ate Ash?"
"Ate mahal kita kayo nila nanay at tatay pero mas mahal ko si ate esha kaya wala kang magagawa." masungit na sabi nito
"Hindi kana love ni ate ash."
"Okay lang love naman ako ni ate esha diba ate?"
"Oo naman love na love ka ni ate." nakangiting wika ko.
Kakatapos lang ng hapunan nandito ako ngayon sa aking silid nakahiga.
"Ate pwede po ba akong makitulog?" tanong nito habang may hawak na malaking stuffed toy na stitch at maliit na stitch na kumot.
"Bakit bunso ayaw mo ba sa kwarto mo?" tanong ko ng lumapit ito.
"Natatakot rein sa madilim." nakangusong wika nya.
"Halika tabi ka kay ate."
Sa liit nya muntik na nyang hindi maakyat ang kama.
"Wow ate andami namang stitch dito.".
"Favorite kasi ni ate si stitch rein."
"Ate tulog na bawal ka puyat ganon din si rein kaya tulog na tayo."
"Ang kulit mo talaga. Ang sarap mo kurutin."
"Ouch you hurt rein face." nakanguso nitong sabi hang may nangingilid na luha sa mata nya.
"Stop na kiss na lang ni ate. Yan wala na."
"Ni galing ng kiss mo ate." tuwang-tuwa na naman ang batang makulit.
"Sleep na rein."
Nagsumiksik ito sa akin dala yung stitch nya. Hinalikan ko muna sya sa ulo bago pumikit.
"Goodnight rein."
Nagising ako dahil naramdaman ko na niyuyugyog ako. Nakakahilo.
"Ate you're finally awake." masiglang bati nito.
Muntik ko ng makalimutan na sa kwarto ko pala sya natulog.
"Good morning rein." i greet and kiss him in the cheeks.
"Good morning to ate."
"Get up at sabihin mo kay ate ash mo na paliguan kana baka ma late ka sa school mo." i told him before getting up to the bed.
"No need ate rein can take himself. Besides ate i'm not a kid anymore."
"Baby ka padin ni ate kaya kailangan mong magpaligo kay ate ash mo paano kung madulas ka?"
"You're so makulit ate i said i can take care myself." naiinis na sabi nito.
"Okay fine use the bathroom inside ate ash room because yiu cannot take a bath here dahil maliligo din si ate."
"Yes ate but don't forget my pasalubong when you come home." tuwang-tuwa na sabi nito.
"Opo kaya maligo kana baka malate kapa."
Ganito ang gusto kong buhay payapa, tahimik at simple kahit mahirap lang kami. Ayoko ng magulong buhay kaya mas pinili kong maging waitress kaysa maging isang modelo. Maraming offer na ang tinangihan ko bukod sa ayoko ng atensyon ay ayoko rin maging isang normal na tao lamang. Maraming nagkakandarapa na kunin ako bilang isang modelo dahil maganda daw ako at maganda din ang hubog ng katawan ko. Pero ayoko pinipilit ako nila nanay na sumali pero ilang beses na akong tumangi.
Hindi ko namamalayan na lumipas na ang kalahating oras. Kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at umalis.
"Hindi ka ba kakain anak?" tanong ni nanay
"Hindi na po saka may libre pong almusal sa pinagtatrabauhan kopo."
"Ganoon ba sige mag-iingat ka."
Totoo yun napaka bait ni Mrs. De guzman sa amin itinuturing nya kami na para bang isang pamilya.
Pagkalabas ko ay agad akong sumakay sa tricycle na nakita ko. Pagkababa ko ay naka salubong ko pa si Shailene.
"Kalola akala ko late na ako hindi pa pala." nangaasar na wika nya
"Hindi pa oras ah saktong pabukas palang ang restaurant ni madam."
"Girl payo ko lang sayo habaan mo yung pasensya mo baka mapahamak tayo nyan sa ginagawa mo."
"Oo na talagang na badtrip lang ako sa lalaking yun."
"Sinasabi ko sayo umayos ka kung hindi kukurutin ko yang singit mo."
"Ang sama mo kaibigan ba talaga kita?"
"Oo naman dapat nga magpasalamat ka dahil may kaibigan kang isang dyosa."
"Puro ka kalokohan."
"Hoy hindi kalokohan yung ganda ko. Mahirap hanapin ang ganitong mala anghel na mukha dahil ako lang ang may ganitong face." mayabang na sabi nito.
"Beks sorry pero mas maganda sayo si esha kasi tingnan mo naman yung feslak nya mukhang inosente pero may halong hotness parang pinagsama tapos tingnan mo yung katawan nya ang yummy." sabat ni chesca ang bakla nilang kaibigan.
Sa sobrang haba ng kwentuhan nila ni Shailene ay hindi nya namamalayan na nasa tapat na pala ng restaurant.
"Iba-iba ang taste ng mga lalaki duhh."
"Hmm kaya iniwan ka ng jowabells mo." asar ni chesca.
Umarte naman na parang nasasaktan si Shailene sa narinig. Ang totoo nyan ay hindi man lang umiyak ang loka noong mag hiwalay sila ng boyfriend nya ni hindi man lang sya nasaktan.
"Hindi sya kawalan sa akin at sa totoo lang may bago na akong boyfriend mas pogi at mas yummy kaysa sa ex keneme ko."
"May friend ba sya baks pakilala mo ako yung yummy at maraming abs yung gusto lalo na yung may mahahabang sandata girl." malanding sabi ni chesca.
"Oops sorry esha hindi ka relate sa ganitong usapan dahil hindi mo pa nararanasan madiligan ang sarap kaya." pangaasar ni Shailene.
"True girl sa ganda mong yan wala ka pang nagiging boyfriend o kahit fling man lang kung ako ikaw araw-araw siguro may bago akong boylet."
"Inosente kasi yan baks saka paanong walang mag tangkang manligaw sa kanya o lumapit man lang ay tinatarayan nya na be honest with me girl babae ba ang type mo kaya ayaw mo sa mga fafa?"
"H-huh h-hindi ahh ayoko lang talagang mag boyfriend."
Singungaling. Pero tama ang sinabi ni Shailene na attract ako sa mga babae.
"Tama ka siguro baks."
"Oh sya tama na tong usapan na to tapos na din naman tayong kumain at halina't mag trabaho arat na."
"Pero baks ayaw mo talaga interesado pa naman yung kaibigan ko sayo gusto daw nya ang kagaya mo ang matapang dahil sabi nya ang mga matatapang na babae ay magaling sa kama." puno ng malisyang wika nito.
Kadiri wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay saka sa asawa ko lang ibibigay ang virginity ko.