CHAPTER 39 Ship Kakatapos lang ng recess ng buong class 12-A pero si Nydia ay sinisipsip niya pa ang kanyang chuckie. Wala pa naman ang kanilang teacher kaya naman pwede pa siyang uminom. Halos late na rin kasi siyang nakakain dahil nakisuyo ang kanyang mga kaibigan sa kanya kanina. Sumunod na lang siya dahil napansin din niya na pagod na ang kanyang mga kaibigan dahil ang dami nilang club, organization o mga competition na sinalihan. Hindi na siya sumali sa mga mga club o organization o makipag-compete dahil kumpleto na rin naman sila at nahihiya siyang makihalubilo. Ayos na sa kanya na sumabit lang siya sa honor para maka-graduate siya bilang pasasalamat niya sa kanyang kapatid. “Huy!” bahagya siyang siniko ni Cassandra dahil sila ang magkatabi ay lalong nilapit ni Cassandra ang kany

