CHAPTER 39 (Part 2) Group “I’m really tired,” singhal ni Zyrene tiyaka siya padabog na umupo sa sofa. Nandito sila ngayon sa bahay nina Sacha dahil magkakagrupo sila sa isang project na kailangan nilang ipasa bago ang intramurals nila. Two weeks na lang ay intramurals na nila at two weeks na lang din ang preparation nila for the project. Hindi naman sila nagco-compete sa isa’t-isa pero dapat ay maganda ang kanila dahil ayaw nilang ma-agrabyado ng ibang section. Lahat sila ay busy dahil may kasali sa sports para i-represent ang kanilang section at ang iba naman sa kanila ay photo journ at kailangan makakuha ng tamang anggulo para sa dyaryo ng kanilang paaralan. Silang lima nina, Sacha, Cassandra, Zyrene, Christy at Hahn ang magkaka-grupo dahil random ang pagpili ng kanilang guro. Hind

