CHAPTER 29 (Part 2)
Fine
Natahimik ang grupo dahil sa sinabi ni Cassandra, para bang pinag-iisipan nilang mabuti kung ano ang magiging desisyon nila sa suggestion niya. Sa loob-loob nila ay alam nilang may benepisyo kung ano man ang suhestiyon ni Cassandra para sa kanila lalo na’t hindi naman nila pwedeng dalhin ang kanilang mga kasambahay sa eskwela at minsan ay tinatamad din silang gumalaw pero alam naman nila na hindi nila pwedeng asahan ang isa’t-isa dahil aware naman sila na spoiled brat silang lahat. Ang kaso nga lang ay hindi nila alam kung sino ang maglulunok ng pride para um-agree sa sinabi ni Cassandra, naghihintayan silang lahat kung ano man ang masasagot ng isa.
Tinitignan naman ni Cassandra ang kanyang mga kaibigan na ngayon ay kabado siya dahil baka siya na ang matanggal sa kanilang grupo dahil sa kanyang suhestiyon. Biglang natahimik ang kanyang mga kaibigan na hindi normal para sa kanya dahil kung ayaw nila ang kanyang suhestiyon ay malamang sinigawan na siya ng mga ito pero nanahimiks sila. Kung gusto naman nila ang kanyang suhestiyon ay alam niyang sasabihin ito kaagad ng kanyang mga kaibigan pero bago para sa kanya ang pananahimik ng mga kaibigan niyang babae.
“I hate to admit it but I think Cassandra has a point,” umangat ang tingin ni Cassandra nang marinig niya ang boses ni Antonniete. Nagsalubong ang kanilang mga mata kaya kaagad naman siyang inikutan ng mata ng kaibigan dahil hindi niya matanggap na ginatungan niya pa ito at baka pati siya ay awayin ng kanyang mga kaibigan.
“Yeah right,” wika ni Zyrene dahil hindi na niya kailangan pang ipagtanggol ang kanyang kaibigan sa kanyang in-aksyon dahil inaamin niyang may punto rin ang kaibigan niyang si Cassandra dahil sa sinabi nito.
“What about you, Madelyn?” pagtatanong ni Antonniete sa isa nilang kaibigan na hindi umiimik dahil pinag-iisipan niyang mabuti ang kanyang isasagot.
“What do you think our friends would say about that?” masungit na pagtatanong niya dahil kahit na gusto man niyang lunukin ang kanyang pride ay ayaw niya naman maging katawa-tawa sa kanilang mga kaibigan dahil lang sinali nila sa kanilang grupo si Nydia. Pangalan pa lang nito ay halos mandiri na siya, paano pa kaya kapag nakasama na niya?
Alam na alam nila ang mag biglang yaman lang o galing sa hirap na estudyante kaya kahit na magbihis pa siya ng mamahalin na mga damit o kaya ay halos lahat ng kanyang mga gamit ay branded, hindi pa rin nila maipagkakaila na galing siya sa isang eskwater at hindi nila lubos maisip kung paano nakapasok ang dalaga sa kanilang section.
“You can tell them that we’re just using Nydia!” agap ni Cassandra, sumingkit ang mata ni Madelyn nang tiningnan niya si Cassandra dahil sa mabilisan niyang pagsagot. Hindi niya alam kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon ng kanyang kaibigan.
“Bakit ba pinagpipilitan mo siyang isama sa grupo natin?” hindi mapigilan ni Madelyn na pagtaasan ng kilay ang kanyang kaibigan. Nakakapagtaka lang dahil gustong-gusto ni Cassandra na kausapin si Nydia at kaibiganin pa ito gayong dati ay wala naman siyang pakialam.
Natahimik si Cassandra dahil hindi niya rin alam kung ano ang isasagot niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo dahil alam niya na kapag nalaman ng mga kaibigan niya ang totoo ay mawawalan na siya ng mga kaibigan. Mawawala lahat ng pinaghirapan niyang pakikisama sa ilang taon dahil lang dito.
Napansin ni Zyrene ang pananahimik ng kanyang kaibigan, hindi niya rin maintindihan kung bakit umaakto ang kaibigan niya. Silang dalawa ang matalik na magkaibigan sa grupo at maging sa buong klase pero hindi niya mabasa ang kinikilos ng kanyang kaibigan ngayon at kung ano ang nasa isip niya at ganto ang mga desisyon niya sa buhay. Parang may hindi siya alam na dapat niyang malaman para mas lubusan niya pang makilala ang kanyang kaibigan.
Noon ay buong akala niya ay kilala na niya si Cassandra pero biglang nagbago ang ihip ng hangin ngayon dahil para bang ibang tao ang kasama nila dahil hindi na niya alam kung paano pa ipagtanggol sa kanilang mga kaibigan ang kanyang ginagawa. Lalo na’t madaling mainis si Madelyn pero ayos lang iyon sa kanila dahil nga magkakaibigan sila. Tinanggap nila iyon pero hindi niya lang matanggap ay kung bakit parang may tinatagong sikreto ngayon ang pinaka-matalik niyang kaibigan.
“Because she can be our slave and we’ll benefit from it!” agap ni Zyrene dahil mukhang natigilan na ang kanyang kaibigan. Naalala namna niya lagi na palaging si Cassandra ang sumasagip sa kanya sa kanyang mga magulang kaya ito na ang pagkakataon niya na sagipin ang dalaga.
“Madelyn, can’t you think about it clearly?” tanong ni Antonniete dahil hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pumayag ng kanyang kaibigan. Hindi naman siya ganito noon pero parang may kakaiba rin kay Madelyn kung bakit ayaw niyang tanggapin ang suhestiyon ni Cassandra gayong ayos naman ito at hindi sila mahihirapan dito sa school dahil may magiging alalay sila. “Bakit parang sobrang ayaw mo naman sa kanya?” pagtatanong ni Antonniete dahil hindi na niya mapigilan ang pagiging curiosity niya.
Napatingin sina Zyrene at si Cassandra kay Madelyn habang naghihintay sila ng sagot. Ngayon ay alam na nila kung ano ang pinupunto ni Antonniete, hindi lang kung ano ang sasabihin ng iba nilang kaibigan kapag sinali nila sa grupo si Nydia kung hindi may mas malalim pang dahilan doon ang kanilang isang kaibigan kung bakit hirap na hirap siyang sumang-ayon.
“Kung sasabihin mo dahil baka anong sabihin sa atin ng mga iba natin kaibigan ay wala silang sasabihin, bakit? Dahil sasabihin natin sa kanila ang rason at alam kong magugustuhan din nila iyon lalo na’t nakakatamad minsan pumunta sa cafeteria para lang bumili ng isag pirasong pagkain.” Pagpapaliwanag ni Antonniete. “Malaking benepisyo ang makukuha natin kapag inuuto-uto natin ang babaeng iyon.” Pilit na pagpapaintindi niya pa sa kaibigan niya na mukhang sarado ang kanyang pag-iisip.
Alam nilang masyadong childish ang kanilang ginagawa pero alam nila na magbebenepisyo sa kanila at may magandang maidudulot sa kanila kaya ayos lang naman.
“At isa pa, hindi ba masayang utu-utuin ang isang tao?” pagtatanong ni Antonniette tiyaka siya ngumiti. “Paniguradong masisiyahan ang ating mga kaibigan dahil don.”
“Kung ayaw mo, kami na lang.” dagdag pa ng dalaga dahil excited siyang utus-utusin si Nydia.
“Ok, fine!” pagsuko ni Madelyn dahil wala na siyang magagawa sa sinabi ng kanyang kaibigan. Para bang pinagkakaisahan na siya kaya naman sumuko na lang siya. “Whatever!” sambit pa niya tiyaka na siya nagpatuloy na maglakad.
“Cool, let us see what Nydia has,”