Chapter 29: Suggest (Part 1)

1107 Words
CHAPTER 29 (Part 1) Suggest Para bang natauhan bigla si Cassandra nang maramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Zyrene maging ang marahas na paghatak nito palayo kay Nydia. Napakagat si Cassandra sa kanyang labi dahil alam niyang pagtatawanan siya o 'di kaya ay magagalit sa kanya ang iba niyang kaibigan. Hindi niya lang kasi maiwasan na maawa kay Nydia, dahil alam niya na kung sakali man na hindi siya nagpakilala sa kanyang mga kaklase kagaya na lamang ng pagpapakilala niya ngayon sa kanila ay magiging katulad siya ni Nydia. Magiging katulad niya na walang kausap, walang kasama, at walang kaibigan. Hindi niya ma-imagine na siya ang nasa kalagayan ng kanyang kaklase. Bigla naman nawala ang papausbong na ngiti ni Nydia. Kung gaano kabilis na kinausap siya bigla ni Cassandra sa hindi niya inaasahan ay ganon naman kabilis binawi ang kasiyahan sa kanyang puso ng sumulpot si Zyrene sa tabi ng kaibigan niha tiyaka niya ito hinatak paalis sa kanya. Para bang may nakakahawa siyang sakit na hindi nila pwedeng lapitan. Hindi niya maiwasan na malukot ang papausbong niyang ngiti kanina habang pinagmamasdan niya ang likod nina Cassandra at Zyrene papalayo sa kanya at papunta sa mga kaibigan nito. Hindi niya maiwasan na itanong sa kanyang sarili kung ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng kaibigan? Ano kaya ang pakiramdam na may makausap tungkol sa nangyari sa araw mo? Ano kaya ang pakiramdam na mayroong nag-alala sayo? Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng isa pang kapatid mula sa ibang mga magulang? Ano kaya ang pakiramdam na mabigyan ng regalo ng isang kaibigan? Iyong kahit na hindi mamahalin pero noong nakita niya ang bagay na 'yon ay kaagad ka niyang naalala? Ano kayang pakiramdam na magkaroon ng isang tunay at tapat na kaibigan? Halos nineteen years na siyang nabubuhay sa mundo ay hindi niya pa rin nabibigyan kasagutan ang mga tanong niya sa kanyang isip sa t'wing may nakikita siyang dalawang magkaibigan o 'di kaya ay isang grupo ng magkakaibigan. Hindi niya pa naranasan ang ganong pakiramdam, ang halos maiyak na sa kakatawa at hindi na makahinga habang kausap mo sila. Muli na lang niyang binaba ang kanyang tingin sa kanyang lunch box na may laman ulit na sandwich, paborito niya kasi 'yon kaya t'wing recess ay ito na ang palagi niyang kakainin. Alam naman niya na may allowance na binibigay ang kanyang ate ang kaso nga lang ay gusto niyang magtipid pa rin lalo na't nakakahiya sa mga foster parents ng kanyang kapatid. Ayaw niya naman na maging pabigat sila ng kanyang lola. Habang nginunguya niya ang kanyang tinapay ay ginala niya ang paningin niya sa kanilang classroom, katulad ng recess kahapon ay wala ang lahat ng kanyang mga kaklase. Walang tao sa room liban sa kanya. Wala ring iniwan na gamit sa kanilang armchair. Tahimik na lang niyang kinakain ang kanyang tinapay pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang hoodie sa loob ng kanyang bag dahil nakaramdam siya ng lamig. Siya lang mag-isa pero apat na aircon ang nakasindi. Ayaw naman niyang makialam sa mga gamit dahil baka magalit pa lalo sa kanya ang mga kaklase niya o 'di kaya naman ay masira niya pa ito at magbabayad pa siya ng mahal na halaga. “Are you nuts?!” agad na pagtatanong ni Antonniete sa kanyang kaibigan na i Cassandra habang pababa sila sa kanilang building. Hindi kumibo si Cassabdra dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niyang paliwanag pwera sa naawa siya dahil baka siya na ang kawawain ng kanyang mga kaibigan. “Why did you come near to her? Malay mo, may virus pala siya!” maarteng sambit ni Madelyn pagkatapos ay kinuha niya ang ang alcohol sa kanyang bag at in-spray-an si Cassandra, wala naman nagawa si Cassandra kung hindi hayaan na lang ang kaibigan. In-spray niya rin ito sa hangin dahil baka may natira pa na virus o 'di kaya ay bacteria. “What's with you, Cassandra?” mahinahon n pagtatanong ni Zyrene sa kanyang kaibigan tiyaka lang natauhan si Cassandra lalo na't nasa loob na pala sila ng canteen. “Don't tell us, you want to be friends with that girl?” tanong ni Antonniete na tila hindi makapaniwala. Kahit na sinasabi niya pa lang 'yon ay hindi na niya kayang i-entertain pa ang ideya na 'yon. “If you want to be friends with her, then be it!” sambit ni Madelyn na para bang hinahamon pa niya ang kanyang kaibigan. “But do not include her to our group and I can't stand near with you,” dagdag ni Madelyn dahil hindi niya ata kaya ng sikmura niyang maging kaibigan ang babaeng iyon. Ayaw nila itong maging kaibigan dahil nila na nasasapawan. At para mapanatili siya sa huling rank ay huwag nila itong kaibiganin dahil panigurado sila na makakaapekto ang kanilang presensya sa babaeng 'yon. Pare-pareho nilang ayaw mapahiya na baka tumaas ang rank bigla ng babaeng 'yon at siya ang maging usap-usapan sa campus. “Hindi naman!” agap ni Zyrene. Para na kasi talagang kapatid ang turingan nilang dalawa ni Cassandra. Lagi kasing dumadalaw si Cassandra sa bahay nila kaya naman malapit na talaga sila sa isa't-isa. Kahit pa na hindi pa nakakabisita kina Cassandra si Zyrene dahil alam ni Zyrene na hindi komportable ang lola ni Cassandra sa ibang tao kaya ni respeto na lang din niya 'yon. “Hindi naman siguro pumasok sa utak ni Cassandra 'yon!” natatawang pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan habang kumuha sila ng plato at nang sa gayon ay makakuha na sila ng kanilang kakainin ngayong recess. “Really?” tanong ni Antonniete na tila inaasar pa si Zyrene sa tono ng kanyang pananalita. “What was that?” pagtatanong pa niya tungkol sa ginawa ni Cassandra kanina. “Right!” sambit ni Madelyn na tila ba may naalala kaya napahinto sila ng sabay-sabay. Napakagat sa labi si Zyrene dahil kanina pa tahimik si Cassandra, kinakabahan siya na baka magkaroon sila ng misunderstanding. Simula pa naman noong grade seven sila ay silang apat na ang magkakasama, nasanay na rin sila sa presensya ng isa't-isa. “I just think of something,” napahinto silang lahat nang sa wakas ay nagsalita na si Cassandra. “What if we let her join our group?” pagtatanong ni Caasandra habang tulala. “Cass!” pagtawag sa kanya ni Zyrene dahil nagulat siya sa sinabi ng kaibigan niya. Gusto nuyang mahimasmasan 'to at magising. “Seriously?!” hindi makapaniwalang tanong naman ni Antonniete, mukhang nahihibang ang kanyang kaibigan dahil sa sinabi nito. “No way!” mariin na pagtanggi ni Madelyn. “I'm just suggesting that she could be our slave?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD