CHAPTER 27 (Part 2)
Talk
Nang makauwi si Nylia ay sinalubong siya ng yakap ng kanyang lola at maging ang kanyang kapatid. At habang nasa hapag sila at kumakain ay napapansin na niya na parang may mali sa kinikilos ng kanyang kapatid… parang alam na niya na nagsisinungaling lang ito para sa kanyang lola. Kaya nakitawa tiyaka na lang siya nakinig sa kanyang kapatid. Sinuportahan tiyaka na lang siya naniwala sa sinasabi nito kahit na alam niyang hindi totoo. Pareho silang nagpapakita ng ngiti ng kanyang kapatid, ang kaso nga lang ay pareho din ang kanilang nararamdaman. Hindi niya maiwasan na maawa sa kanyang kapatid dahil sa pagtrato sa kanya ng kanyang mga kaklase.
Nauna kasi siya ng isang batch sa kanyang kapatid at nasa first year college na siya ngayon. Class A din siya noon sa batch nila pero napansin na niya na masyadong mapagmalaki at mataas ang tingin ng susunod na Class A sa kanila sa kanilang sarili. Ang buong akala niya naman ay tatanggapin parin siya kahit papaano ng mga 'yon kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ipasok sa naging eskwelahan niya ang kanyang kapatid. Habang kumakain sila ay halos hindi niya malunok ang kinakain niya dahil nagsisisi siya sa biglaang pagpasok niya ng kanyang kapatid.
Hanggang sa nag-shower siya ay bumabagabag 'yon sa kanya. Lalo na't hindi man lang sinabi ng kanyang kapatid ang totoo habang paakyat silang dalawa sa hagdan. Alam niya na ayaw lang ng kapatid niyang mag-alala sila pero hindi niya maiwasan lalo na't gumagawa na ng kwento ang kanyang kapatid. Marahil hindi iyon napansin ng kanilang lola pero siya ay ramdam niya at pansin niya na nahihirapan magkwento si Nydia dahil hindi siya sanay na magsinungaling. Ayaw niya lang din masira ang ngiti ng kanyang lola kaya hindi na lang niya kinumpronta ang kanyang kaibigan kanina.
Kaagad siyang nagbihis tiyaka niya kinuha ang sky blue niya na towel para puntahan ang kanyang kapatid sa kanyang kwarto. Gusto niya na mapag-usapan nila kaagad para hindi na mahirapan ang kapatid niyang magpanggap sa kanyang harapan. Gusto na niyang mapag-usapan nila para kapag gusto ng lumipat ng kanyang kapatid ng paaralan ay matulungan niya itong mag-asikaso. Hindi na niya ito pipilitin sa hindi niya gusto.
Hindi na siya kumatok man lang dahil gusto na niya talagang makausap si Nydia kaya nakalimutan na niya ang simpleng pagkatok. Nang mabuksan na niya ang pintuan ay nakita niya ang kanyang inosenteng kapatid na nakaupo sa kanyang study chair. Bakas ang gulat sa mga mata nito dahil sa biglaan niyang pagpasok. Hindi nakawala sa kanyang paningin ang maingat na pagsara ng kanyang kapatid sa hawak niyang notebook at maging sa laptop nito. Doon pa lang sa ginawa na 'yon ni Nydia ay alam niyang ayaw ipakita ng kanyang kapatid kung ano man ang ginagawa niya na sadya niyang pinagtaka dahil para bang may tinatago sa kanya ang kanyang kapatid na hindi naman dating ginagawa ni Nydia 'yon. Kahit na kamakailan lang sila muling nagkasama ay nakilala na nila kahit papaano ang isa't-isa.
Nang maupo siya sa dulo ng kama ni Nydia ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nang maupo si Nydia sa kanyang tabi habang nag-aalala siyang nagtatanong kung ano ang nangyari sa araw niya at kung may problema ba siya dahil sa inakto niya ay mabilis niyang niyakap ang kanyang kapatid tiyaka niya hinaplos-haplos ang ulo nito.
“Pa-paano mo nalaman?” nauutal na tanong ni Nydia sa kanyang kapatid. Bakas ang gulat at pagtataka sa kanya dahil hindi niya inasahan na napansin 'yon ng kanyang kapatid. Ang buong akala niya ay napaniwala niya rin si Nylia dahil tumatawa at nagtatanong siya kanina sa hapag. Bakas pa nga ang kasiyahan sa mukha nito habang nagkukwentuhan sila sa hapag kaya hindi niya maintindihan ngayon kung paano nalaman ng ate niya na hindi totoo ang kinukwento niya kanina.
“Bakit naman hindi?” tipid na ngiti ang iginawad sa kanya ni Nylia. “Kapatid kaya kita.” Nakangiting saad pa nito sa kay Nydia.
“Ano nagong trato nila sa'yo? Hmmm?” pagtatanong muli ni Nylia sa kanyang kapatid. Umiwas ng tingin si Nydia dahil hindi niya alam kung dapat ba nilang pag-usapan dalawang magkapatid kung ano talaga ang nangyari sa araw niya.
“Wala naman ate,” agad na sambit ni Nydia dahil alam niya na hindi pa naman iyon ang magiging trato ng kanyang mga kaklase sa buong school year. Alam niya na kahit isa man lang sa kanila ay may makausap at makasama siya.
“Come on, you don't need to lie to me,” wika ng kanyang ate. Halata sa boses nito na nagmamakaawa siya para sabihin ni Nydia kung ano man ang totoong nangyari ngayong araw.
“Wala lang akong nakausap masyado pero meron naman,” sambit ni Nydia para maibsan na ang pag-alala ng kanyang ate sa kanya. Umiling si Nylia para ipahiwatig sa kanyang kapatid na hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
“Sabihin mo na kung ano ang ginawa nila sa'yo,” pamimilit ni Nylia tiyaka niya hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid at marahan niya 'tong hinaplos-haplos. “Kakampi mo ako, 'diba?” pagpapaalala niya dahil alam nilang dalawa na sa pagtatapos ng araw ay silang dalawa lang ang magkadugo—silang dalawa lang ang magkakampi.
“Oo naman, ate!” masiglang sabi ni Nydia, hindi naman niya makakalimutan 'yon. Na kakampi nila ang isa't-isa, ano man ang mangyari. Mas matapang si Nylia keysa kay Nydia pero kayang maging matapang ni Nydia kapag mayroong nanakit sa kanyang kapatid. Dahil sa taon nilang nagkahiwalay ay nangulila sila sa isa't-isa at ang taon na hindi nila pagsasama ang lalong nagpatibay ng kanilang samahan dahil sinisigurado nila na hindi na sila muling magkahiwalay.
“'yung totoo? Ano ang nangyari ngayong araw?” pag-uulit na tanong ni Nylia dahil kahit na alam niyang hindi maging maganda ang araw na ito sa kanyang kapatid ay gusto niya pa rin malaman ang detalyadong pangyayari ngayong araw nang sa gayon ay makaisip siya ng maari niyang maitulong sa kapatid.
“Syempre ate! First day pa lang naman ngayon no! Normal lang naman na wala akong masyadong kausap sa first day lalo na't transferee ako tapos block section sila,” paliwanag ni Nydia habang nakangiti para bang hindi niya masyadong iniinda na ganon ang naging pagsalubong sa kanya ng kanyang mga kaklase. “Pare-pareho lang siguro kaming nanibago sa isa't-isa,” sambit pa niya para ipagtanggol ang sarili at ang kanyang mga kaklase dahil unang araw pa lang naman ngayon, maraming araw pa silang magkakasama at hanggang marami pa ang mga araw na 'yon ay hindi siya dapat mawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang kanilang pakikitungo.
“Sabihin mo, hindi ka lang talaga nila pinapansin! Nako, alam ko naman na ganyan talaga ang nga estudyante na 'yan! Masyadong mataas ang tingin sa kanilang mga sarili! Akala ko kung sino na sila na mayroon ipagmamalaki pero wala pa naman silang ipinagmamalaki!” sunod-sunod na ranta ni Nylia sa kanyang kapatid. Bahagya lang natawa si Nydia dahil mas galit na galit pa ang kanyang ate keysa sa kanya. Hindi pa niya alam ang buong istorya pero ganito na kagigil ang kanyang kapatid, paano pa kaya kapag nalaman na niya kung ano ang nangyari?
“Syempre ate nag-adjust pa kami. Pero ako naman dapat ang mag-adjust sa kanilang lahat dahil ako lang ang bago diba?” pagpapaliwanag pa ni Nydia nang sa gayon ay maintindihan na lubos ni Nylia ang gusto niyang ipahiwatig pero natawa na lang siya ng umiling muli ang kanyang kapatid.
“Bakit ikaw lang? Dapat sil rin! Nako, kapag iyan talagang mga mayayabang na malalaki ang ulo na akala mo kung sino ay hindi naging successful sa buhay? Ako ang unang-unang tatawa sa kamalasan nila! Deserve nila iyon dahil masyado ng mataas ang tingin nila sa kanilang sarili na hindi na nilang kaya man lang iapak ang kanilang mga paa sa lupa!” sunod-sunod pa rin na ranta ng kanyang ate. “Noong kami pa ang Class A ay hindi man lang nila kami nirerespeto bilang nakakatanda sa kanila, oo na at magagaling silang lahat pero alam ko naman na hindi sila lahat ganon katalino! Nagrereview lang sila na halos patayin na nila ang sarili nila sa kaka-review para lang pumasa at mataas ang grades! Samantala sa batch namin ay hindi na gaanong ganon nagrereview pero nakukuha pa rin ang mga matataas na grades! Sila mga trying hard!” galit na galit na sambit ni Nylia.
“Easy-han mo lang ate! Baka naman bukas ay maganda na ang pakikitungo nila sa akin, 'diba?” paliwanag ni Nydia sa kanyang kapatid dahil mukhang hindi niya talaga gusto ang kanyang mga kaklase.
“Ikaw naman kasi, masyado mong ginalingan sa entrance exam kahit aana sa Class B ka na lang napunta! At least, ang mga batang 'yon, kahit na matatalino at may maibubuga katulad ng Class A ay alam pa rin nilang ituntong ang kanilang mga paa sa lupa!” Natawa muli si Nydia dahil sinisi pa talaga siya ng kanyang ate.
“Ayaw mo bang lumipat ng school?” pagtatanong ni Nylia. Alam niya ang patakaran ng school na kahit anong gawin nila ay hindi malilipat sa kabilang section ang kanyang kapatid. Kaya naman paglipat ng school lang ang alam niyang paraan.
Sandaling natigilan si Nydia dahil alam niya sa sarili niya na mas gugustuhin niya na lamang lumipat sa ibang school dahil alam niya na mas mayroon pang pag-asa ang ibang mga estudyante keysa sa mga kaklase niya ngayon. Na hindi na siya mahihirapan pang i-memorize o kabisaduhin ng kanilang mga gusto o kanilang mga hilig at pinapanood para lamang makalapit sa kanila.
Pero bigla niyang naisip ang perang binayad ng mga umampon sa kanyang ate. Alam niyang binayaran na nila ng buo ang kanyang tuition fee na kaymahal kaya bigla siyang nag hinayang doon, alam niyang hindi ire-refund ng paaralan ang kanilang ibinayad kaya pwede naman niya sigurong pagtiisan ng isang taon lang. Isang taon lang naman, sa totoo nga hindi man aabot ng isang taon kung hindi sampung buwan lang naman.
“Hindi na ate, magiging maayos din naman ang pakikitungo ko sa kanila,” ngumiti si Nydia dahil ayaw ma niyang sabihin pa sa kanyang kapatid ang tungkol sa perang ibinayad dahil alam niya na kukumbinsihin lang siya ng kanyang kapatid na huwag ng alalahanin ang perang ibinayad at kung saan siya mas komportable at masaya ay doon na lamang siya.
“Sigurado ka ba? Kasi kahit bukas na bukas makakalipat ka na ng school,” umiling si Nydia dahil nanghihinayang talaga siya sa pera. Unang araw pa lang naman, ika nga nila don't judge the book by its cover.
Napasinghap si Nylia dahil mukhang wala na siyang magagawa para kumbinsihin ang kanyang kapatid sa paglipat ng paaralan. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Nydia tiyaka siya ngumiti.
“Kung saan ang gusto mo,” sambit nito bago siya magpaalam at pumunta na sa kanyang kwarto dahil napagod din siya sa unang araw niya bilang isang kolehiyo. Pero bago pa siya makalabas ng tuluyan sa kwarto ni Nydia ay may biglang naalala si Nydia na sasabihin niya sa kanya.
“Huwag mo na lang din sabihin sa kanya, ate.” pakiusap nito. Natigilan si Nylia noong una dahil hindi niya maintindihan kung ano man ang gustong ipahiwatig ng kanyang kapatid pero paglipas ng isang minuto ay naintindihan na niya kaya ngumiti siya at biglang tumango.
“Makakaasa ka,” nakangiting wika ng kanyang kapatid dahil naiintindihan naman niya kung bakit ayaw ni Nydia na ipagsabi dahil ayaw niyang mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kanya at ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Kinabukasan, ay huminga muna ng malalim si Nydia bago niya binuksan ang pintuan ng sasakyan para makababa na siya at makapasok na sa eskwela. Nang makababa na siya ay yumuko na kaagad siya habang yakap-yakap niya ang kanyang mga libro dahil nahihiya siya lalo na sa mga mata na lantaran pa siyang tinitingnan at pinagbubulungan. Hindi man lang nila itinago o hininaan ang mga bulungan dahil narinig niya pa rin na siya ang pinagchichismisan dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Sacha kahapon. May iilan pa siyang narinig na pinagpipilitan niya lang ng kanyang sarili sa Class A.
Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa mga narinig. Hindi niya matanggap na tinatawag siyang desperada dahil gusto lang naman niyang makisama sa kanyang mga kaklase. Gusto lang naman niya na maganda ang pakikitungo niya para magkaroon siya ng isang tunay at tapat na kaibigan pero mukhang pagiging desperada at siniksik ang kanyang sarili ang nakikita ng ibang tao.
Hindi na lamang muna niya pinansin ang sinasabi nila at nagtuloy-tuloy siya papunta sa kanilang building at kahit na masa building na siya ay sinalubong pa rin siya ng mga tingin na tila nandidiri o 'di kaya ay hinuhusgahan siya.
Pagkapasok niya sa kanilang classroom ay hindi man lang siya pinasadahan ng tingin ng kanyang mga kaklase at patuloy lang sila sa kanilang mga ginagawa na tila hindi man siya nakitang pumasok. Halos dumugo na ang kanyang labi dahil sa kanyang kakakagat pero wala siyang magawa kung hindi pumunta sa kanyang upuan tiyaka siya naupo ng tahimik. Natatakot siyang gumawa ng ingay dahil baka mairita sa kanya ang kanyang mga kaklase at madagdagan pa ang rason kung bakit hindi nila siya kausapin.
Napatingin siya kay Aaron na mayroong headset sa kanyang tenga na walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Napanguso siya dahil hindi niya naisip iyon, dapat din niya rin sigurong dalhin ang kanyang headset pati na rin ang kanyang iPod para makapakinig na lang siya ng music lalo na't wala naman siyang nakakausap. At least, hindi siya nagmumukhang lonely kapag meron siyang pinapakinggan na kanta.
Nagsidatingan ang iba-iba niyang kaklase maging ang kanilang mga guro para magsimula na sila ng kanilang leksyon ngayong araw. Habang siya ay tahimik pa rin sa likuran at nang mag recess na ay tahimik niyang kinuha ang kanyang baon habang naririnig niyang nag kaka anyayahan kumain ang kanyang mga kaklase o kung saan sila kakain at kung ano ang pagkain na kakainin nila.
Hindi maiwasan na maawa ni Cassandra kay Nydia habang pinagmamasdan niya ito. Nakatayo lang siya dahil nag-uusap pa ang kanyang mga kaibigan kung ano ang gusto nilang kainin. Wala sa pag-iisip si Cassandra dahil sa puyat na rin siguro ay hindi na siya nakapag-isip pa ng matino tiyaka niya dahan-dahan na nilapitan su Nydia.
“What the f**k?” gulat na turan ni Zyrene dahil sa biglaan pag-alis ni Cassandra sa kanyang tabi. Natigilan sina Madelyn at Antonniete sa pag-uusap tungkol sa calories ng pagkain na maari nilang order-in mamaya tiyaka nila sinundan ng tingin si Cassandra.
“What the hell she's doing?” takang tanong ni Antonniete dahil napansin nila kung saan patungo si Cassandra. Maging ang iba nilang kaklase ay napatingin kay Cassandra.
“Is she out of her mind?” maarteng pagkakatanong ni Madelyn tiyaka siya nandiriring tumingin kay Cassandra.
“Nydia,” pagtawag ni Cassandra kay Nydia na nakayuko habang binubuksan ang kanyang pagkain. “Gusto mo bang sumama sa amin?” pagtatanong niya. Umangat ang tingin ni Nydia habang nakaawang ang kanyang labi sa pagkamangha na may halong pagkagulat. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Cassandra nang ganoon.
“H-ha?” gulat na tanong ni Nydia dahil gusto niyang suguraduhin na tama nga ang pagkakarinig niya sa kanyang kaklase na kinausap niya iti at hindi lang iyon kung hindi inaalok niya rin ito para makasama sa kanila sa pagkain!
“I said, if you like to come with us and eat-” hindi na naituloy ni Cassandra ang kanyang sasabihin dahil bigla niyang naramdaman ang mariin na pagkakahawak ng isang babae sa kanyang braso, lumupat ang tingin nila kay Zyrene na halatang inis sa ano man ang ginagawa ni Cassandra.
“What the f**k are you doing?! Let's go!”