Chapter 28: Real (part 1)

1109 Words
CHAPTER 28 (Part 1) Real Masayang nag-uusap ang dalawang mag-lola hanggang sa dumating na si Nylia—ang kapatid ni Nydia. Kaya naman lalong sumigla at umingay na kahit silang tatlong pamilya lang ay masaya na silang magkakasama. Minsan ay sa bahay na binili ng umampon kay Nylia para doon manirahan ang lola niya at kapatid siya natutulog pero madalas pa rin siya sa kanyang foster parents dahil napalapit na rin ito sa kanya. Pero ngayon ay dito muna matutulog si Nylia dahil gusto niyang makakwentuhan ang kanyang kapatid kung ano ang nangyari sa araw niya. Sabay-sabay din silang naghapunan habang kinukuwento ulit ni Nylia ang napag-usapan nila ng kanyang lola kanina. Kinuwento niya ang hindi naman totoong nangyari ngayong araw dahil ayaw niya rim mag-alala ang kanyang ate. Baka sumugod pa ito sa school kapag nagkataon kaya mas minabuti na lang niya na magsinungaling na rin. Natatawa naman si Nylia habang nagkukuwento ang kanyang kapatid, bakas kasi sa mga labi nito ang kasiyahan kahit na hindi naman iyon totoo. Nang oras na ng tulog ng kanilang lola ay magkasamang hinatid ng magkapatid ang matanda sa kanyang kwarto na nasa first floor ng bahay para hindi na rin siya mahirapan mag akyat-baba, malaki rin iyon at kasama niya ang isa nilang kasambahay para kapag may emergency ay agad niyang madadaluhan ang matanda. Nagpalagay din si Nylia ng intercom mula sa kwarto ng matanda na naka-konekta sa kwarto ni Nydia pati na rin ang CCTV nito kung sakali man na malingat sa pagkakatulog ay makita niya kung ano ang nangyayari sa matanda. Nang maihatid nila ang matanda ay sabay nila itong niyakap at hinalikan bago sila magpaalam. Nang makalabas sila ng kwarto ay nagkwentuhan pa rin sila habang paakyat sila sa hagdan, nang nasa second floor na sila ay nagpaalam si Nylia sa kanyang kapatid para makaligo na siya sa kanyang kwarto na kaagad naman tumango si Nydia. Pagkapasok ni Nydia sa kanyang kwarto ay kaagad niyang binuksan ang kanyang laptop. Kinuha niya ang notebook na pinagsulatan niya kanina kung ano ang nakakahiligan ng kanyang mga kaklase para kahit papaano kapag nag-usap sila ay may alam siya roon. Agad niyang sinearch ang mga Thai at Korean dramas na binanggit nila kanina, syempre hindi naman niya papanoorin ang lahat ng 'yon sa isang gabi lang. Ang daming episode at ang hahaba pa ng per episode. Kaya ang ginawa niya ay binasa na lang niya sa google ang summary maging ang plot at conflict nito pati na rin ang ending. Nagsulat siya dahil tine-take note niya kung ano man ang nababasa niya, nagbasa rin siya ng opinyon sa comment section para kahit papaano ay may masabi siya kapag tinanong nila kung ano ang opinyon niya tungkol sa drama. Mabuti na lang at wala silang school works dahil hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. Kinakagat-kagat niya ang dulo ng kanyang ballpen habang binabasa ang pangalawang series na narinig niya sa kanyang mga kaibigan, on-going pa pala ang series na 'to. Siguro ito ang sisimulan niya muna dahil panigurado siya na ito ang mainit na pag-uusapan ng mga kaklase niyang babae. Hindi naman siya mahihirapan na humabol sa mga librong nababasa nila dahil mahilig siyang magbasa ng libro. Sa katunayan nga, lahat ng libro na nabanggit nila ay nabasa na niya. Itong mga series na lang, mga make up, mga lipstick, lotion, at kung ano-ano pa na pang-skin care. Sabon lang kasi ang nakaugalian niya na skin-care kaya hindi siya masyadong pamilyar lalo na sa mga brand na mamahalin. Mga designer clothes, bags, and shoes. Grabe, gan'to siguro talaga kapag mayayaman. Sa susunod na araw ay anime o 'di kaya ay games naman ang kabisaduhin niya nang sa gayon ay may kausap pa rin siya kahit papaano—kahit na mga lalaki pa. Umilaw ang kanyang cellphone hudyat na may nagchat kaya napangiti siya, kinuwento niya rin ang kinuwento niya nangyari maghapon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang pintuan nang bigla itong bumukas at niluwa nito ang kanyang kapatid, kaagad na ngumiti si Nydia tiyaka niya pasimpleng sinara ang notebook niya pagkatapos ay ang kanyang laptop. Hindi 'yon nakatakas sa paningin ni Nylia at napansin niya ang ginawa ng kanyang kapatid. Ayaw kasi ni Nydia na mabasa ng kanyang kapatid kung ano man ang ginawa niya. “Bakit ate?” nakangiting tanong ni Nydia sa kanyang ate dahil sa pagpasok nito. Tahimik ang pag ngiti ni Nylia habang pinapatuyo niya sa kulay sky blue na towel ang kanyang buhok tiyaka siya lumapit kay Nydia at naupo siya sa paanan ng kama nito. Nagtataka si Nydia kung bakit ganito ang ekspresyon ng kanyang ate. Para bang malungkot siya na hindi niya alam. Bigla siyang nag-alala dahil hindi niya naitanong kanina kung kumusta ang araw ng kanyang kapatid sa halip ay ang araw niya lang ang napag-usapan nila mula kaninang dumating siya hanggang sa hapag-kainan. Baka mayroon palang problema ang kanyang kapatid pero hindi niya ito napansin. “Kumusta araw mo ate?” agad na tanong niya nang marealize niyang hindi niya pala naitanong ang kanyang ate nang ganon simula kanina. Tipid ang ngiti na iginawad sa kanya ni Nylia dahil hindi niya alam kung paano sisimulan o sasahihin sa kanyang kapatid. “May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Nydia pagkatapos ay tumayo siya sa kanyang study chair at nilapitan niya ang kanyang kapatid. Umupo siya sa tabi nito at bago pa man mahawakan ni Nydia ang kamay ng kanyang kapatid ay nagulat na lamang ito sa biglaan niyang pagyakap habang hinahapos pa ang kanyang ulo. Natigilan si Nydia, naramdaman niya ang mabibigat na paghinga ng kanyang kapatid. Hindi man siya umiiyak ay alam mo na mabigat ang dinadala nito base sa paggalaw ng kanyang dibdib. Hindi lang dahil magkalapit ang kanilang dibdib kung hindi dahil literal na iisang dugo ng dumadaloy para patibukin ang kanilang puso kaya ramdam niya kung ano man ang emosyon na nilalabas ng kanyang kapatid ngayon. “It wasn't real right?” kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Hindi niya maintindihan kung ano man ang pinapahiwatig nito. “Ha?” takang tanong ni Nydia dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid niyang babae. “What you told us…” huminga ng malalim si Nylia para kumuha ng lakas ng loob. “It wasn't real.” “What do you mean?” nagtatakang tanong ni Nydia. Mukhang alam na niya kung ano ang sinasabi ng kanyang ate pero ayaw niya lang tanggapin sa kanyang sarili o gusto niya na linawin muna ng kanyang ate kung ano ang ibig niyang sabihin. “It wasn't real since Class A didn't treat you like that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD