Chapter 27: Belong (Part 2)

1126 Words
CHAPTER 27 (Part 2) Belong Nang makababa na si Nydia sa kanilang sasakyan ay kaagad nagbago ang itsura ng kanyang mukha. Mula sa nanlalantang itsura ay napalitan ito ng masiglang mukha na para bang nagkaroon siya ng magandang araw ngayong maghapon. Pinilit din niya na umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti na hindi naman siya nabigo. Huminga siya ng malalim tiyaka niya binuksan ang kanilang bahay. Nasa sala ang kanyang lola, nakaupo ito sa kanyang upuan na binili ng kanyang ate. Habang hinihintay niyang makauwi si Nydia at ang kapatid nito ay nanood muna siya ng teleserye sa hapon sa kanilang TV para hindi siya mabagot. Nagtatahi rin siya ng kung ano-ano dahil iyon ang nakasanayan niya. Nakatalikod ito sa may pintuan kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Nydia at tutok pa rin ito sa kanyang pinapanood habang nagtatahi siya. Ang buong akala niya ay mga kasambahay lang ang pumasok dahil kanina pa naglalabas-masok ang mga kasama niya sa bahay kaya hindi na siya masyadong alerto kapag bumubukas ang pintuan. “Lola!” Sigaw ni Nydia gamit ang kanyang masigla at masayang boses. Tumakbo siya palapit sa kanyang lola habang sinisigaw niya iyon tiyaka niya ito niyakap. Napatigil sa pananahi ang matanda tiyaka siya napangiti ng malawak dahil sa presensya ng kanyang apo. “Akala ko mala-late ka ng uwi,” sambit ng kanyang lola dahil sinabi sa kanya ni Nyla kanina na normal lang na malate ng uwi si Nydia lalo na kapag nakahanap na siya ng kanyang mga kaibigan. Madalas ay kumakain muna sila sa labas bago umuwi kaya inintindi iyon ng matanda. “Nakakain ka na ba? Hindi ka ba nagugutom? Kumusta? Nagkaroon ka ba ng kaibigan? Ayos naman ba sa bago mong school? Sino-sino na ang mga naging kaibigan mo? Mababait ba sila? Sabi ni Nylia pwede raw sila pumunta rito, gusto mo ba silang imbitahin?” sunod-sunod na tanong ng kanyang lola. Nakayakap pa rin si Nydia sa kanya tiyaka siya bahagyang ngumiti dahil sa boses ng kanyang lola at sa pagkakayakap nito sa kanya. Sa wakas ay nakauwi na rin siya. “Isa-isa lang po, mahina ang kalaban!” tawa-tawang sagot ni Nydia habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa kanyang lola. Kaagad na nag-alala ang matanda dahil sa inasta ng kanyang apo, alam niya kasi na hindi siya yayakap ng ganon kahigpit at katagal kung walang bumabagabag sa kanya. Hinawakan ng matanda ang kamay ng kanyang apo tiyaka niya ito bahagyang hinaplos. Sa ganoon lang ay parang kumalma ang sistema ni Nydia at nawala ang lahat ng pagod niya sa maghapon. “May problema ba, apo?” nag-aalalang tanong ni Norma sa kanyang apo. Napangiti kaagad si Nydia sa tanong ng kanyang lola, wala pa siyang sinasabi ay ramdam na ng kanyang lola na hindi naging maganda ang araw nito. “Wala naman po, lola. Napagod lang sa biyahe,” pagsisinungaling niya. Isa sigurong dahilan ang biyahe pero mas napagod siya noong nasa loob siya ng school keysa nasa loob ng sasakyan. Humiwalay na siya sa yakap pagkatapos ay naupo siya sa sofa at binitawan na niya ang kanyang bag. “Bakit parang ang tamlay mo yata apo? May ginawa ba sayo ang mga kaklase mo? Ayaw mo ba sa school na nilipatan mo?” pagtatanong ni Norma. Hindi niya maiwasan na maawa sa kanyang apo dahil alam naman niya na noong nasa probinsya pa lamang sila ay walang kaibigan ang apo nito dahil imbis na makipagkaibigan at makipaglaro sa ibang mga bata ay mas pinili niyang magtrabaho para makatulong siya sa gastusin sa pang-araw-araw nilang pagkain. “Napagod lang po talaga ako!” pinagsila niya ang kanyang boses nang sa gayon ay huwag nang masyadong mag-alala ang kanyang lola. “Tiyaka, napagod din po ko sa school dahil ang sisigla ng mga kaklase ko,” pagsisinungaling niya pa. Alam niyang masama ang magsinungaling pero ayaw niya lang na ma-stress ang kanyang lola dito. “Talaga?” hindi naniniwala ang kanyang lola pero umayos ng upo si Nydia na para bang handa na siyang magkwento pagkatapos ay may ngiti pa ang kanyang labi kaya unti-unting ngumiti ang matanda dahil napapaniwala na siya ni Nydia. “Oo nga po! Kasi transferee lang po ako kaya sabik siguro sila sa bagong itsura,” pag kwento ni Nydia na para bang iyon ang totoong nangyari. Kanina pa niya iniisip ito sa kotse dahil ayaw niyang sisihin ng kanyang lola kung bakit wala siyang naging kaibigan. “Tapos nasa Class A pa ako! Kaya naman instant sikat ako sa university!” mukhang iyon lang ata ang totoo. Sikat sa university dahil napahiya siya kaninang sinubukan niyang magpakilala. “Hmmm?” pakikinig ng matanda dahil masaya siya sa kwento ng kanyang apo. Ang sarap pakinggan ng boses niya na masaya at sabik sa kanyang mga iku-kwento. Gusto niya na palaging ganto ang ngiti ng kanyang apo. “Tapos ang babait din po nila!” sambit pa ni Nydia. “Nagkwentuhan nga po kami tungkol sa nangyari sa amin noong bakasyon. Grabe no? Ang yayaman po pala nila. Nakapaglibot na sila sa ibang bahagi ng mundo—sa labas ng Pilipinas!” kwento niya, narinih niya lang talagang nagkukuwentuhan sina Madelyn kanina. “Hindi ka naman ba nila minaliit, apo?” medyo naalarma doon ang kanyang lola dahil hindi pa nakakapunta sa ibang bansa ang kanyang apo. Natawa si Nydia para magmukhang totoo ang kwento niya. “Ano ka ba lola? Syempre hindi no! Tiyaka isa pa po, sinabi ko na galing tayo sa Ilocos! Gusto raw po nila ang mga tanawin don at ang dagat!” OA na sambit ni Nydia pero hindi iyon napansin ng kanyang lola dahil paniwalang-paniwala ito at masayang nakikinig sa kwento ng kanyang apo. “Sige, sabihin mo at ipapasyal natin sila sa ating probinsiya kapag may oras sila,” pinanatili ni Nydia ang kanyang ngiti dahil gusto nang mawala non dahil sa sinabi ng kanyang lola. Nakokonsensya siya pero ayaw niya lang lumala ang sakit ng kanyang lola dahil na-stress siya sa kanya. “Sige ba, lola! Sigurado na matutuwa po sila kapag inanyaya ko sila!” masayang sabi pa ni Nydia kaya lalo namang natuwa ang kanyang lola. Nagkwento pa si Nydia sa nangyari sa araw niya na kahit hindi naman talaga iyon ang totoong nangyari. Mabuti na lang at pinakinggan niyang mabuti ang kanyang mga kaklase kaya may maikwento siya sa kanyang lola. Pagkatapos niyang magkwento ay punong-puno ng suhestyon ang matanda at pinipilit niyang imbitahan ang mga kaibigan ng kanyang apo. Nakikinig lamang si Nydia habang may ngiti sa kanyang labi. Siguro nga ay hindi siya kabilang sa Class A dahil sapat na na kapag kasama niya ang kanyang lola ay naiibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman. And this is home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD