Chapter 27: Exhausted (Part 1)

1018 Words
CHAPTER 27 (Part 1) Exhausted Nagsimula ng maglinis si Nydia, siya na lang mag-isa sa kanilang classroom. May janitor naman sila sa school pero tinuruan din sila ng kanilang mga teacher na magwalis kahit sa kanilang classroom lang nang sa gayon ay hindi lang sila makatulong kung hindi matuto sa gawaing bahay na kakailanganin nila para kapag dumating ang araw na kailangan na nilang umalis sa puder ng kanilang mga magulang ay may alam sila kahit papaano sa mga gawaing bahay. Pagkatapos niyang maglinis at pinatay niya ang dalawang aircon. Kinuha na niya ang kanyang bag tiyaka siya naglakad palabas ng classroom. Bago niya isarado ang pintuan ay nakatingin siya sa kabuuan ng kanilang classroom. Malinis na 'yon, tahimik dahil wala na ang mga kaklase niya para mag-ingay. Napabuntong hininga siya dahil nakikita niya ang kanyang mga kaklase na masayang kausap ang isa't-isa habang siya ay mag-isa sa likuran at walang kausap. Nanlalambot niyang sinara ang kanilang pintuan. Sinigurado niyang naka-lock iyon ng maayos bago siya bumaba, kaunti na lang din ang nag estudyante sa school dahil galos nakaalis na rin sila. Siguro ay mga estudyante na kasali sa club or organization na lang ang natira. Napadaan siya sa nga estudyanteng nagkukumpulan at hindi nga siya nagkamali dahil bumubuo na sila ng party-list para makapasa na sila ng pangalan nila. Sandali pa siyang natigilan tiyaka niya nilingon ang mga estudyante, gusto niya sanang makisali sa mga club or organization para magkaroon siya ng kaibigan ang kaso nga lang mukhang walang may gusto na isali siya sa kanilang party-list. Nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad para makaalis na sa eskwela. First day niya palang pero kakaibang pagod na ang kanyang naramdaman. Actually, wala man nga silang masyadong ginawa. Wala man silang masyadong napag-aralan dahil halos orientation pa lang sa lahat ng subject at nagbibigay lang ng syllabus o 'di kaya ay clue ang kanilang mga teacher kung ano ang dapat nilang i-expect na gawin bago matapos ang semester. Nakinig at naupo lang siya maghaon pero bakit kakaiba ang kanyang nararamdaman? Bakit para bang pagod na pagod siya? Nang makalabas na siya sa gate ay kaagad niyang nakita ang kulay itim na kotse. Iyon ang service niya, ayaw niya sana 'yon dahil masyadong magastos sa gas, siya lang naman ang hinahatid-sundo sa eskwelahan pwede naman siyang mag-commute. Sanay naman siyang nakikipag-siksikan sa jeep. Pagpasok niya ay kaagad niyang naamoy ang halimuyak na pabango ng sasakyan. Bahagya siyang napangiti dahil kahit na mas magara ang kabuhayan niya ngayon ay hindi niya pa rin maiwasan na mamiss ang kanyang mga gawain noon. Ngayon ay halimuyak ng pabango ang kanyang naamoy pero noon ay halos init araw na ang maamoy niya sa jeep at kapag gutom ka't minamalas ay may maglalabas ng burger na napakabagsik ng amoy. Na kahit hindi mo gustong tingnan kung sino ang kumakain ay mapapatigin ka. Sinandal niya ang kanyang ulo sa bintana. Malalim pa rin ang iniisip niya. Iniisip niya kung paano ba siya matatanggap ng kanyang mga kaklase lalo na't kailangan niya talaga para sa kanyang grades. Baka kapag groupings ay walang pumili sa kanya. Alam niyang kaya niya namang gawin ang proyekto ng mag-isa mismo pero kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag may kasama. “Dami ba kayong ginawa sa school?” pagtatanong ng kanilang driver sa kanya. Aksidente niya kasing nakita ito sa rear mirror kaya natanong niya ang dalaga. Isa pa, kailangan niyang i-report sa kanyang amo—ang ate ni Nydia kung anong nangyari sa kanyang kapatid. “Ah, oo,” sandaling napakamot sa ulo si Nydia dahil sa kauna-unahang pagkakaon ay nagsinungaling siya para hindi na humaba ang usapan. “Masasanay din po kayo,” ngiti ng driver nang sa gayon ay hindi niya makita ang kanyang amo na dinaig pa ang lantang gulay. Mukhang itong stress na stress kung ano man ang nangyari sa araw na ito. Ngumiti si Nydia tiyaka siya nagpasalamat sa kanilang driver. Kahit na hindi niya gusto kung ano ang sinabi niya. Sanayin? Kailangan na nga ba niyang sanayin ang sarili niya na katulad kanina ay walang sino man ang makikipag-usap sa kanya? Hindi niya ata kaya 'yon, sampung buwan pa silang magsasama kaya hindi pwedeng ganon ang set-up. Kinuha niya ang bag mula sa kanyang likuran tiyaka niya tiningnan kung ano ang nakasulat sa kanyang likod ng notebook. Binasa niya kaagad kung ano ang magpapaka-interest sa kanila at baka ito pa ang maging dahilan para maging kaibigan na sila sa wakas. In-organize niya rin iyon sa mga interested at not interested para sa kaya. Nang sa gayon ay maumpishan na niyang manood sa youtube ng tutorial o kaya ay isearch ang kanilang mga classmate. Desidido talaga siyang makuha ang loob nila. Gusto ko na mapabilang sa kanila. Gusto ko na sa susunod ay kasama na ako sa grupo nila. Gusto ko na 'di na ganito ngayon pa lamang nang sa gayon ay 'di magiging katulad ng first day of school ang kanyang last day o 'di kaya ay graduation. Gusto niyang maranasan na tumawa ng malakas dahil sa joke ng kaklase. Gustong-gusto niyang mapabilang sa kanila. Kaya naman gumawa siya ng schedule bago siya matulog, mag research, manood, o 'di kaya ay pakinggan niya ang mga bagay na nag papa interesado sa kanyang mga kaklase. Alan niyang nagmumukha na siyang desperada para lamang sa kanyang mga kaklase pero gusto lang naman niyang mabilang sa kanilang section dahil nakakahiya hindi lang sa kanyang sarili, kung hindi pati na rin ang mga guro sa mga estduyante pero mas okay na 'yon kaysa paulit-ulit niyang naririnig na feelingera siya mula sa ibang estudyante. Gusto niya rin 'yong respeto na nakukuha ng Class A. Kaya naman pilit niyang pinipigilan ang antok dahil mas kailangan niyang pag-isipan mabuti ang mga bagay na nagpa-interesado sa kanyang mga kaklase. Pero sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay unti-unti ng bumaba ang mga talukap niya sa mata hudyat na nakatulog na siya. How frustrating it is to please every man and woman inside their classroom. It is so tiring to approach them. She's tired thinking about her next plan to become officially one of them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD