CHAPTER 26
Outcast
Nang pumasok na ang susunod nilang guro ay doon pa lang nakahinga ng maluwag dahil sabay-sabay silang bumati sa kanilang guro at natapos na kung ano man ang kanilang pinag-uusapan at ginagawa ay bigla silang umayos ng pagkakaupo. Para bang doon sa eksena na ‘yon, sa sabay-sabay silang bumati ay naramdaman ni Nydia na kahit papaano ay kabilang siya sa kanila.
Nakinig siyang mabuti sa kanilang mga syllabus at iilang gamit na kailangan. Nasabi na rin sa kanila ang project na gagawin nila sa finals para makapag handa sila kahit papaano kung sino ang gusto nilang maging ka-grupo. Hindi na kasi sila ginu-grupo dahil alam naman ng mga guro na kaya na iyon ng Section A at kung saan kumportable ang mga estudyante. Bumagsak ang balikat ni Nydia dahil ba parang sinampal siya ng katotohanan na hindi siya pa rin siya parte sa kanila.
Pero ‘di bale na, unang araw pa lamang. Siya na ang dapat mag-adjust sa kanyang mga kaklase dahil siya lang naman ang transferee. Hindi naman pwede na sila ang mag-adjust sa kanya, malabong mangyari iyon lalo na’t mukhang nakapag-adjust na silang lahat sa ugali ng isa’t-isa. Sabagay, halos anim na taon na rin silang nag sasama kaya kakilala na nila panigurado ang isa’t-sa at may problema na sigurado silang hinarap na magkakasama.
Tumitig siya sa kanyang notebook na pinagsulatan niya kanina habang wala silang teacher, siguro ay kailangan niyang maging interesado roon o ‘di kaya ay magkaroon siya ng impormasyon tungkol doon para makausap niya ang kanyang mga kaklase—para makasali siya kung ano man ang pinag-uusapan nila. Kahit sa isang grupo lang siya mapasama kapag may pinag-uusapan ay ayos na sa kanya iyon.
Nang mag-recess ay napatingin siya sa kanyang mga kaklase na may kanya-kanyang kaibigan at mukhang sama-sama silang pupunta sa canteen, napabuntong hininga siya tiyaka niya kinuha ang kanyang baon sa loob ng kanyang bag. May sandwich kasi siyang ginawa kanina para makain niya ngayon, mabuti na lang at nagbaon siya kung hindi ay kawawa siya sa canteena t mag-isa.
Napatingin siya sa buong classroom na biglang natahimik, tanging ingay lang na nanggagaling sa aircon at sa labas ang kanyang naririnig. Wala man din bag na naiwan sa loob ng kanilang classroom kaya nagkibit-balikat na lang siya at tiyaka siya kumagat sa kanyang sandwich.
“Do you like the tranferee?” pagtatanong ni Antonniete sa kanyang mga kaibigan habang sabay-sabay silang pababa sa hagdan. Katulad ng inaasahan ay halos nakatingin sa kanila ang mga estudyante na para bang isa silang Diyos na palagi nilang tinitingalaan.
“Who would like her?” masungit na tanong ni Madelyn. Siguro ay nahawa siya kay Sacha na ayaw niya ang vibes ng bagong transferee.
“Sabagay,” sagot ni Antonniete dahil maging siya ay nakakaramdam ng inis. Ang gusto kasi niya ay sila lang ang pinag-uusapan sa campus pero dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang napunta sa section nila at isa pang transferee kaya naman usap-usapan talaga ang babae.
Ang iba ay naiinggit sa kanya dahil halos lahat ng estudyante na nag-aaral sa kanilang eskwelahan ay pinapangarap na makapasok sa section nila na kahit magdamag silang nag-aaral ay hindi problema sa kanila. Na halos pumasok na sila sa school na kulay itim ang nasa ilalim ng kanilang mata dahil wala silang tulog ay hindi nila pinapansin iyon dahil ang gusto lang naman nila ay makapasok sa Class A. Ang kaso nga lang ay hindi sila napagbibigyan ng pagkakataon dahil kahit na anong pagpupursigi ang kanilang gagawin ay kulang pa rin ‘yon lalo na’t ang tataas ng grades ng Class A na halos ang General Weighted Average nila ay napapaanot na sa one hundred. Point nga lang halos sila nagkakatalo.
“Medyo kawawa rin siya dahil wala siyang kausap,” biglang sabi ni Joanne kaya masama siyang tiningnan ng dalawa. Tinaasan naman sila ng kilay ni Joanne tiyaka huminga ng malalim para magpaliwanag. “How about you put your shoe on hers? Hindi ba mahirap?” pagtatanong niya sa kanyang mga kaibigan.
“Even so! We’re not her,” umikot ang mata ni Madelyn nang sinagot niya ‘yon.
Nang makapasok sila sa canteen ay kaagad na silang nag-order ng pagkain pagkatapos ay pumunta na sila sa kanilang mesa. Pinagdikit-dikit nila iyon kaya para bang isang malaking lamesa iyon.
“Hindi niyo dapat siya inaaway,” sambit ni Michael kay Sacha kaya umikot muli ang mata ni Sacha. Napag-usapan na naman kasi nila si Nydia at naiwan siya sa classroom pagkatapos ay ganito ang biglang sinabat ni Michael sa kanila.
“Bakit? Inaway ba namin? Hindi naman ah! Kung makapag-bintang ka naman para bang binubully namin siya!” pagtatanggol ni Sacha sa kanilang mga sarili. Ayaw niya rin paulit-ulit na marinig ang pangaral ni Michael tungkol sa transferee dahil hindi siya interesadong pakinggan ‘yon. Para bang ginu-guilty trip siya na para bang napakasama niyang tao at hindi niya nagugustuhan iyon.
“You should guys talk to her,” suhestiyon ni Michael tiyaka niya pinagpatuloy ang pagkain ng kanyang carbonara. Pabagsak na binaba ni Sacha ang kanyang kubyertos dahil hindi na niya gusto ang pakikitungo sa kanya ni Michael ngayon.
“Sach,” pagtawag sa kanya ni Sheena sa kanyang tabi dahil alam niya kung gaano kaikli ang pasensya ng kanyang pinsan. Ayaw din ni Sacha na tawagin siyang ate ni Sheena sa school kaya hindi niya iyon ginawa. Sa ganoong galaw ng kanyang pinsan ay alam na niyang naubos ang pasenya niya kay Michael.
“You know what, Michael? You’re getting into my nerves! What’s your problem ba?” biglang natahimik ang buong lamesa dahil sa iritadong boses ni Sacha, ang mabuti na lang ay medyo malayo sila sa ibang estudyante, nasa halos sulok na kasi sila kaya hindi narinig ng iba ang usapan nila at ang iritadong boses ni Sacha.
“That’s enough, we’re inside the canteen,” kalmadong pagbabawal ni Aaron dahil ayaw niyang magkaroon ng isyu ang kanilang section na nag-aaway sila dahil lang sa walang kwentang bagay. At pangit pakinggan dahil alam ng lahat kung gaano sila kadikit sa isa’t-isa. Nakakahiya sa ibang mga estudyante kapag nag-away sila, ayos lang sana kung nasa classroom sila, at least, sila-sila lang ang makakakita at makakapakinig.
“Hindi eh! Michael is really crossing the line, right now!” inis na sambit ni Sacha, naipon na ang sama ng loob niya sa lalaki.
“Sacha, calm down. We’re not in the classroom.” pasingit at pagpapaalala ni Noah tiyaka siya tumingin sa paligid. Mabuti na lang at may kanya-kanyang ginagawa ang ibang mga estudyante at hindi nila alam kung anong nangyayari ngayon sa kanilang lamesa.
“How can I calm down when Michael is being an asshole right now?” inis na sambit ni Sacha tiyaka niya nanlilisik na matang tiningnan si Michael. “And why are you just targeting me… alone?! Why don’t you tell Cassandra to be friends with her instead of me?” tinuro ni Sacha si Cassandra kaya gulat na napaturo si Sancha sa kanyang sarili habang nginunguya ang kanyang pancit na in-order niya.
Mabilis niyang nginuya ang kanyang pancit lalo na nang mapatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase dahil sa biglaang pagturo sa kanya ni Sacha.
“Bakit ako?” pagtuturo niya sa kanyang sarili na punong-puno ng pagtataka. Hindi na nga siya nagsalita para hindi na siya masali sa gulo ang kaso nga lang ay nasali siya bigla dahil sa panunuro ni Sacha.
“I’m just suggesting.” kalmado ang pagkakasabi ni Michael para hindi na sila mag away-away o ‘di kaya naman ay magturuan kung sino ang kakaibigan sa transferee.
“Well, you’re suggesting such a useless thing!” inis na sambit ni Sacha pagkatapos ay tumayo na siya tiyaka niya iniwan ang kanyang mga kaibigan bago pa niya masaktan si Michael.
“Alam mo naman na ayaw ni Sacha na inuutus-utusan siya,” sambit ni Vanz pagkaalis ni Sacha at ni Sheena sa lamesa. Sinundan kasi ni Sheena ang kanyang pinsan palabas ng canteen dahil mag-isa siya.
“Tiyaka isa pa, it’s not our obligation to be friend with her,” maarteng sambit ni Christy tiyaka niya kinain ang kanyang cake. Suminghap si Michael dahil ayaw lang naman niya na awkward ang classroom.
“It’s not just you force all of us to be friend with her,” dagdag ni Cathlyn at kinain na niya ang kanyang leche flan. Mariin na pumikit si Michael para habaan ang pasensya niya sa kanyang mga kaklase.
“I just don’t want our classroom to be filled with awkwardness,” pagpapaliwanag niya sa pinaka-kalmadong boses na kaya niya para hindi maisipan ng iba ng kanyang mga kaklase. Alam niya na kapag nag-iba ang tono ng kanyang boses ay kaagad na mawawalan ng pasensya ang kanyang mga kaklase.
“It’s not awkward naman,” si Zyrene pagkatapos ay sinipsip na niya ang kanyang mango float na in-order niya.
“I agree with Zyrene,” si Hermes dahil naintindihan niya ang punto ng mga babae. “What we did earlier is normal, ganon naman tayo lagi mag-usap noon pa man. Hindi ko naramdaman ang pagkailang na sinasabi mo.”
“True! At isa pa, hindi naman ata pwede na tayong lahat ay mag-adjust siya sa isa? Siya ang mag-adjust sa atin!” pag-singit ni Hahn. Halos mapa-face palm na lang si Michael dahil sa sagot ng kanyang mga kaklase.
“If you want to talk to her, talk to her,” si Jeffree naman ang nagsalita dahil hindi naman din niya gustong mag-adjust para lang sa isa. “Sa kanya mo sabihin na mag-adjust siya sa atin.” Dagdag pa nito.
“It’s not like she’s interesting,” Sambit ni Kyle.” Because she’s not interesting at all.”
“Interesting lang naman ay kung paano siya nakapasok sa section natin eh, baka may kakilala siya sa dean.” Bulong-bulong ni Ranz dahil hindi niya maintindihan si Noah kung bakit niya pinipilit na makipaglapit silang lahat sa kanya.
“No offense but she’s plain,” walang emosyon na sambit ni Calyx, natawa si Clarence tiyaka niya pabirong sinuntok si Calyx sa braso nito.
“Dude, that’s real talk!” tawa-tawa ni Clarence. Hindi niya rin nagustuhan si Nydia dahil halos maapakan na niya ang kanyang damit, masyadong mahaba ang kanyang palda, mukha ngang pinahaba niya dahil hindi naman ganon ang normal nilang palda.
“Stop t, stop shaming the old lady like that,” pagtawa ni Isiah kaya lalo silang nagtawanan lahat sa sinabi nito.
Habang nagtatawanan sila ay tinuloy-tuloy ng mga lalaki ang pagshame kay Nydia kung gaano siya kamanang at kung paano siya kumilos. Si Michael lang ang hindi tumatawa sa mga jokes ng kanyang kaibigan na hindi naman nakakatawa. Napasulyap si Isiah kay Madelyn na nakikitawa rin sa kanilang mga kaibigan kaya lalong lumawak ang ngiti ng binata dahil don.
Nang malapit ng matapos ang recess ay sabay-sabay na silang tumayo tiyaka na sila umakyat papunta sa kanilang classroom. Hindi nila pinapansin ang mag estudyanteng patingin-tingin sa kanila na hindi maitago ang admirasyon sa kanilang mga mata, hindi na bago iyon sa kanila kaya hinayaan na lamang nila ang mga ito. Hanggang paghanga na lang sila dahil alam nilang hindi sila mapapabilang kailanman sa kanila.
“Tulungan mo muna ako sa CR,” anyaya ni Cassandra kay Zyrene tiyaka niya hinatak ang dalaga bago sila makapasok sa kanilang classroom ay lumiko sila ng hallway para makasok sila sa banyo ng kanilang floor at building.
Wala nang nagawa si Zyrene kung hindi magpahatak sa kanyang kaibigan tiyaka isa pa ay naiihi na rin naman siya kaya pumayag na siya. Pumasok sila sa magkatabing cubicle tiyaka sila sabay na umihi, wala rin namang estudyante sa banyo. Wala naman silang dinatnan na estudyante roon at hindi naman nila narinig na nagbukas ang pinto kaya alam nilang walang pumasok.
“Do you think that Michael has a point?” hindi maiwasan na magtanong ni Cassandra dahil sa t’wing naliligaw ang tingin niya kay Nydia sa classroom ay hindi niya maiwasan na maawa. Iniisip niya na siya ang nasa posisyon niya at hindi siya tatanggapin ng kanyang mga kaklase ay nalulungkot na siya at sa tingin niya ay hindi niya kakayanin na siya lang mag-isa sa loob ng maghapon, sa araw-araw sa loob ng sampung buwan.
“What point?” kumunot ang noo ni Zyrene dahil hindi niya maintindinhan kung ano ang sinasabi ni Cassandra.
“Na we should talk to Nydia casually?” pagtatanong ni Cassandra, maingat niyang tinanong iyon dahil ayaw niyang mainis si Zyrene na kanyang matalik na kaibigan. Siya lang ang makakausap niya tungkol doon nang masinsinan kaya habang nasa loob sila ng cubicle ay tinanong niya iyon.
“What are you saying, Cassandra?” hindi mapigilan ni Zyrene ang matawa dahil tunog anghel ang kanyang kaibigan. “Why do you want to talk to her?” pagtatanong ni Zyrene. Napakagat si Cassandra sa kanyang labi tiyaka bahagya siyang tumawa.
“What? No!” agap niya dahil baka kung anong isipin ng kanyang kaibigan. “I just pity her.” totoo naman iyon pero ginamit lang din niyang dahilan iyon para magpaliwanag kay Zyrene.
“Good,” sambit ni Zyrene pagkatapos ay tumayo na siya at inayos niya ang kanyang palda. “Kasi if you talk to her? I think you’ll lose the whole class A,” dagdag pa niya. Natahimik si Cassandra tiyaka siya mariin na lumunok dahil alam niyang may punto si Zyrene.
“You know how much we are all respecting each other tapos makikiusap ka sa isang taong kakarating lang? Hindi nga natin alam na baka nagpapanggap lang iyan o ‘di kaya ay sisirain niya tayo sa ibang mga section,” tuloy-tuloy na sambit ni Zyrene tiyaka niya f-in-lush ang toilet at lumabas na siya.
Narinig ni Cassandra ang pagbukas ng pinto ng cubicle kaya mabilis siyag tumayo at inayos na ang kanyang palda para makasunod na kay Zyrene. Nasa sink ito at nagsasalamin pagkatapos ay ngumiti siya nang magtama ang kanilang tingin sa salamin.
“You’re my best friend, Cassandra. I know what running in your mind right now,” ngumiti si Zyrene sa kanyang kaibigan. “I hope you won’t do it since you know our classmates, I don’t want you to experience what’s happening on Nydia,” tumango si Cassandra bago siya lumapit sa sink.
Naglagay ng liquid soap si Cassandra sa kanyang palad pagkatapos ay kinalat na niya ito sa kanyang kamay, sinabon niya ang buong kamay niya na tahimik siya habang nagpoproseso sa kanyang isipan ang sinabi ni Zyrene dahil alam niyang tama naman kung ano ang sinasabi niya. Ramdam niyang ayaw na ayaw ng kanyang mga kaklase si Nydia kaya kapag nakisama siya sa babae ay aayawin na rin siya ng kanyang mga kaibigan. At baka malaman pa nila kung ano ang matagal niyang tinatago sa kanila. Ngayon siya nagkaroon ng mga kaibigan na kagaya nila kaya ayaw na niya pa itong mawala pa.
Sa buong maghapon ay walang nakausap si Nydia sa lahat ng kanyang mga kaklase, kapag wala pang guro ay nakatulala lamang siya dahil wala naman kumakausap sa kanya. Pinagmamasdan niya lang nagtatawanan, nagkukwentuhan, naglalaro o ‘di kaya naman ay nag-aasaran. Bakas ang saya sa mga mata at labi nila na gusto nilang kasama ang isa’t-isa. Halos malungkot siya sa maghapon dahil ni-isa man sa mga kaklase niya ay hindi siya kinausap pwera na lang kay Michael na nginingitian siya t’wing nagtatama ang kanilang mga mata kaya malawak siyang ngumingiti sa binata. Masaya siya na kahit ganon lang ay para bang welcome siya sa kanilang classroom kahit na ramdam naman niya ang lamig na pakikitungo sa kanya ng mga kaklase niya.
“Nydia!” hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang marinig niya ang kanyang pangalan na tinawag ni Christy. Malawak ang ngiti niyang tumingin dito pero mabuti na lang at mabilis ang reaksyon ng kanyang katawan at nasalo niya ang walis na binato ng dalaga.
“Maglinis ka, aalis na kami,” iyon lang ang sinabi ni Christy pagkatapos ay lumabas na siya ng classroom.
Suminghap si Nydia tiyaka siya napatingin sa walis na hawak niya. Siguro ay hindi pa ngayon ang tamang panahon para maging kaibigan niya ang kanyang mga kaklase. Wala rin naman siyang ginagawang effort kaya pag-aaralan niya mamayang gabi ang mga bagay na narinig niya na alam niyang interesado ang kanyang mga kaklase para hindi na siya mag-isa bukas.
Tama! Iyon na lang ang iisipin niya dahil marami pa naman araw na makakasama niya ang kanyang mga kaklase at marami pang oras para kaibiganin niya ang mga ito. Unang araw pa lang naman niya ngayon.