CHAPTER 44 (Part 3) Maybe Umawang ang bibig ni Nydia dahil sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dahil biglang nagbago ang lalaking kakilala niya. Para bang ibang tao na ang kausap niya dahil sa lamig ng boses nito maging ang kanyang mga tingin. Para bang hindi siya ang nakilala niyang kaibigan–para bang bumalik ulit siya sa umpisa na kailangan niyang kilalanin ang lalaki. Sanay naman siya na tahimik ang lalaki pero iba ang pagkatahimik niya ngayon. Dahil ang pagkatahimik niya ngayon ay may kasama ng lamig ng kanyang pakikitungo. Para bang senyales na kay Nydia ‘yon na huwag na siyang magsalita pa dahil baka lalo lang lumala kung ano man ang hindi nila pagkakaintindihan. Kaya naman tinikom ni Nydia ang kanyang bibig. Siguro ay iba ang prinsipyo nila sa buhay at hindi

