CHAPTER 42 Yes Natahimik ang lahat dahil sa tanong ni Michael. Hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila at kung dapat ba na sila ang sumagot dahil si Nydia lang naman ang tinatanong nito. Tumalim ang tingin ni Madelyn kay Nydia dahil may mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan, pagkatapos ay tiningnan niya ang kanyang kaibigan na si Michael na nakatingin lang sa tabi niyang si Nydia–hinihintay din ang sagot ng dalaga. Hindi maiwasan na kumunot ang mga kilay ni Madelyn dahil sa kaganapan na nasasaksihan niya sa kanyang harapan. Tama nga ang kanyang mga kaibigan na simula noong naging malapit na sila kay Nydia ay naging weird na ang pananalita at kilos ng kanilang kaibigan na si Michael. Para bang ibang tao ang kanilang kasama at hindi iyon ang kanilang dating kaibigan na kilala nila b

