CHAPTER 41 (Part 3) None Kinuha ni Antonniette ang kanyang laptop sa kanyang study area sa loob ng kanyang kwarto. Nang makuha niya ito ay tamad siyang naglakad palabas ng kanyang kwarto para pumunta sa kanilang study room kung saan nandoon ang kanyang mga kaibigan na ka-grupo niya para sa gagawin nilang proyekto. Lahat silang magkakaibigan ay nasa kanya-kanyang bahay ng isa at kapag minamalas nga naman si Antoniette ay sa bahay pa nila naisipan gumawa. Pagkabukas niya ng pintuan ay kaagad niyang nakita ang kanyang mga kaibigan na lalaki na nasa sahig habang nakalapag ang kanilang mga laptop at kumakain sila ng in-order nilang mga pizza, fries, mojos, burgers, shawarma at ang binigay niyang cake at chips sa kanila. Maingay din silang nagtatawanan at nag-aasaran sa sahig na animo’y chis

