CHAPTER 41 (Part 2) Boyfriend Natahimik ang apat na sina Noah, Calyx, Michael at si Madelyn sa sinagot ni Nydia. Kabado naman ang dalaga dahil sa pananahimik ng tatlo. Sinubukan niyang tingnan isa-isa kung ano ang reaksyon nila pero wala man lang binigay na kahit anong kakaibang reaksyon ang tatlong lalaki para bang naghihintay lang sila kung may sasabihin pa siya bago sila magsalita o wala na para makapag-comment na sila sa kanyang sagot. Samantala, nang magsalubong ang tingin nila ni Madelyn ay halos hindi matingnan ni Nydia nang buo dahil para bang sinusuri ni Madelyn ang buong pagkatao nito. Ramdam niya sa mga mata ni Madelyn ang intensidad, parang binabasa na niya ang kanyang kaluluwa kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Bahagya lang siyang nagtaka sa tingin ni Madelyn da

