Chapter 32: Thank you (Part 3)

1054 Words
CHAPTER 32 (Part 3) Thank you Hindi alam ni Cassandra kung ano ang mararamdaman niya. Kung masaya ba dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakapansin sa lungkot ng kanyang mga mata. O galit ba sa kanyang sarili dahil kahit na tinulungan niya si Nydia mapalapit sa kanya at sa kanyang mga kaibigan ay alam naman niyang may hidden agenda ang kanyang mga kaibigan. O pagtatampo ba sa kanyang mga kaibigan at maging sa matalik niyang kaibigan dahil sa tagal na taon nilang magkakasama ay wala man nakapansin o pumuna sa lungkot ng kanyang mga mata. O guminhawa ang kanyang pakiramdam dahil iyon lang pala ang napansin ni Nydia. O makonsensya dahil sa kabaitan na pinapakita sa kanila ni Nydia ay alam naman niyang tinratrato lang siyang mabuti ng kanilang mga tinuturing na kaibigan dahil sa suhestiyon nito na gawin nilang alipin. “Basta Sandra huwag mo kalimutan na nasa tabi mo lang ako lagi ha?” ngumiti si Nydia pagkatapos niyang sabihin iyon tiyaka niya tinapik ang kanyang kaibigan na mukhang gulat na gulat pa rin sa nangyari. Gusto niya sana itong yakapin ang kaso nga lang ay alam niyang hindi pa sila kakumportable sa isa't-isa. “Pwede ba iyon? Pwede bang Sandra ang itawag ko sa'yo?” paghihingi ng permiso ni Nydia dahil masyadong mahaba ang Cassandra na laging tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Umawang ang labi ni Cassandra dahil nagulat pa siya sa pagtawag sa kanya ni Nydia. Para bang nabuhay ang boses na matagal na niyang nakalimutan na gustong-gusto niyang marinig ulit. Ganon kasi ang tawag sa kanya ng kanyang ina na kailanman ay hindi na niya muling nakita pa. Sa tagal ng panahon ay pumurol na rin ang kanyang pandinig kung ano nga ba ang boses ng kanyang ina. Pero dahil sa pagtawag sa kanya ni Nydia ng Sandra kung anong tawag din ng kanyang ina ay para bang bumabalik na ang boses ng kanyang ina sa kanyang tenga at muli na itong pumapasok sa kanyang tenga. Hindi niya mapigilan na maluha dahil sa tagal ng panahon ay narinig niya muli iyon. Na kahit anong pilit niyang alalahanin ang boses ng kanyang ina ay hindi niya iyon maalala. Pero ngayon ay unti-unting naging malinaw sa kanya ang boses hindi dahil kaboses ni Nydia ang kanyang ina kung hindi dahil sa kauna-unahang pagkakataon simula noong taong iniwan siya ng kanyang ina ay hindi na niya narinig pa sa tao ang pagtawag sa kanya ng Sandra. Palaging Cass at Cassy lang ang tawag sa kanya ng mga kamag-anak niya at maging ang kanyang mga kaibigan dahil siguro nakasanayan na lang din nila na ganoon ang itawag kay Cassandra. Wala man lang nakaisip na tawagin siyang Sandra kahit na dalawang syllables lang ito kagaya ng Cassy. Pero ang bagong kaklase niya sa kanyang harapan ay para bang pinadala siya ng nasa taas nang sa gayon ay muli niyang maalala kung paano ang tunog ng boses ng kanyang ina. “Hala,” hindi alam ni Nydia kung anong gagawin niya. Kung hahawakan niya ba ito dahil sa sunod-sunod niyang pag-iyak o kaya naman ay tumawag ng ibang tao baka sakaling makahingi siya ng tulong. “Why are you crying?” pagtanong niya kay Cassandra na ngayon ay humahagulgol sa kanyang harapan. Hindi alam ni Nydia kung ano ang gagawin niya dahil masyado puclic ang place at hindi siya sanay sa ganito. Hindi rin naman sanay si Cassandra na umiyak sa publiko pero wala na siyang nagawa kung hindi manahimik na lang at lalong suminghap dahil hindi pa rin tumitigil ng kanyang luha. “Hey,” pagtawag muli ni Nydia dahil nakayuko na si Cassandra dahil naiiyak siya kung bakit wala siya sa puso. “Why are you crying? Do you need anything? I can treat you or anything you want.” sambit ni Nydia habang nagpapanic pa ang kanyang boses dahil bigla na lang umiyak ang kanyang kaibigan sa kanyang harapan at wala man siyang kakilalang paghihingan ng tulong ngayon dito. Hindi pa rin sumagot si Cassandra sa halip ay umiyak lang siya dahil sa wakas ay muli na niyang nalaman kung ano man ang boses ng kanyang ina. Parang umulit din sa kanyang isipan ang mga kantang sinulat sa kanya ng kanyang ina at ang mga pagkanta nito sa t'wing pinapatulog na siya ay muli niyang narinig sa kanyang tenga. Ang boses na akala niya ay hindi na niya muling maririnig dahil nabaon na niya ito kung saan niya iniwan ay bigla na lang bumalik dahil lang sa pagtawag sa kanya ni Nydia sa paraan ng pagtawag sa kanya ng isang ina. Hindi na mapigilan ni Nydia at nilapitan na niya ang kanyang kaibigan tiyaka niya ito niyakap ng mahigpit. Lalo naman napahagulgol si Cassandra dahil kailanman ay hindi niya naramdaman ang init ng yakap sa kanyang mga kaibigan. “What's wrong?” pagtatanong ni Nydia habang yakap-yakap niya pa rin ang kaibigan. Sabi nila mas mainam daw na hindi ka nakikita ng taong kumakausap para hindi siya ma-distract at mag overthink sa kanyang sinasabi kapag nakikita niya ang kanyang kausap. “Sandra…” sambit ni Cassandra sa kanyang pangalan na tawag sa kanya ng kanyang ina noon at maging si Nydia. “I was just happy that there was someone again that called me that name.” mangiyak-ngiyak na sabi niya. “The first pe-person who called me that name was my mom…” suminghot si Nydia dahil hindi na niya mapigilam ang umiyak. “A-and then one day, she left me hanging. She left me without bidding goodbye. She left me like I was not her child.” wika pa niya. “But despite that, I still love her. I can risk everything for her. It was just unfair on my part but I can't do anything about it.” “But despite that, I still crave to hear her voice—her lullaby.” wika ni Cassandra habang nasa dibdib pa siya ni Nydia. Pinabayaan lang ni Nydia na sa dibdib niya umiiyak ang kaibigan habang hinahaplos-haplos niya ang likod nito. “I hate her but at the same time I can't deny the fact that I am craving for her love…” “That is why I am very thankful for calling that and it restored her voice to my memories.” “Nydia, thank you…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD