Chapter 32: Sorry (Part 4)

1119 Words
CHAPTER 32 (Part 4) Sorry Hinayaan lang ni Nydia ang kanyang kaibigan na umiyak sa kanyang dibdib habang marahan niyang hinahaplos ang likod nito. Rinig niya ang pilit niyang pinipigilan na paghagulgol pero dahil magkayakap sila ay malinaw at malakas na nadidinig ni Nydia iyon. Nagtataas-baba rin ang kanyang balikat na animo'y ngayon lang ulit siya umiyak nang ganoon. Halos hindi na nga siya makahing sa kakaiyak niya pero inaalo lang siya ni Nydia dahil ganon naman ang ginagawa ng isang kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam na may inaalong kaibigan, napaka-bigat dahil gusto niya na kasama rin siyang magbuhay sa ano mang problema ng kaibigan ang kaso nga lang ay wala man sinabi si Cassandra kung ano ang problema niya. At higit sa lahat, napakagaan pa rin sa pakiramdam kahit na ganoon dahil kahit papaano ay alam niyang maiibsan ang bigat na dinadala ni Cassandra sa kanyang puso. Hindi na rin maalala ni Cassandra kung kailan siya umiyak ng ganto kalala dahil ayaw niyang ipakita sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa kanyang mga kaibigan dahil nakikita nila itong matapang at laging binabara ang sino man bumastos sa kanya, mga taong hindi siya nirerespeto o ang mga taong inaaway ito. Natatakot siyang magpakita ng gantong emosyon sa kanyang mga kaibigan dahil baka kung ano ang sabihin nila o 'di kaya naman ay iwanan siya ng mga ito. Alam niya na matanda na sila at tapos na sila sa phase na kailangan nilang iyakan lahat. Maging ang matalik na kaibigan niyang si Zyrene ay kailanman ay hindi siya umiyak ng ganto kalala sa bisig niya. Siguro ay masyadi lang siyang pagod o maraming iniisip sa mga nakalipas na mga arawat ngayon na-tiyempo na hindi na kakayanin ng utak niya kaya naman mas pinili na niyang mag break-down para mailabas niya ang bigat sa kanyang loob at para kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam. Parang lang iyan isang tao na nakasakay sa bus, nahihilo at nasusuka. Para gumaan ang kanyang pakiramdam ay kailangan niyang magsuka nang sa gayon ay bumiti na ang kalagayan niya at hindi na siya ganon kahilo sa biyahe. Nang mailabas na niya lahat at mahimasmasan na siya ay dahan-dahan siyang humiwalay kay Nydia tiyaka niya pinupunasan ang kanyang mga luha. Masyadong marami ang iniyak niya ngayong gabi kaya basang-basa na ang kanyang mukha. Nahihiya rin siya kag Nydia dahil sa harapan pa niya talaga siya nag breakdown, sa taong ginawan niya ng masama. “Sa-salamat,” nahihiyang sambit nito kay Nydia kaya ngumiti lang si Nydia sa sinabi niyo. “So-sorry,” dagdag na sambit ni Cassandra. Gusto niya lang humingi ng tawad dahil alam niya naman kung bakit biglang kinaibigan ng lahat su Nydia. At alam niya na hindi deserve ng dagala iyon dahil masyado siyang mabait para masaktan. Pero iba ang naging kahulugan kay Nydia non. Ang akala niya ay humihingi ng dispensa si Cassandra dahil sa ilang minutong pag-iyak nito sa kanyang dibdib kaya nginitian niya si Cassandra para ipahiwatig na ayos lang sa kanya iyon. “Ayos lang iyon, ano ka ba? Magkaibigan na tayo ngayon diba? Kaya pwede ka na magsabi sa akin kahit anong oras.” Tumango-tango si Cassandra na tila ba naintindihan na niya si Nydia kaya wala siyang kamalay-malay kung ano ang ibig niyang sabihin sa sorry na sinabi. Tumango si Cassandra dahil tila dahil kahit na may bigat pa rin sa kanyang loob ay ag least nabawasan ang kanyang dinadala dahil kay Nydia. Hindi siya makaiyak ng ganito kapag ang kanyang nga kaibigan ang kasama niya dahil pakiramdam niya nag-mature nga sila dahil ang huling pagkakaala ni Cassandra na umiiyak ay noong grade ten pa sila. Wala rin naman siyang balak sabihin kahit kanino. Nagkataon lang talaga na ngayong gabi siya nag breakdown at si Nydia ang kasama niya. Nagpapasalamat siya sa pagkakataon na si Nydia ang natira sa lahat ng kaibigan niya sa block. Hindi niya alam pero mas magaan ang loob niya kay Nydia dahil besides sa isang bagay na siya lang ang nakakaalam, ay alam niyang mapagkakatiwalaan si Nydia at hindi niya ito huhusgahan. Iyon lang ang kailangan niya: ang may makikinig sa kanya at may handa siyang bigyan ng mga salitang magpapabuhay sa kanyang dugo. Hindi niya alam kung ano ang dapat pa niyang sabihin kay Nydia pwera sa salitang salamat at pasensya na dahil na-appreciate niya ang ginawa ni Nydia sa kanya ngayong gabi. “Ah Nydia,” hindi alam ni Cassandra kung ano ang sasabihin niya dahil kanina pa niya pinag-iisipan kung ano ang susunod niyang sasabihin sa taong nasa harapan niya dahil ilang minuto na rin silang nagkakatitigan. “Salamat ulit,” hindi niya talaga alam kung paano siya makiusap sa dalaga kaya ang katagang iyon ulit ang kanyang sinabi na ikinatawa naman ni Nydia. “Ayos lang nga iyon,” sambit niya dahil nahihiya siya kapag may nagpapasalamat sa kanya e hindi naman ganon ang gusto niya. Ang gusto niya lang ay bumuti ang pakiramdam ng taong nag-open sa kanya kaya kapag nakikita niya na masaya na ang mga taong minsan umiyak sa kanyang harapan ay iba ang saya na pakiramdam niya. “Ah,” muling nag-ipon ng lakas ng loob si Casssandra para maghingi siya ng pabor kay Nydia. “Pwede bang ano,” hindi maituloy ni Cassansdra ang sasabihin niya at pinangungunahan siya ng hiya at ng kaba ang kanyang puso. Hindi kasi siya sanay humiling kaya naman hirap na hirap siyang nag-construct ng sentence kung paano niya sasabihin ang nais niyang ipahiwatig kay Nydia. “Ano iyon? Huwag kang mahihiya.” Hinawakan ni Nydia ang dalawang kamay ni Cassansra tiyaka niya ito marahan na pinisil para mawala ang hiya sa kanya ng kaibigan. “Kung pwede ay huwag mong ipagsabi sa iba nating kaibigan ang nangyari ngayong gabi?” nahihiyang wika ni Cassandra pero natapos niya pa rin. Kinausap niya ito dahil ayaw na niyang maging hot issue pa kung bakit siya umiiyak ngayon dahil alam niyang papaulanan siya ng tanong at sermon. Nakahiya ng maluwag si Nydia dahil hindi niya inaasahan na iyon lang pala ang hihilingin sa kanya ni Cassandra kaya kaagad siyang tumango dahil ayaw na rin niya ng away. Bago pa makapapasalamat si Cassandra ay narinig na ang kotse sa kanyang likod kaya hindi maiwasan na mamangha ni Cassandra nang makita niyang mamahalin ang sasakyan nina Nyda. “Paano ba iyan? Kailangan ko na magpaalam. Ayos na lang ba dito o hatid ka na namin?” concern na tanong ni Nydia. “Ayos lang ako dito, paparating na din ang driver namin.” Pag-assure ni Cassandra kay Nydia kaya napatango ang dalaga tiyaka na siya nagpaalam. “Sorry…” bulong ni Cassansra habang kumakaway siya sa papalayo na sasakyan nina Nydia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD