CHAPTER 20
Miss
“I can’t believe that you’re accusing me for something I didn’t do!” dismayadong sambit ni Cassandra pagkatapos ay umahon na siya sa pool dahil hindi niya maatim ang mapag-akusang tingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan na pinagkatiwalaan niya pero heto sila at pinagbibintangan siya.
“We’re not accusing you, we’re just asking you since you were the one who can pull a prank successfully,” paliwanag ni Kyle dahil kita niya ang sakit sa mukha ng dalaga dahil sa mga tingin sa kanya. “You are the only vlogger here,” paliwanag niya pa para mas lalong malinawagan si Cassandra kung ano man ang nais nilang ipahiwatig.
“How is that different from accusing?” ngiwi ni Cassandra dahil kahit anong paliwanag pa nila ay isa lang ang klaro sa kanyang isipan—na pinagbibintangan siya ng kanyang mga kaibigan sa kakarampot na papel na hawak ni Vanz.
“We’re not accusing you, we’re just asking,” hirap na paliwanag ni Kyle. Hindi niya alam kung ano ang tamang salita na dapat niyang sabihin ngayon kay Cassandra dahil sa mukha ng dalaga ay hindi na siya tatanggap ng kung ano man na paliwanag galing sa kanila.
“That’s the same thing,” maarteng sambit ni Cassandra tiyaka niya inikutan ng mata ang tatlo. Aalis na sana siya ng biglang magsalita si Vanz.
“Then, who the hell plans this?” muli niyang tanong sa kanyang mga kasamahan kaya halos sabay-sabay silang napayuko dahil ayaw na nilang mag-akusa pa ng isa sa kanila.
“Why would I know?” pagtatanong ni Cassandra dahil nasira ang mood niya sa tatlong lalaki, she might as well ruin their mood. “Why would I use what happened thirteen years ago as a prank?” pagtatanong niya para mahimasmasan naman ang kanyang mga kaibigan na kailanman ay hindi niya gagamitin ang seryosong bagay na iyon para sa prank at views. “Why would I let my subscribers or viewers know about our dark past?” inis na dagdag pa niya, tuluyan nang nilukot ni Vanz ang invitation na hawak niya.
Katahimikan ang naghari sa magkakaibigan pagkatapos silang malinawagan dahil alam nilang may punto kung ano man ang sinabi ni Cassandra.
“Cassandra had a point,” pagtatanggol ni Michael sa kanyang kaibigan, siya lang ang nangahas na bumasag sa katahimikan na kahit hindi magsalita ang kanyang mga kaibigan ay ramdam niya ang kaba sa kanilang lahat.
Kumunot ang noo ni Clarence tiyaka siya napatingin ngayon kay Michael, kung bakit bigla siyang kinampihan ng binata. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan kung ano man ang napag-usapan ng dalawa niyang kaibigan sa hallway. Ibig bang sabihin non ay gusto lang nila na may ibang sisihin? Hindi maiwasan na magtiim ang bagang ni Clarence, gusto man niyang magsalita ay natatakot siya na baka siya lang ang nakatanggap ng ID sa kanila.
“What the hell?” hindi mapigilan na sumingit ni Antonniete. “Hindi lang ang pangalan ng tatlo ang madadawit dito kung hindi ang pangalan nating lahat!” stress na sambit niya na kahit nakababad siya sa malamig na tubig ng pool ay nag-iinit pa rin ang dugo niya kung sino man ang nagplano ng lahat ng ito.
“Wait, why would we be included? We didn’t commit any crime!” hindi mapigilan na sumingit din ni Cathlyn, hindi niya maiwasan na magpanic dahil alam niyang kayang sirain ng issue na iyon ang pangalan niya. Hindi pa nga siya nakakaget-over sa ID na natanggap niya kani-kanina lang ay may issue pa na mahahalungkat na kayang burahin kung ano man ang naisulat niyang tagumpay sa buhay.
“You turn blind eye,” si Michael ang sumagot non na tila alam na niyang mangyayari ang lahat ng ito. “Alam niyo kung anong nangyari noon pero hindi kayo tumestigo, alam niyo kung anong meron noon pero hindi niyo man lang siya tinulungan, nakita niyo kung anong nangyari noong gabing iyon pero wala man lang kayong ginawa kung hindi panoorin at tawanan ang kawawa-” hindi natapos ni Michael ang kanyang sasabihin nang mabilis na tumalon si Vanz sa pool tiyaka niya malakas na sinuntok sa panga ang kanyang kaibigan. Nagsigawan ang mga babae at mabilis din namang rumesponde ang mga lalaki para maawat sila.
“Do not talk like you didn’t witness everything, do not talk like you didn’t turn blind eye, like you don’t have a fair share from what happened,” inis na sambit ni Vanz habang hawak-hawak siya nina Brandon at Hermes, hawak naman nina Jefree at Noah si Michael na ngayon ay hinawakan niya ang gilid ng kanyang labi dahil umabot doon ang sapak ni Vanz, nalasahan niya ang kalawang na lasa hudyat na pumutok ang labi nito sa lakas ng pagkakasuntok ni Vanz.
“What happened?” gulong tanong ni Brandon habang mahigpit ang hawak niya sa braso ni Vanz dahil nagpupumiglas pa si Vanz, gusto pa niyang suntukin si Michael dahil naiinis siya sa confident nito na tila sila lang ang masisira ang pangalan at hindi sila dawit kung ano man ang nangyari noon.
“Don’t act innocent, Michael,” sambit ni Hermes dahil hindi niya rin nagustuhan kung ano man ang sinabi kanina ni Michael na para bang napaka-inosente niya sa nangyari. Hindi makagalaw at makapagsalita ang mga babae dahil sa gulat nila sa nangyayari, hindi rin nila inasahan ang mabilis na pagsuntok ni Vanz kay Michael na halos magsinghapan ang lahat kanina.
“It’s not because you know the law, you can get away with it,” komento ni Aaron dahil maging siya ay hindi niya nagustuhan ang tono ng kanyang kaibigan kanina na para bang sila lang ang may kasalanan gayong alam nilang lahat na sabay-sabay silang naging bulag noong panahon na iyon.
“I didn’t say I can get away with it.” tinagilid ni Vanz ang kanyang ulo dahil dama pa rin niya ang sakit sa pagkakasuntok ni Vanz sa kanya. “I’m just spitting facts,” dagdag pa niya kaya hinawakan siya ng mahigpit ni Noah dahil hindi na rin niya nagustuhan kung ano man ang pinaglalaban ni Michael ngayon.
“Michael, if you want to risk your name, do not risk ours. We strive hard to get what we have right now,” sambit ni Noah sa kanyang kaibigan ngunit pilyo lang ngumiti si Michael na tila hindi niya maintindihan kung gaano kakapal ang mukha ng kanyang mga kaibigan at kung paano pa nila siya sisihin sa kanilang mga kasalanan.
“I was not the one who’s ruining your image,” sambit ni Michael kaya napatingin ang lahat sa kanya na mukhang may alam siya kung ano man ang nangyayari ngayon at kung sino man ang nagpadala ng invitation na ‘yon kay Vanz. “It was you, it was your action. It was your crime.”
Hindi napigilan ni Noah ang kanyang inis kaya kaagad niya malakas na tinulak si Michael sa gilid ng pool, handa na niya sana itong suntukin ang kaso nga lang ay kaagad na hinawakan ni Jefree ang kanyang kamay, tumulong din sina Calyx at Isiah kahit na hindi rin nila nagustuhan kung ano man ang sinabi ni Michael ay ayaw din naman nilang magkaaway-away sila dahil baka sila pa ang maging dahilan ng pagbagsak ng bawat-isa.
“Ano ba?!” inis na pag-awat ni Isiah tiyaka niya tinulak si Noah para makalayo siya kay Michael. “Are you all out of your mind?” muli niyang pagtatanong dahil hindi magandang tingnan na masisira nang ganito kadali ang samahan nila na halos dalawang dekada na silang magkakasama.
Lihim na napangisi ang isa habang pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang red wine sa wine glass niya, hindi niya maiwasan na maramdaman ng sobrang saya ang kanyang puso dahil nakikita na niya ang pagkakawatak-watak ng magkakaibigan at maya-maya lang ay masasaksihan nila ang pagbagsak nilang lahat.
May pinindot na siya dahilan kung bakit napatingin silang lahat sa nakabukas na pinto, kung saan makikita ang biglaang pagbubukas ng mga ilaw sa sala maging ang malaking TV. Hindi na sila pinansin ni Cassandra tiyaka siya naunang pumasok sa loob ng bahay dahil baka biglaang nandito ang ibang kamag-anak ng kanyang tita. Alam naman ng kanyang tita na nandito sila tiyaka nirentahan niya ito kaya labis ang kanyang pagtataka kung sino man ang nagbukas ng ilaw pati na rin ng TV sa sala.
Pagdating niya sa sala ay wala siyang nakita kahit na isang tao. Nakatitig lang siya sa TV na kulay puti hanggang sa biglang nag flash ang isang mukha na matagal na niyang gustong kalimutan lalo na at palagi niya pa rin itong napapanaginipan t’wing gabi.
Narinig ng magkakaibigan ang sigaw ni Cassandra kaya mabilis silang uamhon sa pool para sundan ang kanilang kaibigan. Kahit na basa pa sila ay wala na silang pakialam para makita kung ano ang naging dahilan ng pagsigaw ni Cassandra, halos sabay-sabay silang napasinghap ng makita nila ang isang pamilyar na itsura sa kanila. Kahit na sinubukan nilang lahat ‘yon na kalimutan ay ‘yon ang mukha na hindi mawala-wala sa kanilang isipan.
Magsasalita na sana si Vanz para patayin na nila ang TV ang kaso nga lang ay napahinto siya lalo na noong mula sa litrato nito ay bigla itong nag-iba at naging video. Kumunot ang kanilang noo para tingnan ang plain na background, pader lang iyon at mukhang gabi pa nag-video dahil hindi ganon kaliwanag. May isang maliit na buhok ang nakaupo sa computer chair, nakatalikod lang ito at bahagyang gumagaw-galaw ang upuan.
“Oh my gosh!”
“What the f**k,”
“s**t,”
“Tang ina,”
“Puta,”
“Anak ng,”
“f*****g s**t,”
“b***h,”
“f**k it,”
“f**k,”
Sabay-sabay na mura nila nang biglang humarap sa kanila ang kaninang nakatalikod. Humarap siya sa kanila na may ngiti sa kanilang labi at kahit na anong gawin pa nila ay alam nilang iyon ang mukhang hindi nila makakalimutan habang sila ay nabubuhay. Pero ang nag-iisang tanong na naglalaro sa kanilang isipan ay kung paanong nangyari iyon? Paano nangyaring napunta siya roon? Hindi nila alam lahat!
“Good day, class A of 2010,” pagbati ng babae sa kanila. Kahit na ganon pa lang ang sinasabi niya ay kaagad na nag sitayuan ang kanilang balahibo. Kung kanina ay may hinala pa sila na baka edit lang iyon dahil sa makabagong teknolohiya ngayon pero nang marinig nila ang boses na iyon ay maging ang balahibo nila sa batok ay hindi nakalagpas sa pagtaas.
“Tang ina,” bulong ni Kyle na tila hindi pa rin makapaniwala. Magkakaibang mura sa magkakaibang lenggwahe ang nabanggit na ng mga magkakaibigan dahil sa tatlong segundong bati na iyon.
“Do you miss me?” pagkatapos niyang itanong ‘yon ay pinakita niya ang kanyang ngisi na hindi na umabot sa kanyang mata. Kung hindi lang pagbabasehan ang mukha at boses ay aakalain nila na ibang tao ang pinapanood nila sa kakilala nila. Hindi ganito ang pagkakakilala nila sa babae pero kung sa bagay ay isang dekada na nga ang lumipas simula noong huli nilang nakita at ang huling balita nila ay… hindi ganito.
“Damn it!” Sigaw ni Vanz tiyaka niya kinuha ang remote na nasa center table ang kaso nga lang ay kahit anong pindot niya roon ay walang epekto at nagpatuloy lang ang video, ngumisi ang babae na tila ba nakikita niya kung ano man ang nangyayari ngayon sa kanilang lahat. “Cassandra!” Sigaw ni Vanz kay Cassandra kaya kaunti siyang napatalon dahil sa gulat. Imunuwestra ni Vanz ang remote kung bakit ayaw mamatay ng TV.
Hindi pa rin makagalaw si Cassandra dahil katulad siya ng kanyang mga kaibigan na tila napako na ang kanilang mga paa dahil sa gulat at hindi sila makapaniwala sa ano mang pinapanood nila ngayon sa TV. Ang hirap paniwalaan, ang hirap iproseso sa kanilang utak.
Inis na tiningnan ni Vanz ang battery para ayusin ito dahil baka ‘yon ang problema ang kaso nga lang ay pagabukas niya ng remote ay wala siyang nakitang battery kaya lalo siyang nainis na para bang may nagtanggal non sa kanyang mga kaibigan kaya marahas niyang tinapon ang remote dahilan ng pagkasira nito.
“Vanz!” Sigaw sa kanya ni Cassandra dahil alam niyang kahit remote lang ang nasira ay magpapabili ng latest na TV ang kanyang tita bilang kapalit.
“What the hell?! Why don’t you turn off that f*****g TV!” Sigaw ni Vanz dahil ayaw niyang makita ang mukha ng babaeng nasa loob ng TV.
“Oh, I guess you didn’t miss me,” kunwari ay malungkot na sambit ng babae. Umawang ang kanilang mga labi na tila ba nabigyan ng kasagutan ang kanilang tanong. Totoo ngang nakikita at naririnig sila. Inikot ni Hermes ang kanyang mga mata tiyaka niya mariin na tumingin sa CCTV, alam niyang dahil doon ay nakikita siya ng babaeng kausap nila ngayon. Ang hindi niya lang maintindihan kung paano niya sila naririnig.
“You didn’t even change at all,” naghihinayang na sambit niya habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase sa monitor. Bakas ang takot, kaba, at pagkalito sa kanilang mukha. “I thought you were missing me, that is why,” she shrugged her shoulders
“What the f**k do you want?” naiinis na sigaw ni Vanz dahil ayaw na niyang makita pa ang mukha at marinig ang babae. Gusto na niyang matapos ang gabing ito. Ngumiti ang dalaga dahil nasisiyahan siya sa reaksyon ng kanyang mga kakalse, halatang takot na takot sila.
“I thought of something earlier,” sambit niya tiyaka niya pinaglaruan ang dulo ng maliit niyang buhok. “That if you were missing me, I’ll spare you all but I guess you didn’t like me that much?” muli niyang tanong. Halos masiraan ng bait si Vanz habang pinapakinggan at pinapanood ang babaeng inakala niyang nasa hukay na.
Hindi makagalaw o makakilos ang ilan dahil ang isang pinaniniwalaan nila ay hindi pala totoo. Na pwedeng sa isang iglap ay mawala lahat ng pinaghirapan nilang buuin ang kanilang pangalan sa industriyang kanilang pinasukan.
“So, who do you think will fail first?” excited na tanong niya.
“Damn it! Cassandra!” Sigaw ni Vanz sa kanya, muli niya sanang lalapitan ang babae ang kaso nga lang ay kaagad siyang hinarangan ni Michael, kaagad din siyang inawat ng dalawa niyang kaibigan dahil sa postura at galit ni Vanz ay wala na siyang pakialam kung kaibigan niya pa si Cassandra at wala na rin siyang pakialam na babae ito.
“Why?!” Halos maiyak na si Cassandra sa sigaw dahil hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit sa kanya si Vanz.
“You were the one who knew this place! This house!” Sigaw ni Vanz kay Cassandra, siya ang sinisisi niya dahil wala na siyang ibang alam na sisihin.
“What about me?!” Sigaw pabalik sa kanya ni Cassandra na halos maputol na ang ugat sa kanyang leeg sa sigaw.
“Alam mo paniguradong may CCTV!” napatingin ang lahat kay Hermes na biglang sumingit pagkatapos ay tinuro niya ang mga CCTV sa iba’t-ibang sulok ng bahay kaya sabay-sabay nila ‘yong tiningnan. Napaawang angn labi ng iba dahil sa gulat at hindi nila maiwasan na mag-iba ang tingin nila kay Cassandra.
Natigilan si Cassandra habang tinitingnan ang mga CCTV. Tumingin siya sa kanyang mga kaibigan na babae, umaasa siya na ipagtatanggol siya ng isa sa kanya lalo na ang matalik niyang kaibigan na si Zyrene ang kaso nga lang ay puno ng pagkadismaya ang kanyang mata. Umawang ang labi niya dahil bumalik ulit kanina ang nag-aakusa nilang tingin sa kanya.
“Well, well, don’t fight yet.” sabay-sabay silang napatingin muli sa monitor. Nakita nila ang babaeng nakangisi at nasisiyahan sa biglaan na pag-aaway nila. “Anyway, didn’t you all receive the ID I’ve sent to you?”
Parang binuhusan sila ng yelo sa kanilang kinatatayuan dahil bigla na lang silang na-estatwa sa gulat. Alam nila kung ano ang ID na ‘yon.
“Are you ready to reveal all your secrets to your friends and with all the people around the country?”