Chapter 21: Trapped

2138 Words
CHAPTER 21 Trapped Natikom ang kanilang mga bibig dahil ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa ID. Dahil kapag nangyari ‘yon, malalaman ng kanilang mga kaibigan kung ano ang tinatago nilang sikreto. Na ang iba sa kanila ay hindi man lang alam ng kanilang mga pamilya dahil ayaw nilang madismaya sila. “And you know what I wanted to tell you?” ngisi ng babae sa monitor, halata sa boses niya na excited siyang sabihin kung ano man ang sasabihin niya. “There’s an impostor among you all.” Tuluyan ng nanuyo ang kanilang mga lalamunan, paismple nilang tiningnan ang isa’t-isa at lalong namuhay ang mga suspetya nila simula palang kahapon. Kahit na ayaw man nilang tanggapin sa kanilang sarili na mayroong taksil sa kanila. Sa dami na ng napagsamahan nila, nasaksihan nila ang pagtanda ng bawat-isa, nakita nila kung paano sila nahirapan abutin ang kanilang pangarap, parang napaka-imposible naman na mayroon sa kanila ang magtataksil. “What the f**k is ID?” hindi mapigilan na magmura ni Vanz, siya muli ang bumasag sa katahimikan nilang lahat. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae dahil wala naman siyang natanggap na ID, kaagad niyang tiningnan ang dalawa niyang kaibigan na bakas ang kalituhan sa kanyang mga mata. “I don’t know,” kibit-balikat na sagot ni Ranz dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano man ang ID na sinasabi nila dahil katulad ng kanyang kaibigan na si Vanz ay wala siyang natanggap. “I didn’t receive anything,” simpleng sagot ni Kyle sa kanyang kaibigan pagkatapos ay iniwas niya ang kanyang tingin kay Vanz tiyaka niya tiningnan ang iba nilang mga kaibigan na para bang estatwa sila na hindi gumagalaw. “And for the record, you couldn’t escape this time. See you later!” sambit ng babae bago tuluyang naging blangko ang telebisyon. Kumunot ang kanilang noo dahil hindi nila maintindihan kung ano man ang pinapahiwatig nito. “Who the f**k will be the impostor be?” kinuyom ni Hermes ang kanyang kamao dahil kahapon pa gumugulo sa kanyang isipan kung sino sa mga kaibigan niya ang maaring magtaksil sa kanila. Natahimik si Jefree, gusto man niyang awatin si Hermes ay hindi niya magawa. Bahagya siyang nagsisi sa sinabi niyagn advice sa binata na hindi niya dapat pagdudahan ang kanilang mga kaibigan dahil tama nga ang hinala nito na isa o dalawa o hindi niya alam kung ilan sa kanila ang nagtataksil sa kanila. “Michael,” Hermes suddenly said. Napatingin lahat kay Michael na nakangisi dahil putok na ang gilid ng kanyang labi sa pagsuntok kanina ni Vanz sa kanya. “Do you think I am?” pagtatanong nin Michael sa kanila. “Come to think of it, do you think I’ll act obvious if I was the one betraying you all?” pagtatanong niya kay Hermes tiyaka niya tiningnan ang lahat ng kanyang mga kaibigan. Nagtama ang mata nila ni Clarence na ngayon ay madilim ang tingin sa kanya dahil tandang-tanda niya ang sinabi niya kay Cassandra at walang pinagkaiba ‘yon sa sinabi niya ngayon. Ibig bang sabihin non ay tama ang hinala nila mula pa kanina? “Sheena,” mariin na pumikit si Isiah pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ng dalaga. Umawang ang labi ni Sheena nang marinig niya ang kanyang pangalan. Sabay-sabay silang napalingon sa dalaga na mukhang gulat na gulat dahil binigkas ni Isiah ang kanyang pangalan. “What?!” maarteng pagtatanong nito Sheena. Hindi makapaniwala na siya ang pinagbibintangan ng kanyang kasama sa kwarto. “Wh-why me?” nauutal na tanong pa niya na halos maiyak na lalo na’t nakatingin sa kanya lahat ng mga kaibigan niya. Ngayon ay naintindihan na niya si Cassandra kanina kung bakit ganon siya maka-react dahil ang iilang mga mata ay nagsususpetya at pinagbibintangan siya. “You’re acting weirdly when I saw the ID on the bed side table,” sagot ni Isiah, kumunot ang noo ni Sheena na tila inaalala kung kailan siya umaktong hindi tama sa harapan ng binata. “Nilagay mo ang ID na iyon sa ilalim ng cellphone ko,” dagdag pa ni Isiah. “Huh?” hindi maintindihan ni Sheena kung ano ang sinasabi ni Isiah hanggang sa maramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay. Tiningnan niya ang malambot na kamay na dumapo sa kanyang kamao na nakayukom dahil hindi mapigilan ni Sheena ang kanyang inis sa kung ano man ang lumalabas sa bibig ni Isiah, hindi niya matanggap na pinagbibintangan siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Napatingin siya sa kanyang pina na si Sacha, siya ang humawak sa kamay niya para pakalmahin ito dahil ramdam na niya ang panginginig ng kanyang sistema dahil sa inis. “Isiah!” Sigaw ni Sacha para patahimikin ang binata, matapang na sinalubong ni Isiah ang tingin sa kanya ni Sacha. “What? Do you want me to fail? Am I hindrance to your success? Is our company a threat to you?” sunod-sunod na pagtatanong ni Isiah, hindi mapigilan ni Sacha ang galit niya dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Isiah kaya mabilis siyang lumapit dito tiyaka niya inangat ang kanyang kanang kamay at malakas na dumapo ang kanyang palad sa pisngi ni Isiah, napatagilid ang kanyang ulo dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Sacha. “Watch whatever words you utter, asshole!” inis na sambit sa kanya ni Sacha ang kaso nga lang ay ngumisi pa si Isiah na para bang inaasahan na niyang gagawin ni Sacha ‘yon sa kanya. Napailing si Hermes sa nangyayari na tila hindi na niya nagustuhan pang panoorin ito kaya naman inayos niya ang kanyang polo tiyaka siya pumuta kung nasaan ang susi ng isang van na naiwan para maiwanan na niya sa impyernong ito ang kanyang mga kaibigan. Dahil lahat ng mata ay nakina Isiah ay tahimik siyang lumabas doon na wala man lang nakakapansin sa kanya. Sa tingin niya ay wala ng kapupuntahan pa ang pag-aaway nila at sa tingin din niya ay magsisiha din sila. Mas mabuti pang umalis na siya at lumipad na siya sa ibang lugar bago pa siya makulong kapag lumabas ang sikreto niya. “Why? Truth hurts?” sarkastikong tanong ni Isiah pero bago pa dumapo sa kabilang pisngi niya ang palad ulit ni Sacha ay pwersahang hinawakan ni Vanz ang kamay ng dalaga para pigilan ito at baka lumaki lang lalo ang gulo sa kanila. Lalo na at alam niya kung ano man ang ugali ni Sacha. “Isiah!” tila isang kulog ang boses ni Vanz dahil sa pag sigaw nito sa pangalan ni Isiah. Para bang winawarning-an na niya ito na mag-ingat siya kung ano man ang lumalabas sa bibig niya. “You don’t have enough reason to accuse her!” Tumawa si Cassandra dahil sa sinabi ni Vanz na tila hindi siya makapaniwala na sa bibig pa talaga ni Vanz lumabas ang mga salitang iyon. “Coming from you?” sarkastikong tanong ni Cassandra kay Vanz. “After you accused me?” kaagad na sinamaan ng tingin ni Vanz si Cassandra. “I have reasons to accuse you. So,” ngumisi si Vanz kay Cassandra at si Cassandra naman ang nawalan ng ngisi. Kaagad na kumawala si Sacha sa pagkakahawak ni Vanz nang matauhan siya, hindi iyon inasahan ni Vanz kaya nakuha ni Sacha ang kanyang braso pagkatapos ay malakas niyang sinampal si Vanz dahil sa galit niya. Bahagyang gumilid ang ulo ni Vanz dahil don. “What the?” gulat na sambit ni Vanz habang nakaawang ang kanyang labi. Tiningnan niya si Sacha na nagtataka. “Are you the one who sent us the ID?!” Sigaw ni Sacha kaya naman lumipat muli ang tingin ng magkakaibigan kay Vanz. Kaagad na naalarma si Zyrene dahil may posibilidad na tama ang sinasabi ni Sacha dahil kasama nila si Vanz noong nakita niya ang ID na natanggap niya sa may cart. “What?” nanghihinang tanong ni Vanz dahil hindi siya makapaniwala na pinagbibintangan siya ngayon ni Sacha. Kita sa kanyang mga mata ang galit ni Sacha. “Why would I do that?” halos bulong na lang ‘yon dahil nanghihina siya na ang babaeng mahal niya ay pinagbibintangan ngayon siya bigla. “Why would you do that? Ha!” Singhal ni Sacha. She aslo mock Vanz’ answer. “It is because I rejected you, right? That is why you're blackmailing me and even my cousin by sending the ID!” Kumunot ang noo ni Jefree habang nakikinig dahil hindi nagmamake-sense sa kanya ang sinasabi ni Sacha. “Do you think I can do that to you?” hindi nakatakas ang sakit sa boses ni Vanz habang tinatanong niya iyon sa dalaga. Alam niyang gusto pa niyang subukan ulit pero hindi siya aabot sa ganoong paraan na pipilitin niya si Sacha sa hindi magandang paraan. “It doesn’t make sense,” singit ni Jefree dahil hindi na niya kayang sariliin pa ang kanyang opinyon. “Do you think Vanz was her alliance?” diniinan niya pa ang bawat salita sa kanyang tanong. Bahagyang napatango ang magkakaibigan dahil sa tanong ni Jefree dahil may punto siya. “Or it was Michael all along,” pagsingit ni Clarence tiyaka siya tumingin kay Michael na ngayon ay wala ng reaksyon. “You know the law, you know how to manipulate it to be on your side. And we all know that you adore that girl!” pagpaparatang ni Clarence dahil hindi na maalis sa kanyang isipan ang narinig niya sa hallway, siguro ang akala nila ay walang nakarinig sa kanila pero nagkakamali sila dahil maliwanag ang pagkakarinig niya. “It’s you?” hindi na rin mapigilan ni Aaron ang pagsingit. Alam niyang matalino si Michael, kaya niyang bilugin ang lahat gamit lang ang kanyang mga kamay. Kaya ngayong kabisado niya ang batas ay alam niyang kaya niyang paglaruan ang batas nang hindi man lang siya nahihirapan. “Wait, why are you three didn’t ID?” pagtatanong ni Christy dahil kanina pa iyon tumatakbo sa kanyang isipan, ngayon lang siya naglakas loob na magtanong. Ayaw niyangn sumingit kanina dahil baka siya pa ang mapagbintangan ng lahat. Muli silang napatingin sa tatlong magkakaibigan. “It’s possible that one of you might be the impostor,” sambit ni Joanne nang marealize niya ang gustong ipahiwatig ni Christy. Nagtiim ang bagang ng tatlo dahil sa kanila bigla napunta ang sisi dahil lang sa wala silang natanggap na ID. “We didn’t receive ID , yes. But we all remind you that we received an invitation,” pagpapaalala ni Kyle sa kanilang lahat. Ngumisi si Michale pagkatapos sabihin ni Kyle iyon. “Where did you get the invitation?” pagtatanong Cathlyn na litong-lito pa rin sa nangyayari. Ibig sabihin, isa o hindi niya alam kung ilan sa kanyang mga kaibigan ang may alam sa kanyang sikreto. “Right, where did you get it?” pagtatanong muli ni Madelyn nang nag-process na sa kanya kung ano man ang nangyayari ngayon. “Kyle saw it,” sagot ni Ranz. “He saw it on the table,” dagdag pa nito. “I don’t know who put it there,” pagsagot ni Kyle, tumawa si Michael ng malakas na para bang nang-iinsulto siya kung ano man ang sinagot ni Kyle. “Or no one put it there?” pagtatanong ni Michael, kumunot ang noo ni Calyx at nagtiim ang bagang ni Kyle dahil sa tanong niya. “Anong gusto mong sabihin?” pagtatanong ni Kyle tiyaka niya kinuyom ang kamao nito, handa na iyong dumapo sa pisngi ni Michael dahil hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito na para bang pinaglalaruan niya ang lahat gamit ang kanyang mga salita at tono. “That’s impossible,” pagsingit ni Antonniete, kaagad na dumapo ang tingin ni Noah sa kanya. Pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga lalo na’t ngayon lang siya nagsalita. Ngayong pinagbintangan si Kyle. “He is an accomplice of Vanz that time,” pagpapaalala ni Antonniete. “If he’ll betray Vanz, he will go to jail together with him.” dagdag pa nito, may iilan ang tumango dahil tama ang sinabi ni Antonniete. “Or they made a deal to betray us and he will be free by her,” ngisi ni Michael. Sandaling natigilan ang lahat dahil sa sinabi niya. Maging ang dalawang kaibigan ni Kyle ay hindi makagalaw sa gulat ni hindi man sila nakapagsalita para ipagtanggol siya dahil sa kailaliman ng kanilang pag-iisip ay alam nilang may punto ang sinabi ni Michael. Gumalaw ang panga ni Kyle sa inis tiyaka niya mabilis na nilapitan si Michael, akmang susuntukin na sana niya ang kanyang kaibigan dahil sa pinapakalat niyang kakampi siya ng babae at pinagdududahan na siya ngayon ng kanyang mga kaibigan. Ngunit naagaw ng isang lalaki ang kanilang atensyon, si Hermes na hinihingal galing sa pagtakbo at nakapasok na sa loob ng mansyon. “f*****g hell, we’re trapped!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD