Chapter 4: Grocery

2913 Words
CHAPTER 4 Grocery “Hay nako! Si Cassandra ang nagpaplano ng lahat ng ito pero tingnan niyo naman, siya pa ang wala ngayon dito!” Inis na sambit ni Zyrene dahil kahit gabi na ay dumeretso pa rin siya sa mall dahil dito sila magkikita para mag-grocery ng kanilang mga bilihin. “Malapit na rin siguro siya, baka natraffic lang.” Sambit ni Kyle. Halos umikot ang mata ni Zyrene dahil silang tatlo pa ang kasa-kasama niya. Ang tatlong ugok pa talaga sa section nila ang napiling isama ni Cassandra. Sabagay, sila lang naman kasi ang may free time dahil halos busy na ang mga kaklase nila para makapag leave na sila next week. “I can now hear the wedding bells.” Pang-aasar ni Vanz sa kanyang kaibigan na si Ranz na busy sa kanyang cellphone dahil magka-text sila ng kanyang fiance. “Siguro huwag ko na lang imbitahan si Cassandra sa kasal ko.” Pagbibiro ni Ranz tiyaka niya inilagay sa bulsa niya ang kanyang cellphone pagkatapos niyang magpaalam sa long time girlfriend niyang si Anne. “Baka agawin niya pa ang eksena kay Anne.” Biro pa niya. “Panigurado lang! Nako!” Stress na sambit ni Zyrene habang nasa j.co silang apat at nagkakape. Nagsawa na kasi si Zyrene sa starbucks kaya dito sa j.co siya nagyaya. “Tayo na lang kaya ang mag grocery? Tutal nasa akin naman ang pera.” Suggestion pa niya dahil sa kanya pinadala ang mga bayad nila. “Na kay Cassandra ang listahan.” Umismid si Zyrene dahil sa sinabi ni Kyle. Mukhang wala na nga siyang magagawa kung hindi hintayin si Cassandra. Kahit na kaibigan niya ito ay hindi niya maiwasan mainis sa ganitong ugali ni Cassandra dahil namumuwerhisyo siya ng oras ng ibang tao. “We should enjoy your bachelor life until then,” Wika ni Vanz kay Ranz tiyaka niya inangat ang kanyang kilay pagkatapos ay binaba niya ito ng paulit-ulit at mayroon siyang mapaglarong ngiti sa labi. “Dude, sigurado na ako kay Anne.” Wika ni Ranz dahil iyon ang totoo. Hindi na siya makakahanap pa ng katulad ni Anne kaya ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kanya. Hindi nga niya masabi-sabi ang nangyari noon sa kanila dahil ayaw niyang iwan siya ng kasintahan. Para sa kanya, kung hindi si Anne ang papakasalan niya ay hindi na siya muling magpapakasal pa. “Lighten up,” Natatawang sambit ni Vanz. “Tumikim ka muna ng ibang putahe bago ka mag seryoso sa isa.” Engganyo pa nito kaya bahagyang napailing si Ranz dahil sa kapilyuhan ng kaibigan. “Your friend is so whipped, you can’t influence him to have fun with us.” Singit ni Kyle. Muling napailing si Ranz habang may ngiti sa kanyang labi dahil alam niya sa sarili niya na pagkatapos ng gabing iyon, pagkatapos ng taon na iyon ay magbabago na siya lalo na ngayong nakilala na niya ang babaeng para sa kanya. “You know what? You should settle too.” Both men groaned because of what their friend said. Para sa kanila ay nahihibang si Ranz para sabihin niya iyon sa kanila. “Wow. Grabe! Kahit pala pangit ka ka-bonding minsan, may character development naman pala!” Bilib na pagsingit ni Zyrene, hindi niya inaasahan na si Ranz ang unang mag-settle down sa tatlong loko-loko dahil halos magkaroon sila ng kompetisyon ni Vanz noon sa pagpalit ng mga babae. Ang buong akala niya ay si Kyle ang unang magtitino sa kanilang tatlo. “Baka Ranz ‘to.” Natatawang pagbibiro ni Ranz. “Ah basta, bago ang kasal mo we should do bar hopping.” Deklara ni Vanz. Ngumiwi si Zyrene dahil hindi na talaga nagbabago ang kaklase niyang ito. “And hired some you know.” Maloko siyang ngumiti kaya naman ngumiwi si Zyrene. “Iyon!!” Masayang sambit ni Kyle na tila nagustuhan ang plano ni Vanz. “Iyan ang gusto ko sayo Vanz.” Sambit pa niya. “You know what Ranz, you really should come so you’ll practice. Para masarapan si Anne at siguradong hindi ka na niya iiwan.” Natatawang sabi ni Kyle kaya natawa si Vanz, nakangisi pero umiling si Ranz sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan pero kahit ganon ay alam niyang hindi pa rin nagbabago ang dating siya dahil hindi niya matatanggihan ang dalawa. Lalo na’t regalo panigurado ni Vanz ang mga babae. Alam niyang loyal na siya kay Anne pero gaya nga ng sabi ng kanyang dalawang kaibigan ay kailangan niyang tumikim ng ibang putahe dahil isang putahe na lang ang matitikman niya sa buong buhay niya sa pagsapit ng Marso. Kanina ay buo ang loob niya sa pagtanggi pero habang in-imagine niya ang gagawin nilang tatlo ay hindi niya maiwasan na makalimutan sandali ang kanyang mapapangasawa. After all, he’s a man who needs to fulfill his needs. “Okay. Okay!” Kunwaring pagsuko niya kaya kaagad siyang tiningnan ni Zyren dahil silang dalawa ang magkatabi gamit ang gulat na ekspresyon dahil tila ganon lang kadaling magbago ang Ranz na nakita niya kanina. “If Vanz would pay for it. I’m saving on our house.” Agad na depensa niya. “Seriously? Pinag-uusapan niyo iyan sa harapan ko?” Hindi makapaniwala na tanong ni Zyrene. “Nagkamali pala ako sayo Monreal, akala ko ay nagbago ka na.” Dismayadong sambit ni Zyrene. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang lalaki. Lalo siyang napailing nang magtawanan ang tatlo tiyaka sila nag apir-an, muling kinuha ni Zyrene ang kanyang cellphone para i-message si Cassandra dahil halos mag kalahating oras na silang naghihintay ay wala pa siya. May kailangan pa siyang gawin sa bahay dahil kahit na tapos na ang trabaho niya sa opisina ay dinadala niya pa rin ang ilan sa condo na tinitirhan niya. “I’ll pay you na lang, tita please.” Pagmamakaawa ni Cassandra sa kanyang tiyahin na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. “You know how much I value that mansion, Cassandra.” Umiiling na wika ng kanyang tiyahin. “I told you to stop being pretentious.” Umiiling na sambit pa nito. Ngumuso si Cassandra dahil ang nagkupkop na tinatawag niyang tiya ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao. “Seven hundred thousand.” Sambit pa ng may edad na babae tiyaka nilahad ang kanyang palad. “What?!” Gulat na sambit ni Cassandra. Surely, she can earn it with just five videos but she values money so much since it can give her whims. “That is so pricey!” Komento pa niya dahil sa gulat. Sandali siyang nainis kay Madelyn dahil bakit naisipan niya pa ang resthouse ng babaeng kaharap niya ngayon. Kaya lang naman siya kinupkop nito ay para may makuha siyang pera kapag sumasahod na siya. Kagaya na lamang kung magkanong fifty percent ng kita niya sa youtube ay napupunta sa kanya. Typical Filipino’s toxic attitude; A child being an investment. “What?” Inosenteng tanong ni Helen kay Cassandra. “One hundred thousand per day.” Sambit niya pa na tila magkano lang ang halagang iyon. “Tiyaka, ilan ba kayo? Pasalamat ka nga at hindi ko ginawang per head.” Wika niya tiyaka niya muling nilagay ang sigarilyo sa kanyang bibig. “Kasama na ba roon na malinis na pagkarating namin doon?” Huminga ng malalim si Cassandra dahil mukhang wala na siyang choice kung hindi bayaran iyon dahil baka magalit pa sa kanya ang kanyang mga kaklase. “Syempre, ikaw na magbabayad don.” Binugahan pa siya ni Helen ng kanyang sigarilyo kaya napairap na lang siya. Walang magawa. Hindi naman niya pwedeng singilin ang kanyang mga kaklase dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Napasinghap siya nang makita niyang tinatadtad na siya ng message ni Zyrene kaya wala na siyang oras para makipag negosasyon pa sa kanyang tita-titahan. “Send ko na lang sa bank account mo.” Ngumisi si Helen dahil siya pa rin ang magtatagumpay. Kaagad na umalis si Cassandra sa bahay ni Helen. Sumakay na siya sa kanyang kotse at halos mapamura siya dahil traffic narinig na niya ang pagtawag ni Zyrene sa kanyang cellphone. Mabuti na lang din at nag go na ang lights, panigurado ay tatalakan siya ni Zyrene. “Hi guys!” Hindi mapigilan ni Zyrene na irapan ang kaibigan dahil isang oras na silang naghihintay sa kanya. Humalik si Cassandra sa nakabusangot na kaibigan pagkatapos ay nakipag-high five sa tatlo. “Bilisan natin at kailangan ko pang magtrabaho.” Napanguso si Cassandra dahil hindi man lang siya pinaupo ni Zyrene at tumayo na ito. “Let’s go, bar hopping pa kami mamaya.” Anyaya ni Vanz. Lihim na lang ngumiti si Cassandra dahil don. Sabay-sabay silang pumunta sa supermarket, lahat sila ay may tulak-tulak na malalaking acrt dahil sa haba ng listahan na mayroon si Cassandra. Iyon kasi ang pinapabili ng kanyang mga kaklase. “Ang dami naman request ni Madelyn.” Sambit ni Cassandra na tila naiis pa dahil halos makalahati ni Madelyn ang papel. May mga skin care pa siyang pinapabili na kulang na lang ay ipabili niya pa ang damit na susuotin niya, “Puno na ang dalawang cart ng mga pagkain.” Sambit ni Zyrene. “Hindi ba masyadong marami iyon? Isang linggo lang naman tayo.” Dagdag pa niya dahil mukhang isang buwan o mahigpit pa silang titira sa Batangas. “Kulang pa nga ito eh,” Sambit ni Kyle tiyaka niya kinuha ang notebookkay Cassandra para ipakita ang lahat ng bibilhin kay Zyrene. “This two carts are just filled with snacks.” Iginaya niya pa ang cart niyang punong-puno pati na rin ang cart ni Ranz. “Wala pa riyan ang kakainin natin bilang ulam.” Dagdag ni Ranz kaya napailing na lang si Zyrene. Sabagay, they are all high maintenance so why is she expecting? “At wala pa riyan ang mga kaartehan niyong mga babae.” Kaagad na pabirong sinuntok ni Cassandra si Vanz dahil sa dinagdag niya. “Bakit? Tama naman ako ah?” Natatawang dagdag niya tiyaka siya umiwas a hampas pa ni Cassandra. “Tama naman,” Pag-agree ni Cassandra. “Pero medyo masakit.” Natawa pa si Cassandra hanggang sa mag ring ang kanyang cellphone. Agad siyang nag-excuse sa tatlo para sagutin ang tawag. Tumango naman sila pagkatapos ay sila na muna ang kumuha ng iilan mga nakalista since na kay Kyle na ang notebook. Hindi na pinansin ni Zyrene si Cassandra dahil kailangan na nilang makumpleto ang mga bibilhin nila para makauwi na rin sila. “Baka yung secret boyfriend niya ang tumawag.” Natatawang wika ni Ranz habang kumukuha na sila sa may delata. “Alam mo ba kung sino ang secret boyfriend niya?” Pagtatanong ni Vanz kay Zyrene tiyaka niya bahagyang binunggo ang cart ni Zyrene gamit ang kanyang cart. “Secret boyfriend nga, paano malalaman?” Pagbibiro ni Kyle. “Gago,” Sagot sa kanya ni Vanz tiyaka siya marahan na sinuntok sa balikat. “Pero seryoso nga, wala ba siyang sinasabi sayo?” Pagtatanong ulit ni Vanz. “Chismoso pa rin kayo no?” Sambit ni Zyrene pagkatapos maglagay ng mga delata sa cart. “Hindi ko pa rin kilala.” She honestly answered dahil wala pa naman pinapakilala sa kanya si Cassandra. “Eh diba magkaibigan kayo?” Kyle asked. Zyrene rolled her eyes. “Hindi naman porket magkaibigan kailangan ng sabihin ang lahat sa isa't-isa, baka hindi pa siya ready or she make sure na tama na ang papakilala niya kaya tinitingnan niya muna.” Pagpapaintindi niya sa mga lalaki. “But still, bakit niya jojowain kung hindi pa siya sure sa lalaki?” Pagtatanong ni Ranz kaya nagtanguan naman ang dalawa. “Eh bakit kayo nililigawan niyo, e hindi niyo naman pala papakasalan?” Masungit na tanong ni Zyrene kaya natikom ang bibig ng tatlo. “Oh diba? Sasabihin niya rin sa akin. Maghintay lang kayo.” Isa pang point niya ay busy na sila sa kanilang mga trabaho kaya hindi na sila masyadong updated sa buhay ng isa’t-isa, hindi kagaya noong senior high school sila at kahit noong nag iba-iba na sila ng landas sa college. Marami silang oras noong estudyante pa lang sila pero ngayon ay isa na sila sa mga alipin ng sistema. “Sabihin mo sa akin kapag sinabi na sayo ah?” Kaagad naman siningkitan ng mata ni Zyrene si Kyle, agad na tinaas ni Kyle ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. “Oh, what’s with the glare?” Pagtatanong ni Kyle. “Do you like Cassandra?” Tinitingnan siya ng mariin ni Zyrene habang sinasabi niya iyon. Kyle scoffed because of Zyrene’s question. “Ohh! Family stroke.” Pang-aasar ni Vanz kagaya na lamang noong napag-usapan nila ay isa silang pamilya pero nagka kagustuhan. “Cassandra naman pala,” Ngisi ni Ranz sa kaibigan para asarin. Napailing si Kyle habang hindi siya makapaniwala habang tinitingnan niya ang mga kaibigan. “What? Are you all out of your mind?” Hindi makapaniwalang singhal nito. “I’m just curious since my niece was watching her vlogs.” Agad na depensa niya sa kanyang sarili. Tinawanan siya ni Vanz kahit na seryoso ang mukha ni Kyle. “Your niece or…” Tiningnan ni Vanz si Kyle nang may nang-aasar na ngisi bago dugtungan ni Ranz ang kanyang sasabihin. “Or you are watching her vlogs.” Madiin ang pagkakasabi ni Ranz bago siya tumawa tiyaka sila nag-apir-an ni Vanz. Umiling si Kyle na tila wala ng panahon para don dahil alam niya na kapag lalo lang niyang dinepensahan ang kanyang sarili ay lalo lang siyang aasarin ng dalawang kaibigan. “Si Cassandra lang pala katapat mo, bagay nga kayo.” Komento ni Zyrene, akala ni Kyle ay tapos na pero mukhang hindi pa tapos ang kaibigan nilang babae. “Siya palaging late sa mga lakad habang ikaw dahil sa pagiging torpe mo, na-late ka na! Naunahan ka na ng iba.” “Hoy, ano iyan?” Pagtatanong ni Cassandra habang papalapit siya sa tatlo, tulak-tulak ang kanyang cart. “Bakit hindi ako kasali? Na-late na naman ba ako riyan sa topic niyo?” Nakangusong tanong nito. “Hindi, ikaw nga topic namin eh.” Sambit ni Zyrene habang nakangisi. “Sino ba iyang boyfriend mo? Bakit tinatago mo raw?” Pagtatanong ni Ranz habang nagtataas-baba ang kanyang kilay nang tumingin siya kay Kyle. “Ha? Bakit napunta sa akin?” Medyo pabebe na tanong ni Cassandra na tila ba nahihiya na ganoon ang topic nila. “Hindi ba raw proud sayo ang boyfriend mo?” Pagbibiro ni Vanz pero medyo hindi niya nagustuhna ang pagbibiro niyang iyon. “Kanina pa nila ako kinukulit kung kakilala ko, kung kakilala ko lang edi sana nachika ko na sa kanila.” Ang kaibigan niyang si Zyrene. “Bago-bago pa lang ba kayo?” Tanong ni Ranz, hindi na siya makasagot dahil tuloy-tuloy ang pagtanong sa kanya. “Kaya niya ba raw pagtiyagaan ang pagiging late comer mo?” Patatanong ni Vanz na ngayon ay nawewerduhan na si Cassandra sa kanyang mga kaibigan. “Kasi kaya raw magtiyaga ni Kyle.” Dagdag pa nito tiyaka inakbayan ni Vanz ang kaibigan niyang si Kyle. Lalong kumunot ang noo ni Cassandra dahil hindi niya maintindihan kung anong meron. “Ha? Hindi ko kayo gets.” Natatawang sambit na lang niya dahil naweweduhan na talaga siya sa kanyang mga kaibigan. Tiyaka bakit bigla silang naging interesado sa kanyang boyfriend? Bigla tuloy siyang kinabahan dahil baka may alam ang isa sa kanila at hinuhuli lang siya. “Ewan ko sa inyo, para kayong mga bata.” Inis na sambit ni Kyle bago niya inalis ang pagkaka-akbay ni Vanz sa kanya tiyaka na niya tinulak ang kanyang cart. “Kaya nga! Hindi na tayo high school!” Pagsang-ayon ni Cassandra habang naiiling na lang ang tatlo at may ngiti sa kanilang labi dahil sa ginawang pang-aasar. “Ang mabuti pa kumpletuhin na natin para hindi na tayo gabihin.” Presinta ni Cassandra. Hindi sila nag hiwa-hiwalay kahit na mapapabilis ang kanilang pag-grocery kapag ganon. Hindi nila maiwasan na magkwentuhan o di kaya naman ay mag-asaran kung paminsan-minsan. Sa kaloob-looban nila ay namiss nila ang ganoong eksena, noong hindi pa sila nagiging alipin ng salapi at para lang silang nag grocery para sa field trip nila. Nang matapos na sila ay halos walong cart ang napuno nila, kumuha pa sila dahil halos hindi na magkasya sa mga cart nila ang kanilang pinamili kaya medyo nagtagal sila sa casher. Pagkatapos ay humingi sila ng tulong sa mga staff dahil alam naman nila na hindi kaya ng tatlong lalaki na buhatin ang lahat ng iyon. Muli nilang nilagay sa cart para maitulak na lang nila palabas ng mall. “Teka lang,” Sambit ni Zyrene dahil may nakita siya sa cart ni Cassandra kanina. Mukhang ID iyon ng kaibigan kaya kinuha niya muna iyon bago maglagay ang staff ng mga pinamili nila. Pero kumunot ang noo niya nang hindi iyon ID pero nandoon ang kanyang pangalan at picture. Mukha siyang lisensya pero sandali siyang natakot sa nakasuat doon. Lalo na kung anong nakasulat sa ilalim ng kanyang pangalan kaya kaagad niya itong binulsa, natatakot na baka malaman o mabasa ng kanyang mga kaibigan. Tanging tumatak lang sa kanya kung para saan ang mukhang ID na iyon. Licensed for Failure Zyrene Navarro, CPA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD